Caia Gertrude's POV"Hoy! Hurry Up!" Sigaw ko sa kasama kong mas mabagal pa sa pagong kung kumilos.
"Sandali lang naman! Excited ka ba? Wala pa naman eh. Hindi pa nga nagsisimula, diba?" Maarteng sigaw din niya habang inaayos yung buhok niyang kanina niya pa problema. Actually, simula pagdating pa namin siya nasa harapan ng salamin, halos lahat na ata ng salamin dito sa dressing room hinarap niya na. Minu-minutong inaayos yung buhok niyang mukha namang ewan.
"Ah, so kapag magsisimula na tsaka lang tayo kikilos? Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo ha! Malapit na tayo ma-late, hoy!" Naiiritang sabi ko sakanya dahil inip na inip na talaga ako rito kakahintay sakan'ya.
"Ano ba kinapuputok ng butsi mo r'yan? May 30 minutes pa naman bago magsimula, ah?"
Yes, may 30 minutes pa nga. Tawagin na akong praning o ano pero ayoko sa lahat yung nale-late!
"Mauubos lang agad yung 30 minutes natin dahil dudumugin pa tayo ng mga tao bago tayo makapunta sa destinasyon natin! Sige nga, isipin mo, aber." Sabi ko in a matter-of-fact tone.
Napaisip naman siya sa sinabi ko at ilang minuto bago siya maka-recover, "oh siya, sige na nga baka umiyak ka pa r'yan eh." Sabi niya sabay tingin ulit sa salamin one last time bago siya maglakad papunta sa'kin. Paglapit niya sa'kin ay saka namang paghampas ko sa balikat niya nang bahagya; na ikinatawa niya at ng iba pang mga tao sa loob ng dressing room na kanina pa nanunuod sa pagbabangayan namin habang tila kinikilig na mga butete.
"Tara na, mahal na prinsesa?" Biro niya sabay lahad ng braso niya sa'kin na ikinaikot naman ng mga mata ko.
"Laman ng utak mo puro kalokohan at kaartehan." Natawa naman siya, "Sorry, babe. I was just making sure that I look good enough to stand beside you." Sabay pagkindat niya.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at kumapit sa braso niyang kanina pa nakalahad sabay lingon sa mga taong tumulong sa amin mag-ayos, "alis na ho kami ni Bogret! Thank you for assisting us." Sabay nginitian ko sila na sinuklian naman din nila ng ngiti na may kasamang pagkaway pa sa amin.
"Hey! Anong Bogret, ha?" Inis niyang sabi na isinawalang bahala ko na lamang sabay hila sakanya para makaalis na kami at baka mas lalo pang tumagal kung papatulan ko pa.
*********
Pagadating namin sa venue, hindi nga ako nagkamali dahil pinagkaguluhan kami ng mga tao lalong lalo na ang mga reporters. Muntikan pa nga kaming magkahiwalay ni Bogret dahil sa sobrang daming tao at lahat nagtutulakan para lang makalapit sa aming dalawa habang parang pinipilit na ihiwalay sakin si Bogret; buti nalang mabilis ang reflexes ko. Hinila ko ang braso niyang kinakapitan ko papunta sa akin dahil kung hindi baka kung saang planeta pa mapadpad.
Makalaunan ay napansin ng mga guards ang kaawa-awang sitwasyon naming dalawa at nagpatawag nang back-up para tulungan kaming dalawa makaahon sa bahang Madla.
Pagdating naman ng mga back-up ay agad agad silang sumaklolo samin at sinubukang pakalmahin ang mga tao na kahit papaano naman ay effective kahit konti pero may mga tao pa rin talagang napakatigas ng mga ulo.
Yung tipong hindi e-epekto yung sledgehammer kapag sinubukan mo silang hampasin, ganon katigas. At dahil nga ro'n ay ayun may natumbang camera man sa harap ko, paano ba naman kasi naglalakad nang patalikod, busy na busy sa kakakuha ng mga litrato o video namin pero mostly sa'kin dahil kanina ko pa pansing palagi lang siyang nasa side ko at kita ko rin kung saan naka-focus yung camera niya.
Pervert.
Agad naman siyang hinila nung mga guards paalis sa harap ko at mukhang napansin din nila ang kabulastugang ginawa ng hangal. Well, I guess some will say na di nila masisisi si manong kasi nakasuot nga naman ako ng medyo revealing na dress or pwede rin namang gamitin na naman nila yung pinakatangang naimbento ng mga inutil na "it's just boys being boys".
Napairap ako sa mga naisip ko na napansin naman ng katabi ko, "are you okay?" Tanong niya, mapapansin sa kanya ang pag-aalala.
"Yeah, don't mind me."
"I saw what that bastard did. Do you want to do something about him?" Tanong niyang may pagka-inis sa boses.
"No need. Sila kuya guards na ang bahala sa kanya 'tsaka mas may importante pa tayong gagawin, remember?" Pagpapa-alala ko sakan'ya na ikinatango nalang niya.
Today is the day for the movie screening of our first movie as the main acts and 2nd time as an official "loveteam". The first movie we act together, extras lang kami pero pumatok yung tambalan namin na ginawan naman agad ng paraan ng mga managers and labels namin. At the end, napagkasunduan nilang subukan kung papatok nga ba talaga kami sa madla as main leads. Wala namang problema sa amin dahil close naman kami at hindi naman kami awkward sa isa't isa kasi alam namin kung paano ihiwalay ang trabaho sa personal life namin.
We only act as a couple for the sake of our loveteam's fans, alam ko harsh. For sure kung maririnig ng mga fans namin ang mga nasa isip ko ay may magagalit, maiiyak at syempre meron din naman matutuwa—the obsessed fans. Marami sa mga kakilala namin ang nagtatanong kung kailan ba namin balak na gawing real ang act namin pero tinatawanan at binabalewala nalang naming dalawa.
We don't really see each other like that. As a matter of fact, we see each other as more of a brother and a sister.
Isip isip ko sabay tingin sa katabi kong naka-focus lang ang mga mata sa malaking screen sa harap na para bang siya naman ang director at tinitingnang maigi kung may mga mali o awkward na acts siyang nagawa. Ganyan talaga siyang klase ng tao sobrang perfectionist, na nagiging dahilan naman ng pagka-harsh niya sa sarili niya. He criticizes himself way harder than anyone else does, just like—
Napailing-iling ako sa naisip ko at binalik na lamang ang atensyon sa malaking screen sa harapan.
No. Stop. Don't go there. Suway ko sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
To You, Who Broke My Heart
AcciónWhat if one day your lover comes up to you out of nowhere, and tells you she chooses her career over you? How will you react? What will you do? [TAGLISH]