UNEXPECTED HEARTACHE"Hoy Kaira! Ano na naman ba yang iniisip mo? Lutang ka na naman eh." Sigaw nang napaka-pakialamerang, maingay, matakaw, at tomboyin kong bestfriend.
"Kung maka hoy naman to. Psssssh." Wala akong ganang makipagtalo sa kanya ngayon.
"If I know, si Sycthe na naman yang iniisip mo." Bulalas niya.
"Oo. Eh ano naman ngayon? Panira ka ng pantasya." Iniimagine ko pa naman na sumasayaw kami.
"Oyyy si Bes romoromance na." Pang-aasar niya.
"Alam mo Bes, nakakainis ka na ha? Batukan kita diyan eh. Ang dumi mong mag-isip." Tama bang pag-isipan akong manyak.
"Okay okay, easy lang." Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay.
"Eh ikaw kasi eh, kung ano-anong iniisip mo."
"Okay sorry na. Hindi ka pa ba nagugutom? Tara na sa canteen." Anyaya niya. Ang takaw talaga.
"Sige mauna kana, ililigpit ko muna 'tong mga gamit ko. Susunod nalang ako sayo."
"Okay see you there. Byebye!" Sabay patakbo niyang alis.
Iniligpit ko muna ang mga gamit ko at pumuntang locker para iwan ang iba kong libro. May tatlo pa akong klase mamaya. Lunchbreak kasi ngayon. Hindi ako nagbabaon, minsan kasi nakakalimutan ko.
Nang makarating ako sa canteen ay pumila agad ako.
Kukuha na sana ako ng pera para bayaran ang inorder ko ng may biglang bumangga sakin at nahulog 'yong wallet ko. OMG baka may makakita nung picture ni Sycthe sa wallet ko. Pupulotin ko na sana ng may ibang kumuha nito, tinabig ko agad kamay niya. Pag angat ko, si
Scythe pala. OMG pwede na bang magpasukat ng kabaong? (A/N: Wow ha? Ang exagge mo!) Sorry naman author. Tinitigan niya muna ako, parang nag-iisip siya ng sasabihin.
"Hey?" Sabi ko sabay wagayway ng kamay ko. Hello, Earth to Scythe baka nakakalimutan mo.
"Ayy Girl sorry ha? Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako. I'm so sorry talaga." Sabi niya na halos pabulong.
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong girl? Paki explain please. Nagugulohan na ako. No, hindi , hindi pwede 'to. Bakla siya? Nanaginip ba ako? Parang may tumusok na isang-daang kutsilyo sa puso ko. Hindi naman 'to totoo diba? Sabihin niyong hindi to totoo. Ang sakit, ang sakit sakit.
"Ahh okay lang. Sige." Nagawa ko pang sumagot sa kanya.
Di ko na mapigilan. Tumakbo na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa namalayan kong napadpad na pala ako sa CR. At dito na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya. Parang sasabog na ako. Humagulgol na ako, wala akong pakialam kong sino man ang makakita o makarinig sakin. Ang gusto ko lang ay umiyak, gusto kong iiyak lahat ng sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na.
"Bakla ka pala, hindi ko inaasahan 'yon. Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip gabi-gabi sayo? P**a ang sakit, ang sakit sakit."
Umiyak parin ako. Wala na, wala na akong pag-asa. Wala nang pag-asa na magiging kami. Bakla siya? P**a bakit siya pa? Mahal na mahal ko siya eh.
Hindi ko namalayang may nagbukas ng cubicle kung saan ako nakaupo. Si Bes pala, agad ko siyang niyakap.
"Bes anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong niya.
"Ang sakit sakit, Bes."
"Huh? Anong masakit? Saan? May nang-away ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya. Salamat at nandito siya.
"Bes 'tong puso ko ang sakit."
"Huh? Bakit? Anong nangyari?"
"Bes si Scythe." Sasabihin ko ba sa kanya?
"Oh anong nangyari kay Scythe? Diritsoin mo na nga ako Bes. Nagugulohan na ko sayo."
"'Yun nga 'yong problema Bes. Hindi niya ako sinaktan pero nasasaktan ako." Para akong batang nagsusumbong sa nanay ko.
"Bes 'di kita maintindihan." Sorry Bes, hindi ko pa masasabi 'tong problema ko. Kokompermahin ko pa kung totoo ba talaga 'yun. Pero bakit naman siya magsisinungaling diba?
"Bes iuwi mo nalang ako, gusto ko ng magpahinga." Wala na akong ganang pumasok pa.
"Okay Bes, tara na ihahatid na kita."
Hinatid na ako ni Jasha sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Itutulog ko nalang 'to. Sana bukas magiging okay ang lahat. Sana panaginip nalang 'to. Sana.