Hinihintay ko ngayon ang kapatid ko dito sa waiting shed ng school niya. Luminga linga ako at napatingin ako sa isang lalaki na nakatayo sa gilid ng gate sa labas ng school.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang anghel. Ang tangos tangos ng ilong niya lalo na't dito sa inuupuan ko naka side view kasi siya kaya kitang kita kung gaano katangos ang ilong niya.
Maputi rin siya na parang namumula siguro dahil sa sikat ng araw na dumideritso patungo sa direksyon niya.
At kung tatayo sigurado ako na hanggang balikat niya lang ako sa sobrang taas niya. Grabe kung nakita mo lang siya for sure aakalain mong mukha siyang character sa isang story.
Kitang kita mo sa mukha niya na parang inip na inip na,para ngang may hinihintay siya. May kapatid din kaya siyang sinusundo? Naka t-shirt lang siya tapos naka maong shorts at sneaker,simple lang siyang manamit pero ang gwapo talaga niya.
Napakaperfect ng itsura niya.
"Sister"nag sign language ang kapatid ko. Yes she's a mute. Ningitian ko siya at hinalikan niya naman ako sa pisngi.
Yun lang yung alam ko kasi hindi ko naman alam mag sign language sila papa at mama lang ang kumakausap sa kanya at marunong mag sign language.
Isang pipi ang kapatid ko,pero kung titingnan mo siya parang wala siyang kapansanan. Maamo ang kanyang mukha. Napakaganda niya,magkahawig nga raw kami.
Kinuha ko na ang bag ni Prey at tumingin ulit ako kung saan nakatayo yung lalaki kanina,napatingin rin siya sa gawi ko.
Nagkatitigan kami.
Nakuha ni Prey ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay ko kaya naglakad na kami papunta sa may sakayan.
---------------------
Nandito na naman ulit ako sa waiting shed. Hinihintay ko si Prey.
Baka nga maging permanent tagasundo na na ako ni Prey. Si Dad kasi yung sumusundo sa kanya kaya lang merong business trip si Dad sa Bacolod kaya ako muna ang nagsusundo. Pero kung maging permanent tagasundo man ako ni Prey okay lang sakin,alams na eh!
Nagulat ako ng may tumabi sakin. Kaya tumingin ako sa likuran ko nakatalikod kasi ako sa kanya.
Nagulat ako sa nakita ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya ng bahagya.
Shocks teh mas gwapo siya ng malapitan.
"Hi"bati ko,pero kumunot naman ang noo niya at parang tinitingnan ang baba ko.
May madumi ba sa mukha ko?
Shems baka may naiwang tsokolate sa ngipin ko,kumain kasi ako ng chocolate cake kanina.
Kinuha ko kaagad sa bag ko ang salamin at tiningnan ang ngipin ko,wala naman ah. Hindi naman madumi ang mukha ko.
"May hinihintay karin ba dito?"nakangiting tanong ko pero ganun parin yung reaksyon niya. Nako pag ako na offend na sa ginagawa niya ha,hindi porke't mala anghel ang mukha niya!
"Anong pangalan mo?"tanong ko. May gagawin sana siya kaso biglang may lumapit na babae.
"Gelo!"tawag ng babae sa kanya. Ngumiti ito sakin kaya ngumiti rin ako.
At nagulat ako sa ginawa ng babae nag sign language ito sa kanya.
Napalaki ang mata ko. Pipi rin siya?
Tumingin ako sa kanya. Tumayo na siya,nagpaalam na sakin ang babaeng tumawag sa kanya. Bago sila makalayo tumingin pa siya sa likuran niya kung saan ako nakaupo at bakas sa mukha niya na parang nag alala at parang nanghihinayang.
BINABASA MO ANG
My Unique Boyfriend(OneShot)
Teen FictionWalang pamantayan ang pagmamahal dahil lahat ng tao may karapatang magmahal at mahalin.