PRETEND
SCYTHE P.O.V
Nandito ako sa canteen dahil inutosan akong bumili ng snack ng magaling kong kapatid. Ang tamad sobra, kung hindi ko lang mahal 'yon, hindi ako magpapaalipin.
Malapit na ang turn ko para mag-order nang naalala kong hindi pala niya ako binigyan ng pera, naiwan ko rin ang wallet ko sa bag. Patakbo na akong naglakad para kunin ang pera ko ng may nabangga ako. Nahulog 'yong mga gamit niya, una kong pinulot ang wallet niya pero bigla niyang tinabig ito. Pag-angat ko si Kaira pala. Wala akong masabi, tinitigan ko lang siya. Pagdating sa kanya naduduwag ako. Hindi naman ako ganito sa iba eh. Sa kanya lang talaga. Nakatitig parin ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita at dahilan para bumalik ako sa ulirat.
"Hey?" Sabi niya habang iwinawagayway ang kanang kamay.
"Ay Girl sorry ha? Nagmamadali kasi ako, hindi ko sinasadya. I'm so sorry talaga." Lintek, anong sabi ko? Ang bakla. Pa'no na 'to? Baka isipin niyang bakla talaga ako. Pagkasabi ko 'non, halata sa mukha niyang nagulat talaga siya. Ako nga nagulat sa ginawa ko. Magpapaliwanag na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Ah okay lang. Sige." Pagkatapos niyang sabihin ito, ay tumakbo na agad siya. Scythe ano ba 'yong ginawa mo? Ano nalang kaya iisipin niya?
Ako nga pala si Scythe. Darren Scythe Sy. 18 years old. Sport ko basketball. Gwapo(Syempre :D), matalino, mabait and loves to play piano and guitar. A rich kid but not a spoiled one.
Kinabukasan ...
"Class, our School's Foundation Week is fast approaching so I want you to join different sports games. Mr. Sy, you are assigned to list the students who wants to play basketball. Am I understood Mr. Sy?" Akala ko 'di na matatapos sa kakadakdak si Maam.
"Its my pleasure Maam."
Basketball na naman. Ini-expect ko na talaga ang gawain na yan. Simula pa nong freshmen student pa ako, ako na ang inatasan para sa pagsusulat ng mga players ng basketball. Kasi ako ang pipili ng mga deserving members ng team namin. Ako kasi ang team captain, magiging busy na naman ang buhay ko. Pero its okay, I am willing to do this naman.
Pagkatapos ng announcement ni Mrs. Smith ay nagsilabasan na kami. May mangyayaring meeting ng teachers today, kaya wala kaming pasok.
Pagkatapos kong iwan ang mga gamit ko sa locker ay napagpasyahan kong pumunta muna ng rooftop. Gusto ko ng fresh air.
Pagbukas ko ng pinto ay mayroon akong naaninag na tao, di ko siya makilala kasi ang layo niya. Habang papalapit ako ay unti-unti kong nakilala, si Kaira pala. Ano kayang ginagawa niya dito? Crap, naalala ko yong nagawa ko kahapun. Magpapaliwanag ba ako at amining hindi yun totoo o ipagpapatuloy ko yong nasimulan ko? Syempre gagawin ko yong tama. Kung sakaling magagalit siya sa inasta ko kahapon, bahala na si batman.
"Kaira? Pwede ka bang makausap?" Nagulat siya ng makita ako.
"Bakit? Anong sasabihin mo? Na bakla ka? Magpapaliwanag ka kung paano nagsimula? Wag na Scythe." At tumakbo siya. Teka, anong nangyayari sa kanya? Big deal ba sa kanya if ever magiging bakla ako?
Bago ko pa siya nasagot ay nawala na siya. Ano ba 'tong napasok ko?