Sorry for the very late update, at double sorry dun sa mga nabitin dun sa last chapter. This is the first part of chapter three so relax and read.
Chapter 3 – SASAKYAN
Pagkatapos naming kumain, nagdecide yung girls na bumalik na sa school nila. It’s time for the surprise.
“We gotta get going. Let’s go girls.” Sabi ng mayabang na Rain and she glared at me. Oh fine. Now I’m the bad guy. Well, I don’t care. Sumunod na rin kami palabas dahil for sure ready na yung surprise.
“OMG!” Oh si Einel yata ang nagulat. Hindi ba dapat si Meha ang magulat? Ang mga babae talaga. Unpredictable.
May mga batang nakatayo sa labas ng resto at may mga dalang placards with a single letter on each. The plan’s going pretty good.
M-E-H-A-C-A-N-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L-F-R-I-E-N-D
Tapos tumayo si Mags sa huli with a placard na may question mark at nakapout. Nagpapacute ba siya? Yikes! Hindi bagay! Sipain kita dyan ngayon Mags.
“Aapprove na yan! Aapprove na yan! Aapprove na yan! Aapprove na yan!” Sigaw nung mga bata. That was Blue’s plan. Ang pasigawin sila.
“Hell Yes!” sagot ni Meha. Obvious sa mukha niya na ang saya niya. Nadadala nalang ako. Four years kasi ang usapan hindi Four hours di ba? Unlike sa mga nililigawan ni Blue. 4 seconds palang ng pagtatanong niya, sila na. Tsk. Minsan, hindi na siya nagtatanong. Yung mga girls naman feeling nila, sila na. mga assuming. That’s one of the reasons why I hate girls.
“Ayeeeee.” Pangungulit ng barkada ni Meha. Ang babaw naman ng kaligayahan nilang mga babae. Parang yan lang, kinikilig na?
“Thanks, Meha!” sabi ni Mags sabay yakap kay Meha. Hoy! PDA kayo masyado!
“Privacy. Privacy.” Sabay naming sinabi ni Blue. Well, they need that. Right?
“Sige Meha. Magmoment muna kayo ng BF mo. E-e-excuse ka namin sa mga teachers natin. Bye.” Sabay ring sabi ni Einel at Rain. Teka, kanina ko pa talaga napapansing hindi nagsasalita si Juliet. Kakaiba!
“~Rain, rain, go away. Come again another day. Handsome Xenon wants to play. Rain, rain, go away. Come again another day~” I sang. Hindi naman siguro bawal di ba? Ang sarap talaga niyang kulitin kasi ang dali niya mapikon.
“Bye guys!” sabay naming sinabi ni Blue. Kanina pa talaga kami nagsasabay ng playboy na ‘to. Nagwave si Rain kay Blue at ako? She glared at me AGAIN at dinaanan lang niya ako. Dyan naman talaga siya magaling ee.
“Mags, sige ah, balik na kami. Ipapaalam ka rin namin kay Prof.” sabi ni Blue na napakalapad ng ngiti.
“Thanks.” Tipid na sagot ni Mags. Busy talaga siya sa kalalambing sa bago niyang girlfriend.
“Congratz! Bye guys! Mag-enjoy kayo ha!” dugtong ni Blue. While me? Ano pa bang sasabihin ko? Lahat na sinabi ni Blue, di ba? Nagwave nalang ako sa bagong couple na ‘to at umalis papuntang school.
*****
Right after class hours dumiretso na ako sa office ni Dad. Ngayon pa naman yung victory party ng company. Dinaanan ko muna sa office ni Dad yung hiniram niyang car. Syempre kailangang bongga yung entrance ko mamaya sa party. Dapat eye-catcher ‘tong mukha ko. MAHANGIN BA?
I was about to start the car nang nakita ko si RAIN na palakad-lakad sa parking lot. May hinahanap ata. Kukulitin ko ba? Huwag nalang baka mahuli pa ako sa party kung papatulan ko nanaman ang babaeng ‘to. At baka mas mabingi pa ako.