Chapter 25

947 36 1
                                    

Lee Ji eun's POV

Habang hinihintay ko si Jackson ay lumabas naman ang doctor ni Lisa.

"Doc kamusta po siya?" I asked at nagbuntong hininga naman ang doctor.

"Ms. Lee gusto kong malaman niyo na medyo maayos naman ang kalagayan nya at naiwasan ang pag cause bg internal hemmorhage sa ulo nya. Naagapan ito kagad kaya hindi nagkaroon ng komplikasyon. Ngunit kailangan parin namin siya tutukan. Maya maya ay ililipat na siya sa kanyang kwarto. Yun lang..excuse me." sabi ng doctor at umalis na.

Mabuti naman kung ganun. Makakahinga na ako ng maluwag...si Jennie kaya kamusta? Hayss

Napaupo ako dito sa gilid at sinubukan na kontakin si Jackson.

Ringing..

"Hello? Jackson? Kamusta si Jennie??" I asked and narinig ko ang malalim na pag buntong hininga nya.

"Ano kasi..si Jennie nilayo na samin ng parents nya. Nasa France sila ngayon." pagsagot nya at nanghina ako sa narinig ko.

Shit. Bakit naman ganito! Kaasar!

"Pumunta ka na dito Jackson. Kailangan ni Lisa ng kasama mamaya kasi pupuntahan ko si Somi yung criminal na yon. Nahuli namin siya kagabi buti na lang na corner namin. Sige na kwento ko na lang sayo lahat mamaya. Bye" I said at binaba na ang tawag.

Pagbaba ko ng tawag ay napasandal ako sa pagod.

Sana maging ayos din ang lahat.

============================

Mrs. Kim's POV

Nakasakay kami sa private plane na kasalukuyan na papuntang France..sa Paris. Kasama ang tatay ni Jennie.

Nakahiga padin si Jennie at may nakasaksak na dextrose. Mukhang ayos naman siya.

"Sana hindi maling desisyon tong ginawa natin." He said.

"Sana nga. Ah siya nga pala yung tungkol sa divorce papers..wag mo na munang pirmahan." I said and napatingin siya sakin.

"Sabi na at sasabihin mo yan. Sige walang problema sakin yun." He said at napatango na lang ako.

Aaminin ko na kahit konti ay may nararamdaman padin ako para sa kanya. At ramdam ko na siya din.

Para matuwa naman si Jennie na buo padin naman ang pamilya nya kahit na may lamat na at wala na ang lola nito.

Sana masaya ka na dyan Mama..mahal na mahal ka namin.

~

Nakalapag na ang eroplano at didirecho na kami sa kung saan kami titira at mamumuhay ng payapa.

Kanina pa nagriring ang cellphone ko dahil ayaw magtigil ni Jisoo sa pagtawag sakin..pati na din si Kai.

Wala na silang magagawa dahil bibigyan namin ng bagong buhay si Jennie.

Pasensya na..
.
.
.
Nandito na kami sa bahay at pinasok si Jennie sa kanyang kwarto ng maingat.

Alam kong delikado tong naging desisyon namin pero magpapadala naman kami ng doctor dito ngayon na.

=Time passed=

Dumating na ang doctor at chinecheck up na si Jennie.

"Comment est-elle médecin?" (How is she doc?) pagtanong ko sa doctor dahil french ito at wala kaming makita na half korean o kahit korean manlang na doctor.

"triste à dire mais il est possible qu'il soit dans le coma." (nakakalungkot man sabihin pero posible na ma coma siya.) The doctor said at napaupo ako sa tabi ni Jennie.

Fix You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon