Isang Punto

3 2 0
                                    

ISANG PUNTO
ni Spark_In_Light

Napaiwas ako ng tingin palayo sa 'yo.
Kakakita pa lang natin ngunit bakit ganito?
Pakiramdam ko'y isa kang bagyo,
Na hindi man lang nagbibigay ng abiso.

Lumipas ang ilang araw,
Natapos na ang tagginaw.
Ngunit palagi mo pa rin akong dinadalaw,
Habang ako nama'y pilit 'di pinapansin ang iyong paglitaw.

Dumating na nga ang aking pinakahihintay.
Nalaman ko na ang iyong pangalan ng matiwasay.
Ngunit pakiramdam ko'y ang sakit ay muling nabuhay,
Nang malaman ang apelyido mong nakamamatay.

Ibinaon ko na sa limot ang lahat,
Pero ang istoryang muling naisulat.
Sinisi ka pero pakiramdam ko'y ako ay namulat,
Pakiramdam ko'y kaya kong burahin at palitan ang mga nakasulat.

Habang pilit binabago ang nakaraan,
Pag-asa kita'y binigyan.
Dahil alam kong dapat 'di kita pagkaitan,
Dahil lamang sa kapareho mo siya ng panghuling pangalan.

Dumating na ang araw na hinihintay mo,
Sinagot na kita ng matamis kong 'oo'.
Abo't langit ang ngiti mo,
Na nakapagpa-tunaw ng kalooban ko.

Nagtagal tayo ng ilang linggo,
Na kasiyahan lamang na puro.
Ngunit katulad ng lahat, dumadating din sa isang punto,
Isang punto kung saan relasyon natin ay nagkagulo.

Hindi ko lamang maintindihan ang dahilan,
Gusto mo akong hiwalayan dahil ika'y may nalaman.
Tinanong kita kung ano dahil ayaw kong humantong ito sa hiwalayan,
Sinagot mo ako ng sagot na hindi ko inaasahan.

Philophobia ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon