Chapter 14- Sino?

145 2 1
                                    

Chapter 14

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi ako umimik ganun din si Mama, kilalang kilala nya talaga ako pagdating sa gantong bagay. Napakaswerte ko at s'ya ang naging Ina ko.

"Ililigpit ko na ang pinagkainan mo anak. May kailangan ka pa ba?" ngumiti lang ako bago umiling, hindi ko na alam kung paano pa ako makakabawi sa lahat ng ginagawa ni Mama

"O s'ya sige huwag ka na munang matulog anak ko ah, baka kasi hindi lang isang linggo yung pagtulog mo. Natatakot ako anak" kitang kita ko ang hirap sa mga mata nito ewan ko ba pero nanghihina din ako pag nakikita ko na ganyan ang lagay ng Mama ko. Ang daming bakit at paano sa aking isipan, pero isa lang ang alam ko... Lahat ng nangyayari ay may dahilan.

"Hindi po ako matutulog Mama, puro tulog nalang ginawa ko" pabirong saad ko rito na syang ikinatawa nya. Gusto kong pagaanin ang awra ng paligid puro kalungkutan ang aking nadarama.

Kay gandang tignan ang ngiti ng aking Ina lalo na't sinsero ito at hindi peke, ngumiti ulit si Mama ang hindi ko lang alam kung lagi kong makikita ang matamis niyang ngiti.

"O s'ya sige ako'y maglalaba na muna mag cellphone ka nalang d'yan para naman may libangan ka" gusto kong maiyak, bakit napakaswerte ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Hindi lang ako swerte kay mama at papa maging sa mga kaibigan at mga taong nakakasalamuha ay swerte ako.

"Salamat talaga Mama, Mahal na mahal po kita" nakangiti kong turan dito at niyakap siya ng mahigpit.

"Para namang nagpapaalam ka na sa akin anak, gusto mo na bang sumama sa lalaking dumalaw sa iyong panaginip" ang kaninang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito ay ngayo'y wala na at napalitan na naman ng pagkabahala

"Mama sa totoo lang po pagkasama ko sya wala po akong maramdamang takot, nung una meron pero ng mga sununod na araw ay tila nagbago ang ihip ng hangin at ako ay nasanay agad sa kanyang presensya" hindi ko ipinapahiwatig na gusto kong iwanan sila

"Anak... Kung masaya ka talaga sa lalaking iyan handa akong masaktan. Pero bago 'yun ipaglalaban kita hanggang sa kaya ko pero kung ikaw na mismo ang magdesisyon ay sasangayon na lamang ako. Ayokong mahirapan ka ng dahil sa amin, sundin mo ang sinasabi ng iyong puso hindi lahat ng desisyon ay utak ang ginagamit. Importante din ang sinasabi nito" turo niya sa aking puso,  muli itong ngumiti habang masuyong hinahaplos ang aking buhok.

"Teka ano nga pala ang pangalan ng lalaking iyan maaari ko bang malaman?" pagbabago niya ng aming paguusap alam kong iniiwasan ni mama ang usapang iyon.

Agad na namula ang aking mukha ng maalala ko si Kevin

"Kevin po ang kanyang pangalan Mama, napakagwapo nya at may malamyos na boses na parang isang anghel, gaya niyo Ma siya ay mabait at tila hinehele ako tuwing nagsasalita siya" salaysay ko.

"Anak natatakot pa din ako sa mga pwedeng mangyari."

"Huwag na po kayong matakot Ma hanggat kaya kong pigilan ang aking nararamdaman para sa kanya ay gagawin ko. Mahal ko po kayo ni Papa at kung may paraan pa na magagawa para ako'y hindi n'ya na gambalain at kuhanin ay aalamin ko po Mama para sa inyo ni Papa" ng sabihin ko ito ay parehas kaming napatulo ng luha, kakayanin ko para sa kanila. Hindi pwedeng puro sila na lamang ang magsasakripisyo.

"Hahahah nako tama na nga ang drama maglalaba pa ako, o yung prutas kainin mo ng lumakas agad ang katawan mo at ng makabawi ka sa araw na hindi ka nakakain"

Tumango nalang ako at ngumiti.
Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan ang nararamdaman ko kay Kevin. Inaamin ko na ako'y may nararamdaman sa kanya pero higit na mas mahal ko ang aking magulang. 

Ano ang gagawin ko?

Kailangan kong magdesisyon.

-
ANO BA DAPAT NA GAWING DESISYON NI KRISTINE? 
PILIIN SI KEVIN O ANG PAMILYA NYA?

KAYO SINO ANG DAPAT NIYANG PILIIN?

SANA MAINTINDIHAN NYO YUNG FLOW NG STORY PATI NARIN YUNG MGA WORDS NA HINAHAKA KO. SALAMAT SA MGA NAGHIHINTAY AT PATULOY NA NAGBABASA. PAG NATAPOS KO PO ITO AY IU-UNPUBLISHED KO PO ITO DITO.

LALUNA_CRESCENT

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon