HIKARI'S POV
TADA!!!
Tapos na akong ayusan ni mama. :) Nilagyan nya nga ako ng make-up kahit ayaw ko. Anu bang magagawa ko i am not allowed to complain. Ayos lang light make-up lang naman daw eh. Naka dress pala ako na 1 inch above the knee. Tapos naka doll shoes, eh di ko talaga kaya yang mga heels heels na yan eh, at nakafishbraid at yung ibang hair ko nakalaylay lang. Feel ko maayos naman kahit di ko pa nakikita ang itsura ko.
Nawiwirduhan lang ako kaya mama kasi habang inaayusan nya ako ayaw nya akong paharapin sa salamin..
Para surprise daw. psssh.
Eto na, haharap na ako.
Pagharap ko.
O.O
Who's that girl?
She's pretty.
Wait salamin to diba? At hinawak hawakan ko pa.
Edi ako to?????
Weh??
Ang...
ang.
Ang ganda ko! >.<
"See? Ang galing ko talaga!" sabi ni mama at tinabihan ako habang nakaharap ako sa salamin.(Sariling puri lang eh ano, i hate to say this pero ang galing nga ni mom.)
"Thanks mama. I can't believe this. Pwede pala ako gumanda?haha" sabi ko habang nakatitig parin sa sarili kong repleksyon.
Napakunot noo naman si mama.
"Bakit ma?" tanong ko at lumingon sa kanya. Hinawakan nya naman yung magkabilang pisngi ko sabay sabi ng
"Maganda ka anak. Di mo lang nakikita yun. Ako, kitang-kita ko. You are beautiful inside and out" at ngumiti sya saakin.
Napangiti na lang rin ako.
At bumaba na ako. Alas dos na rin kasi.
Pag dating ko sa living room andun na si Best. Nakatalikod sya at nakasandal sa pintuan habang nakatanaw sa labas. Ang ganda rin ng porma nya. Naka longsleeves na nakatupi sa dulo, black pants and naka shades.
"Best.."nahihiyang sabi ko.
"Ang tagal mo" sabay pihit nya paharap.
Nung nakita nya na ako parang nagulat sya na ewan. Kaso napansin ko kumunot yung noo nya, halata ang pagkadigusto.
Di nya ata nagustuhan yung pag-aayos ko. Panget ba? . :(
"Ahhm.ano panget ba? sige sige magpapalit na lang ako sabi ko." At yumuko na, naiiyak na ako eh.
Nagpaganda ako para lang sa kanya tapos kunot ng noo lang isasagot nya??!
Wala bang "wow best, ang ganda mo ngayon ah!" o kaya naman "Wow, improving best di ka na manang."
Kahit yun lang. O kaya kahit simpleng ngiti lang hindi yung ikukunot nya lang yung noo nya.
Kilala ko sya, pag ganyang nakakunot ang noo nya ibig sabihin HINDI MAGANDA! o kaya naman ay HINDI GUSTO.
Ibig sabihin hindi nya nagustuhan yung pag-aayos ko. Kung ito ng nagpaganda na ako hindi nya nagustuhan paano pa yung ako na hindi nag-aayos.
Mas lalong hindi nya ako magugustuhan nun. At ang sakit!
Ang sakit sakit!
Tumalikod na ako at nagtatakbo sa kwarto ko.
Bakit sya ganun?
BINABASA MO ANG
BEST(one shot)
Teen FictionThis story is about Hikari and Daniel. Magbestfriend since kindergarten. Paano malalaman ang kanilang mga damdamin kung parehas takot umamin? Let's find out. ^.^