PAG-ASA
ni Spark_In_LightBumangon ako ng mugto ang aking mga mata,
Umiyak lang naman ako at hindi na nakatulog pa.
Iniyak ko lahat ng sakit na aking nadarama,
Pero kahit ganun, nanatili pa rin pala.Sa hapag-kainan, halos hindi na ako makakain.
Alalang-alala na nga si Mama at Papa para sa akin,
Sinasabi kong okay na ako, 'yan ang aking laging gawain,
Ngunit hindi sila naniniwala kapag sa mata ko'y sila'y tumitingin.Sa trabaho, hindi ko na halos maipasa ang mga kailangang ipasa,
Kaya ayun, 'yung boss namin, galit na galit na.
"Patawad, Boss, hindi na mauulit," 'yan ang aking laging sanasabi sa kaniya.
"Aba, dapat lang, Ms. Evans," sagot naman lagi niya.Dumaan ang napakaraming araw na walang nagbago.
Mga ginagawa ko, halos walang pinagbago,
Ang pinagbago lang siguro ay tanggal na ako sa trabaho,
Pero okay lang, kaya ko pa rin namang mamuhay sa mundo.Bago ako matulog, sa labas, may nakita akong isang lalaki,
Kahit sa malayuan, kitang katawan niya'y malaki,
Ngunit hinayaan ko nalang, wala naman akong paki,
Baka kasi dumaan lang at napatigil sandali.Isang araw, habang naghahanap ako ng trabaho, ako'y nadapa,
Tatayo na sana ako nang makita kong may naglahad ng kamay na siyang sa akin ay nagpatuwa.
Tumayo ako at ngumiti habang tumitingin sa kaniyang mga mata,
Hindi ko alam pero bigla akong nakakita at nakaramdam ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Philophobia ✔
PoesíaSabi nila, walang forever. Totoo naman, there will be never. Dahil sa panahong ito, Walang nang permanente sa mundo. By: @Spark_In_Light (Phobia Series #1)