"Oh okay, kana? Ang pangit mo naman umiyak." I heard him say while wiping my tears away. He handed me a solo pack ice cream that made him think that it would lessen the pain i am feeling.
Diko pinansin ang panlalait niya at tinanggap ang ice cream na binigay niya.
"Sobrang mahal ko sya, Sin. Di ko alam kung bakit niya nagawa yun sakin."
I was just about to surprise my boyfriend because its his birthday and guess what I saw? I caught him having sex with my schoolmate.
"Im sorry, Trish. Its just that ayaw mo pa kasi." Rex my boyfriend nung nakita niya ako.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko nung time na yun. Tinapon ko nalang sakanila ang dala kong cake at tumakbo palabas ng bahay niya.I usually go to my comfort place which is ang playground sa village namin. Sin, my frenemy. Yes, bati kami minsan, pero palagi din kaming mag kaaway. I cant blame him, inaaway niya ako palagi but he always end up buying my favorite ice cream.
Hindi umimik si Sin nung sinabi ko yun, instead ay inagaw niya ang ice cream na kakainin ko sana kaya sinapak ko sya.
"Binigay mo na yan sakin, ah! Bakit kinuha mo pabalik?" sabi ko at sinamaan sya ng tingin. Nagkibit balikat lang sya at sumubo.
"Favorite ko rin to eh" sabi niya at bumelat. Sinamaan ko lang sya ng tingin at akmang sasapakin ng nag ekis sign sya.
"Wait wait wait, may joke ako." Napahinto ako at hinintay ang corny na naman niyang joke.
"Anong patatas na nanggugulat?" Tanong niya.
"Ano?"
" Edi SurFRIES!!!" he laughed after that kaya napasapo ako sa noo ko. May saltik ata to.
"Tumawa ka naman, nag effort pa ako gumawa ng joke." Reklamo niya kaya ginulo ko ang buhok niya. I smiled at him.
"Oo na, funny sya HA HA HA HA HA"
*******
After nung usapan namin ni Sin ay palagi na kaming gumagala kung saan. Aba ay napakalakwatsero din naman ng lalakeng to. Pinapayagan naman ako ni mama kasi kaibigan naman niya ang mama ni Sin kaya yun.
"Punta tayo sa amusement park mamayang gabi, Trish. Pramis ililibre kita ng kwek kwek" Sin pleaded like a child.
"Kwek kwek lang? Hind ba kasali rides?" Sabi ko.
"Eh, may ibibigay kasi ako kaya huwag na HAHAHAHHAAH" tumawa pa sya na para bang may nakakatawa.
"Abno ka talaga, sarap mong sapakin."
" Alam mo, Trish. Para kang multo."
I was expecting him to say something nice.
"Bakit?"
Nag warm up muna sya bago nagsalita.
"KASI NAKAKATAKOT KA HAHAHAHAH"
sabi niya sabay karipas ng takbo, iniwan akong galit na galit."Mamaya ha! 7 p.m!" pahabol pa niya.
**********
I was wearing a white shirt and a jeans paired with a chunky shoes. I was about to leave the house ng may nag text sa akin.Rex: pwede ba tayong magkita kahit sandali lang? I still love you, Trish. And I really wanna explain my side.
Kumirot ang puso ko ng mabasa ko iyon. Hindi dahil sa mahal ko pa sya, kundi dahil sa ginawa niya sa akin. Wala na akong balak ibalik sya sa buhay ko, nawala na lahat ng pagmamahal ko, but I wanna hear his side so that we can have a proper closure. In this way, para naman gumaan ang pakiramdam ko at para naman masabi ko kay Sin ang nararamdaman ko.
I replied "okay" at nag reply sya sa address kung saan kami magkikita. Alam kong hindi naman ako magtatagal dun.
********
"Trish, please. Alam kong mahal mo pa ako. We can still work this out." Rex pleaded. He is crying. I can see that he is sincere with his words.
"No, Rex. Tama na. Wala na akong nararamdaman sayo."
"Eh bakit, ka nakipagkita sa akin kung ganoon?"
"Gusto kong marinig mismo sayo Rex kung bakit mo yun nagawa sakin. I just wanted to hear your explanation, thats all."
Naging mataas ang usapan namin at napakahirap kumbinsihin ni Rex kaya nilayasan ko nalang sya. Tumingin ako sa relos ko at kinabahan ako ng makitang quarter to 8 na. Oh sht.,
Mama calling......
"Hello, ma?"
"Saan ka ba, Patricia?"
"Uhh papu-------"
" Si Sin, nasagasaan ng Van!!!"
Nabitiwan ko ang cellphone ko.
The street lights were not enough to give me brightness, as if I am being brimmed with so much darkness.....and PAIN.
And with that I almost collapsed.
******
They say "Sometimes, you find the right person at the wrong time".
It hit me like a thousand knives. Its killing me. Halos wala na akong maiyak. Hindi ako halos makakain. I am blaming myself for what happened.
I still can hear what everyone said after that accident:
"Anak, may sinagip na bata si Sin. Muntik daw itong masagasaan at ng itulak niya ito. Si Sin ang nabangga."
"Maam, dead on arrival na po ang pasyente."
Sana hindi ko nalang pinuntahan si Rex nung gabing yon.
Sana dumiretso ako sakanya.Andaming sana ang lumulutang sa aking isipan. Ngunit hindi ko na maibabalik lahat ng yon. Wala na sya....
"Trish, iha. Ito yung mga nakitang gamit ni Sin nung nasagasaan siya. Sa tingin ko ay para saiyo to." Sin's mom approached me with a teary-eyed.
Mas lalong nadurog ang puso ko na ito yung favorite minion stuff toy ko. There was a letter.
Binuksan ko iyon at sinimulang basahin.
Wala ng dear2 ang letter nato kasi masyado nang pormal. Ang gusto ko lang sabihin ay ang panget mo sobra. At syempre joke lang yun, nakakatakot ka kaya magalit. Yun lang kasi ang paraan ko Trish para hindi mo mahalata na gusto kita. Ayaw kong manggulo sa relasyon niyo ng ex-boyfriend mo noon kasi alam kong masaya ka sakanya. Nakikita ko yun. At nasasaktan din ako. Pero binabawi mo naman ang lahat ng sakit na yun sa mga ngiti at pangtataray mo sakin. Ang sarap mong kulitin lalo na kapag kumukunot ang noo mo, para kang si hulk pag galit BWAHAHAHAHAHAHAHAH. Joke lang hahahaha pinapatawa lang kita para naman hindi mas lalong nakakahiya ang letter nato sayo.
Gusto ko lang malaman mo, na mahal kita. Mahal kita, Trish. Sobra. Sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang nararamdaman ko. Syempre part 2 na ang confession nato kasi magkikita tayo mamaya BWAHAHAHAHAHA.
~aSIN
PS: asin para medyo salty HAHAHAHAH
PS ULIT: MAHAL KITA HEKHOK
PS ULIT PART2: Wag ka ng malungkot, babasagin ko bungo niyang Rex na yan.
PS ULIT PART3: MAHAL NA MAHAL KITA RAWR
Matapos ay napatulala ako sa kawalan. He never failed to make me smile. Kahit na sa kahuli hulihang letra niya ay parang niyayakap niya ako. The letter was so comforting kahit na ay sumisikip ang dibdib ko.
I looked at his coffin.
Sin, Mahal din kita. Mahal na mahal kita.