"Tapos na" Sigaw ni Sara sa kusina,lahat kami may gawain dito sa bahay namin dahil bukas special na araw kailangan i-effot lahat.Ako,Jigs at Kirby nag-aayos ng table, plates at mga bagay sa kainan. Si Nathan inaayos mga picture frame namin dati noong buhay pa si Athena.Sila Mary,Grace at Sara sa kusina naghahanda ng mga lulutuin. Mga parents ko nasa work hanggang next week pero nagpaalam ako sa kanila na gagawin namin to. Napangiti lang ako dahil halos lahat kami kumpleto na magbabarkada, masakit isipin talaga. Natapos din kami pero sila Sara hindi pa,marami ba niluluto mga yun?
"Tapos na pala eh,magpahinga na tayo.Its already 7 in the evening na" Sabi ni Nathan sa amin,hindi ko napansin na gabi na pala.Tumayo na kami sabay-sabay,tapos na rin ang ginagawa ng tatlo sa kusina.
"Kenji,bukas na natin iluto yung manok ahhh" ani ni Sara habang papalabas sa kusina.
"Eh bukas naman talaga eh" sabi ko sa kanyan,tumawa lang sya.
"Ano pala oras tayo bukas,Nathan-oppa?" tanong bigla ni Grace sa Oppa niya habang papalabas ng kusina kasama si Mary.Ngumiti lang si Nathan may hawak-hawak na picture frame.
"siguro 12 bukas,ihahanda ko na rin ang balloon hah" sabi niya,sabay-sabay silang lumabas ng bahay ko.Nagwave sila paalis.
"Kenji,be happy.Masaya na si Athena alam mo ba yun!" Pasigaw na sinabi ni Sara sa akin.Masaya na ba siya ? eh wala naman sya sa tabi ko ah. Ngumiti lang ako kailangan ko maging malakas dahil makikita ko muli siya.
"Kenji,tama si Sara.Be strong and Hwaiting" Biglang nagsalita si Nathan sa tabi ko,nagulat ako.
"Ah... sige ba." payuko kong sinabi sabay lumabas si Nathan kasama si Grace at umalis na sila.Nag-wave sila at nagpaalam,pumasok ako sa loob at sabay akong umupo muna sa sofa ko.Huminga ako ng malalim at iniisip ko kung pupunta ba talaga ako o hindi,nag-isip ako ng malalim hanggang sa di ko na alam na nakatulog na ako.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko dahil ngayong araw na gagawin pero ng kinuskos ko ang mga mata ko gamit ang daliri ko,namalayan ko na nasa blangkong lugar ako.Plain white lang siya,halos lahat white ang makikita nasa sofa pa rin ako nakaupo.
"Anak ng tinola? Asan ako? Jigs? Kirby? Lucas? Potcha! Di ako nagnanakipagbiruan ah" pero walang sumagot sa mga tanong ko.Tumayo ako at sabay nag-stretch,sabay kamot sa ulo.
"Asan na ba ako? Bwisit!" Angal ko,buhay pa ba ako o nanaginip lang? Ng simulan kong humakbang ng isang beses,may liwanag ang nagpakita sa akin.Nabigla ako sabay tumingin ako sa liwanag,grabe! Ang lakas ng sinag neto,tinakpan ko ang mukha ko dahil sa sobrang sinag at sabay kong nilakad at sinundan ang liwanag.
"COO COO BIRD,MISS MO BA AKO?"
Wait! Kilala ko boses neto hah! Wait, wait kilala ko nga. Athena? Athena! Hindi, sana hindi ako nanaginip.Athena,ikaw ba yan?! Athena? Yung boses mo,ung asar mo sa akin.Athena! Naramdaman ko ang tibok ng puso ko,pabilis ng pabilis .Napansin kong lumuluha mga mata ko,napakagat ko labi ko,gusto kong isigaw pangalan niya. Gusto ko siya tingnan ang mga mata niya, ilong, labi, tenga. Athena!
"AWW,MAGSALITA KA NGA?"
narinig kong tumawa siya,Athena! Athena! Biglang tumigil ako sa paglalakad, yung liwanag konti-konting nawawala. May narinig akong yapak sa harapan ko, si Athena. Athena!
"SI SUSHI BOY TALAGA HHAHAHAHA!"
nawala na ang liwanag sa harapan ko,onti-onti kong binababa ang kamay ko.May nakita akong isang anghel sa harapan ko,tumatawa.Napangiti ako,hindi ko alam anong gagawin ko.Huminto ang mundo ko,sana hindi ako nanaginip.Sana..
"A-Athena.." sinabi ko ang pangalan niya.
"A-ATHENA!" sinigaw ko na pangalan,ewan ko anong pwede kong gawin.Ewan ko kung papaano ito, pero ang saya ko.Ang saya ng araw ko,Athena! Masaya na ako,ang saya-saya ko alam mo ba yun! Athena!
Athena... Dizon..
BINABASA MO ANG
She's Dating The Gangster (side story)
FanfictionI dont own anything ^^ SDTG (c) to owner