Chapter 5

201 2 0
                                    

Chapter 5

Iwinaksi niya ang kung ano mang nangyari kanina sa library at nag focus sa kanyang klase. Simula kasi ng mangaling siya sa library ay parang lumutang ang utak niya, ilang beses na siyang nasita ng prof nila.

Alas tres ng matapos ang huling subject niya. Pinauna niya ng lumabas ang mga kaklase niya ayaw niyang makipagsiksikan sa pag labas. Nang nasa sampo nalang sila sa loob ay tsaka niya isnukbit ang bag. Paglabas niya ay nandoon na si Almira at Marielle na naghihintay.

"Napagalitan ka daw ni Ms. Quizo" bungad na tanong ni Almira sa kanya na tinanguhan niya

"Bakit?"

"Lumilipad daw ang isip ko, which is true" sagot niya dito

"Hahahaha aminado ka talaga, halika na hatid ka na namin sa trabaho mo" singit naman ni Marielle

"Tara na"

Hindi na ako tumutol pa.

"Salamat Marielle at Almira, ingat kayo ah" nagpaalam na ako sa kanila bago dumiretso sa loob ng makapag palit ng damit.

Nakasalubong ko paglabas ang may ari ng Denichelle,

"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo Kristine? Tumawag ang mama mo sa amin noong isang araw. Na over fatigue ka daw kaya apat na araw kang hindi nakapasok" nagaalalang tanong ni Mam Michelle at inikot ikot pa ako para tignan kung ayos lang ba talaga ako.

"Ayos na po ang pakiramdam ko Mam, nagkataon lang po siguro nang araw na iyon na maraming ginawa sa school kaya napagod po ako. Pero ayos na po ako, nakapag pahinga na po ako at malakas na malakas na" parang ate ko na si Ate Michelle, kaso syempre pag nasa trabaho, boss ko siya.

"O siya sige doon ka nalang sa Cashier kasama si Rose maya-maya ay dadating na din naman si Tommy siya na ang bahala sa mga dadating na customer" ngitian ko ito at tumango

"Yes mam!"

"Ate Rose dito muna daw po ako sabi ni Mam Michelle"

"Diyan ka nalang magpahinga ka, nahospital ka pala." bakit parang napaka maalalahanin ng mga taong ito sa akin. Na b-baby na nila ako masyado ah!

"Ayos lang ako ate Rose malakas pa ako sa kalabaw" tumawa naman ito at bumalik na sa ginagawa niya. Inayos ko nalang 'yung mga nakakalat na papel sa gilid niya dahil ayaw naman akong patulungin nito.

"Yow Rose, Kristine" bungad na pasok ni Tommy, sa School din namin ito nag-aaral. Kaya hapon din ang pasok nito. Shifting kasi dito, may pang umaga at panghapon. Ako naman ay parang saling pusa lang dito hanggang tatlo o apat na oras lang ang pasok ko dito.

"Hi" balik na bati ko dito. Dumiretso ito sa palitan ng damit, at may maya lang ay bumalik na ito. Iilan lang ang customer ngayon at lahat ay may order na.

"Ayos ka na Kristine?" napatawa nalang ako sa tanong nito. Siguro kailangan ko ng maglagay ng 'OO' sa noo ko para masagot ang tanong nila.

"Ayos lang ako Tommy"

"Ayos 'yan" sagot nito. Napatawa naman kami ni ate Rose.

Alas quatro ng dumagsa na naman ang tao, halos studyante ang nandito tuwing hapon. Ang iba ay dito gumagawa ng ilang aralin nila dahil may free wifi dito. Meron ding mga studyante na nagmemeryenda lang bago umuwi sa kanila.

Mabilis ang oras at ala sais bente na, alas siyete ang tapos ko dito.

Dumaan si Tommy sa Cashier bitbit ang tray na may lamang order.

"Kristine tawag ka ni Mam Michelle" tumango ako dito at dumiretso agad sa office ni Mam Michelle

"Mam tawag biyo daw po ako"

"Umuwi ka na at ng makapag pahinga ka, sa susunod ka nalang muli bumawi. Ipapahatid na kita kay Mang Levi."

"Mam ayos lang po ako, ilang minuto nalang naman po at tapos na ang shift ko" Umiiling-iling na tugon ko dito.

"Huwag ka ng makulit Kristine. Kaya nga sa susunod ka nalang bumawi sa trabaho" wala na akong nagawa kundi sundin nalang ito, dahil kahit saan tignan boss ko parin siya.

"Sige po Mam salamat po"

"Ate... Tapos na ang trabaho mo"

"Opo Ate, mauuna na po ako"

"Sige mag-ingat ka, heto oh iuwi mo sa inyo" abot niya sa akin ng isang paper bag na may lamang ulam at prutas.

"Sige ate alam kong ipipilit mo ito, salamat! Mauuna na po ako mag-ingat din po kayo" pagkabihis ay lumabas na ako. Naghihintay na si Mang Levi sa labas.

"Halika ka na Kristine ihahatid na kita sa inyo" nginitian ko ito at pumasok sa unahan.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo anak?" muli ay napangiti ako

"Ayos na po ako Tay Levi. Malakas pa sa kalabaw" balik na tugon ko dito.

"Ganyan din ang laging sinasabi sa akin ng yumao kong anak tuwing kinukumusta ko siya. Pero isang araw nakita nalang namin siya sa kusina namin na may dugo ang ilong at wala ng buhay" nalungkot ako sa kwento ni Tay Levi. Masakit para sa magulang na makita ang anak nila na nasa loob ng malambot na higaan at natutulog ng mahimbing ngunit hindi na magigising pang muli.

"Ayos lang talaga ako Tay, walang halong pagsisinungaling" pangungumbinsi ko dito. Ang daming nagmamahal sa akin, at ayoko naman magalala silang lahat

"Pag may nararamdaman kang kakaiba, huwag kang magdalawang isip na sabihin agad ito sa magulang mo para hindi sila mabigla."

Tumango ako at ngumiti dito "Opo promise po" napatawa ito at nagfocus na muli sa pag dadrive. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa amin.

"O siya sige pumasok ka na at mahamog na baka magkasakit ka pa"

"Salamat po Tay, mag-ingat po kayo sa daan" tumango ito at muling pinaandar ang sasakyan. Nang mawala ito sa aking paningin ay tsaka lang ako pumasok sa bahay.

Nanonood si Mama at Papa ng balita. Lumapit ako dito at binigyan silang ng tig isang halik sa pisngi

"Ma! Pa! Bigay po ni Ate Michelle" pakita ko sa paper bag na inabot ni Ate Michelle kanina.

"Napakabait talaga ng iyong amo anak, akin na iyan at maghahain na ako. Magbihis ka na muna."

Pagka-hain ay sabay-sabay kaming nagdasal bago kumain. Ako na din ang naghugas ng pinggan. Pagtapos ay dumiretso na ako sa aking kwarto para gumawa ng aking assignment.

Inilabas ko lahat ng kakailanganin ko bago nagumpisang magsagot. Madali lang naman ito dahil essay lang namna ang mga ito.

8:30 lang ay tapos na siya sa kanyang assignment. Dumiretso na siya sa banyo para magtoothbrush at naghilamos.

Paghiga niya ay kinuha niya ang cellphone niya at in-online ang fb account niya. Nagbabasa pa siya ng article ng magrefresh ang newsfeed niya. Lumitaw sa pinakauna ang story na My Incubus Lover.

Bakit ba puro ganito ang naeencounter niya eh hindi naman ito totoo.

Hays makatulog na nga lang ng wala na akong makita pang kung ano-ano. Pinatay niya ang ilaw at pabagsak na humiga sa kama.

Sa hindi malamang dahilan ay napapayag niya ang sarili na huwag na munang magdasal ngayon.
Tila nasasanay na akong hindi magdasal bago matulog ah. Masama na ito, sa linggo ay aagahan kong magsimba para makahingi ng tawad.

-----
Update ko agad 'yung kasunod niya. Maglalaba pa ako eh hahahaha skl.

I also changed the story Title from My Incubus Lover to Sweet Dreams in a Nightmare. Naisip ko Wet Dreams in a Nightmare, kaso parang nakakatawa hahahaha. Oh diba babaw ng kaligayahan ko.

Laluna_🌜rescent









Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon