Kalmado lang akong paupo-upo dito sa Mall ng agad din akong napatingin sa direksyon ng isang babaeng sumisigaw habang humihingi ng saklolo dahil sa ninanakaw nitong gamit.
Napabugtong hininga naman akong tumayo at pansin kong papatakbo ang magnanakaw sa direksyon ko, mahinahon lang akong naglakad papalapit din sa magnanakaw. At itutulak na sana niya ako, pero agad ko din namang hinawakan ang kwelyo sa damit nito ng ikinatingin niyang galit sa akin.
"Pwede ba, bitawan mo ako!" pagpupumigas pa nitong sabi sa akin at pilit na kumakawala sa pagkahawak ko
"Ibigay mo yang bag" mahinahong sabi ko pero tinignan lang ako ng masama agad ko naman ding napansing susuntukin na sana niya ako, pero agad ko naman siyang inunahang bigyan ng suntok sa tiyan
"At talagang manununtok kapa ng babae" walang gana kong sabi at tsaka kinuha ang bag na nasa sahig na ngayon, habang naka handusay na din yung lalaking hawak-hawak ang kanyang tiyan dahil sa sakit
"Pasalamat ka at isang suntok lang yan, baka hospital pa ang aabutin mo. At isa pa pwede ka namang maghanap ng matinong trabaho, kesa magnakaw kapa." huling sabi ko bago dinampot na ng mga kakarating lang na pulis ang magnanakaw
"Pasensya na Ma'am Astrid naabala kapa" sabi nung isa sa mga pulis, mahina ko nalang din silang nginitian bago binigay ang bag sa babae
"Mag-ingat ka sa susunod Miss, delikado na ang panahon ngayon" sabi ko nalang, at walang hanggang pinasasalamatan naman din ako ng babae, nginitian ko nalang ito bago tuluyan na din akong umalis doon
Sumakay na ako sa motor ko at tsaka na umalis. Wala pang 30 minutes at nakarating na din ako sa pinupuntahan ko, I simply park my big bike, bago inaayos ang suot kong uniporme. Bumugtong hininga muna ako bago magsimula ng maglakad.
Nagulat naman ako ng biglang may umakbay sa akin, dahil sa gulat muntikan ko na itong masuntok, at buti nalang at kumalma ako kaagad.
"What was that for Maeve?, you almost give me a heart attack" napabugtong hininga ko siyang tinignan
"I'm sorry Astrid, bat ba kasi ang tagal mo? kanina pa kita hinihintay" parang nagtatampo pa akong tinignan
"Ouh ito, binilhan kita niyan. Happy birthday Maeve" sabay kong binigay ang isang Teddy Bear, pagkain at panghuli ay tatlong libro na matagal na niyang gusto.
Pabalik-balik naman niya akong tinignan at sa paper bag ng gulat at hindi makapaniwala, nginitian ko nalang siya at tsaka pilit na binigay sa kanya ang paper bag.
"Akala ko nakakalimutan mo na" parang maiyak-iyak pa nitong sabi sa akin
"Why would I? At tsaka binili ko yan kanina sa Mall kaya natagalan ako, and let's go, late na tayo" sabi ko at tsaka tuluyan na siyang hinila
"Thank you so much Astrid" sabi nito ng ikinangiti ko
Natapos na ang klase at nagpaalam naman muna ako kay Maeve bago tuluyan ng umalis. Nakarating na ako sa bahay namin at naabutan ko namang si mama na nagluluto.
Binigyan ko siya ng isang yakap at tsaka inamoy ang masarap niyang nilutong adobong manok.
"Napaaga ka yata Astrid" nakangiting sabi ni mama sa akin, kumawala naman din ako sa pagyakap
"Maagang pinakawalan kami ng prof namin ma" sagot ko naman at tsaka nag dahan-dahan na ding hinanda ang mga plato para kami ay makakain
"How's your day love?" tanong ni mama sa akin
"Maayos lang naman ma, napasuntok kanina dah---" naputol naman kaagad ang sasabihin ko ng biglang inunahan ako ni mama
"WHAT!? Nakikipag-away ka?kanino?" hindi mapa kalma akong tinanong ni mama
"Ma, hindi po ako nakikipag-away, tinulungan ko lang kanina yung babaeng nanakawan, kalma ka lang ma" sabi ko habang napatawa ng kaunti dahil sa reaksyon ni mama
"Buti naman, kinakabahan ako sa iyong bata ka, akala ko sa paaralan ka naghahanap ng away" palinga-lingang sabi ni mama sa akin at tsaka umupo na din sa tabi ko
"Nanay Linda, sumabay na po kayong kumain sa amin" nakangiti kong sabi kay Nanay Linda na kakapasok lang dito sa kusina
"Mamaya na Astrid, salamat nalang ija, mauna na kayo ng mama mo, may gagawin pa din naman ako" nakangiti nitong sabi sa akin ng ikinatango-tango ko nalang din
"Hindi paba umuwi si papa, ma?" tanong ko habang patuloy pa ding kumakain
"Baka mamaya uuwi na din yon, nag ka emergency daw sa opisina, kailangan siya dun" sagot ni mama ng ikinatango-tango ko
Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko naman ang mga plato at tsaka tuluyan ng pumasok sa kwarto ko para magpahinga, ginawa ko muna ang night routine ko bago matulog, at pagkatapos nun hinanda ko muna ang mga gamit na kakailanganin ko bukas sa paaralan para diretso na.
Pagkatapos nun, humiga na ako sa malambot kong kama at tsaka hinayaang lamunin na ako ng dilim.
Nagising naman ako dahil sa ingay ng cellphone ko, habang inaantok, kapa-kapa ko namang hinahanap ang cellphone ko, at dun sinagot ang tawag
"Hello? sino po toh?" inaantok ko pang tanong
"Did I disturb your sleep Agent De Vera?" sabay pa itong mahinang tumawa, agad naman akong napamulat ng marinig ang boses na nun, I turned on my lampshade beside me at pansin kong alas 2 pa lang ng gabi
"Hello Miss Yuri, may maitutulong po ba ako sa inyo?" kalmado kong tanong, rinig ko naman ang mahinang pagtawa nito
"Good news Agent De Vera, I have a new mission for you. Magkita nalang tayo bukas sa headquarters, wag kang malate" sabi pa nito ng ikinagulat ko
"Nakauwi na po kayo ng Pilipinas?" hindi ko pa ding makapaniwalang tinatanong ito
"Yep, kahapon lang, let's talk tomorrow regarding dito sa bagong mission mo, matulog kana ulit, may klase kapa bukas" sabi nito, nagpaalam naman muna ako bago na itong tuluyang pinatay
Hindi na ako makatulog pagkatapos ng tawag na yun, dahil sa excited ko na siguro, mukhang matagal-tagal na din naman akong hindi na sumabak sa isang mission.
Lumabas naman ako sa kwarto ko at napag-isipang tumambay muna sa sala namin, nagulat naman ako habang kalmado lang kumakain ng biglang may nagsalita.
"Ang aga mo atang nagising, o hindi kapa natutulog" sabi ni papa, na kakagaling lang sa kusina
"Kanina kapa ba dumating Dad?" tanong ko ng ikinatango-tango niya naman akong nginitian
"You must be very excited sa new mission mo" sabi nito at sabay umupo sa gilid ko, napatingin naman ako sa kanya kung paano niya nalaman. Binigyan niya naman ako ng mahinang tawa bago siya nagsalita.
"Miss Toledo called me yesterday about sa mission mo, she asked for my permission about dun" sabi nito at hinihintay ko pa din ang mga susunod na sasabihin ni papa
"And don't worry pinapayagan ka naman namin ng Mama mo" nakangiting sabi ni papa sa akin. Agad ko namang niyakap si papa sa tuwa.
"Basta, mag-ingat lang palagi" sinabayan kong magsalita si papa, na ikinatawa namin pareho
Bumalik na ako sa kwarto ko and alas tres y medya pa naman din, napag-isipan kong matulog na ulit, at hanggang sa tuluyan na din akong nakatulog.
DISCLAIMER
This is a work of fiction..
Name,Events,Characters, And Incidents,Are only Author's Imagination..
Any similarities to an actual person,living or dead,or actual events are purely coincidental..⚠ Plagiarism is A Crime⚠
-Binibining Nez
BINABASA MO ANG
SPIES INLOVE
FantasyWhen Agent Astrid De Vera is called by her head director, Miss Yuri Toledo, for a new mission, Agent Elijah Vargas is also summoned by his head director for a new mission. As they embark on these missions, they are unaware of the destiny that awaits...