"Happy Anniverssary sa iyo!"
"Shit! Wag ka nga maingay,Lucas!"
"Eh bakit? Ayaw mo na binabati kita hah?"
"Hindi sa ganun yun eh,maingay ka lang."
"Ganun ba,5 years na pala noh"
"Oo nga eh,hindi talaga ako maka-move-on sa kanya."
"Ano gagawin natin? Kenji?"
"Bibisitahin ko siya bukas"
"Sama ko mga Thugs natin,nakakamiss din sila eh"
"Oh sige ba"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
5 years na ako naggaganito,hirap talaga pagwala siya sa tabi ko.Limang taon ko na siya hindi nahahawakan ang kamay,limang taon ko na siya hindi na niyayakap,limang taon na hindi ko makita ang ngiti nya at limang taon ko na siya hindi nahahalikan sa labi niya.Kung pwede lang ibalik ang nakaraan siguro,ay hindi rin mababago.Kung pwede lang...
Meron na akong trabaho,ibinigay sa akin ng tatay ko kailangan ko raw ito ingatan at palaguin pa ng mahigit.Wala naman akong intensyon na gawin ito noon pero parang may balak lang ako,kung andito lang siya magiging masaya ako,kung nasa tabi ko siya lagi ko siyang yayakapin kaso wala siya.Kinuha na siya ng langit,mahirap tanggapin eh.Masakit kahit limang taon na to,past is past pero yung sakit sa damdamin ko hindi pa gumagaling,noong huling video na ni-record nya lagi kong pinapanood.Ang ngiti nya,ang kanyang magandang boses,ang mukha niya. Bakit ka ba kasi nawala sa tabi ko?
"Kenji,Hoy! Umiiyak ka na naman eh" Narinig ko ang siga ni Lucas sa tenga ko,hindi ko na pala napapansin na tumutulo nga.Pinunasan ko ito gamit ang panyo na hawak ko,hindi ko talaga mapigilan maalala mga yun eh.
"Kenji,maging malakas ka nga.Limang taon ka ng ganyan,tingnan mo na sarili mo mukha ka ng pulubi sa mukha mo na yan.Ang yaman-yaman nyo ganyan itsura mo" sinuntok ko sa ang braso niya.Bad trip ako kapag binabanggit niya mga yan.
"Tatawa na yan" asar niyang sinabi,nakatingin lang ako sa kanya pero dahil sa mukha niya natawa na lang ako ng malakas.Kahit sa tawa ko daanin ko siguro hindi pa rin ito gagaling.
"Tinawagan ko na sila Jigs at si Kirby,papunta na raw sila rito.At tsaka pala si Nathan,uuwi rin ng Pilipinas galing Korea" nabigla ako sa sinabi niya.Huminga na lang ako ng malalim.
"Bukas na yun oh! Ihahanda na natin ito hah pagdating nila" sabi niya,pangiti sa akin.Nag-nod lang ako sa sinabi nya at bumalik sa gawain ko.Nagbagong buhay na rin pala sila Jigs at Kirby kasama mga syota ay este asawa nila,parehong may trabaho sila Kirby at Jigs ganun din si Sara at housewife naman si Mary.Buti pa sila,si Lucas ewan ko dito.Namatay na rin si Abigail makaraan lang dahil sa di na kinayanan ang cancer niya.Masakit pa rin talaga kay Athena,grabe talaga pagmamahal ko sa babaeng yun pero dapat nga masaya ako dahil nakasama ko siya sa buhay niya. Bwisit!!
"Hoy! Babe musta?" na-shook ko ang ulo ko,boses to ni Kirby ahh.Napalingon ako,si kirby nga.
"Musta babe? Musta buhay?" tanong ko sakanya,nagulat ako pero na-excite ako dahil namiss ko mga Thugs ko.
"Eto masaya naman,bukas na pala hah ayusin na natin ito hapon na oh" sagot nya,napangiti sa akin sabay ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Babe,namiss kita alam mo ba yun" sabi ko sa kanya sabay tinanggal namin ang yakap.
"Oo alam ko babe,andito na rin sila Jigs.Handa na tayo" yaya niya
"SIGE!" sabay naglakad kami palabas.Nakita ko mga kaibigan ko,nagwave sila sa akin.Nagbago na rin sila,hindi ko akalain.Nakita ko si Lucas may tinatawagan ata pero hayaan na lang,isa-isa sa kanila may dalang gamit.Ayoko na isa-isahin ang dami ng dala nila sabayan mo pa kanila Nathan at Grace,grabe......
Ano kaya mangyayare bukas? Athena,pupunta na kami sa puntod mo.Di ba taon-taon akong dumadalaw,may dalang cake at balloon at kinukwento ko sa iyo ano nangyayare sa paligid ko.Limang taon na rin,siguro special na taon to sa iyo.
August 21.........
BINABASA MO ANG
She's Dating The Gangster (side story)
FanfictionI dont own anything ^^ SDTG (c) to owner