Naelle's P.O.V.
"And the new Miss Earth Inter High 2019 is . . . "I held Ivette's hand tightly. I'm shaking right now but I need to be calm.
Hindi ko hinahangad na manalo. All I want is to freely enjoy the competition but to my surprise I made it to top three!
*Drum roll*Drum roll*
I'm nervous but I need to keep my posture. Lalo pang nagpadagdag ng kaba ko ay ang pagaantala ng pagsasabi ng nanalo.
"Naelle Anne Corpuz! Congrats Sherra Mackley Academy!" Umalingawngaw ang malakas na sigawan ng mga tao sa coliseum. Kahit na ganoon malinaw ang narinig ko. Pero, ako? Nanalo ako?
Wala ako sa sariling tumingin sa emcee at sa mga taong magbibigay ng tropeyo at sash. Nanaginip lang ba ako?
"Congratulations!"bulong sa akin ng isa sa head at promotor ng pageant.
Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o magpapasalamat ako? Hindi pa pumapasok sa utak ko ang nangyari.
Puwesto ang mga Head Teachers at Promotors ng event sa tabi ko para magpakuha ng litrato.
"Maraming salamat po Head Teachers and Mrs.Rodriquez. Palakpakan naman po natin si Mrs. Rodriguez ang promotor ng pageant na ito," isang masigabong palakpakan ang binigay ng mga manonood"Ngayon tanungin naman natin ang ating Miss Earth Inter High 2019,"nang sabihin niya 'yun lumapit ito sa akin.
"Anong masasabi mo Ms. Naelle?" tanong nito at inilahad sa akin ang mikropono para magsalita.
"Sa totoo lang hindi pa nagsisink in sa akin na nanalo ako. Hindi ako makapaniwala hanggang kanina na binigay na sa akin 'yung sash,korona at 'yung trophy. Sumali ako sa competition na 'to kasi gusto ko pero hindi ko inaakala na makakarating ako sa top three at ito, ako pa nanalo. Gusto ko lang magpasalamat sa mga bumuto at sumuporta sa akin hanggang sa makarating ako sa kinatatayuan ko. Mackleyians and my teacher your hard work paid off! Thank you so much at syempre sa team ko thank you guys! "masayang wika ko bago ko ibalik ang mikropono sa emcee ng pageant.
" Everyone! I present to you the new Miss Earth Inter High 2019 Ms. Naelle Corpuz"
Muling umalingawngaw ang malakas na hiyawan ng mga tao sa coliseum. I smiled at them when I did my last walk on stage.
Pagkatapos kong rumampa sa entablado. Sinalubong ako ng mga magulang ko at ng team ko.
Agad ko silang niyakap. Hindi ako naiiyak sa stage kanina pero no'ng makita ko sila doon na tumulo ang luha ko. Without their support I can't make this far. Isa sila sa naging dahilan kung ba't ko narating ang puntong 'yun.
"Tama na ang iyak. Lalong masisira makeup mo" payo ni mama. Agad ko namang pinunasan ang luha ko. Sira naman na talaga make up ko, Ma.
"Congrats, anak. Ang galing mo kanina. Rampa mo palang ala na panalo ka na talaga" pagmamalaki pa ni Papa.
Ngumuso ako"Papa naman. Rampa lang? walang ganda?" pagpapacute ko pa.
"Syempre maganda ka. Huwag ka lang gaganyan"
Okay na eh. Papa talaga.
"Pero ang galing mo talaga kanina. Galing talaga ng beauty queen namin" I gigled. Beauty queen talaga? Wala pa nga ako sa level nila Catriona Gray at Pia Wortzbach eh.
"Hay. Nako kayo talagang mag ama" umiiling iling na wika ni Mama. Ganito talaga kaming mag ama ganyan kami magbonding na dalawa. Asaran.
Dumako ang tingin ko sa team ko. Tahimik lang sila dahil kausap ko ang mga magulang ko pero alam ko na proud din sila sa akin.
YOU ARE READING
Our Mesmeric Love (On- Going)
JugendliteraturNaelle Anne Corpuz is a beauty queen wannabe. Iyan ang katawagan sa kaniya ng mga taong nakilala siya dahil sa kaliwa't kanang pagsali niya sa mga beauty pageants. Not until one day she decided to stop joining beauty pageants, she was lost in her ow...