My name is Berna Zia Salvador. Isa lang akong simpleng estudyante na kagaya ng karamihang kabataan eh atat magkalovelife.
I love talking about crushes and romantic moments with my friends. And I know naman that its normal for a seventeen-year-old girl, pero hanggang CRUSHLIFE lang talaga ako. In my 17 years of existence, apat palang nanliligaw sa akin. Failed nga lang lahat.
Yung tatlo, hindi seryoso. Sila yung tipong magsasabi ng "I want to court you" ngayon, the other day babawiin nila. Kainis lang. haha. Hindi naman sa nahuhurt ako, hindi naman kasi ako kagandahan para mag emote. Kaya pag may manliligaw, ang unang bagay na papasok sa utak ko ay ang pagdududa. Like, tatanungin ko sila ng, "Bakit ako?", tapos ipupush ko sila sa ibang friend ko na worth it na ligawan. Hanggang sa madivert yung ligawan factor sa kanila ng friend ko.
Tapos ako eto, Nganga. Pag naffeel ko na yung inggit, at yung kabitteran, mapupuno ang facebook timeline ng bitter posts ko na wala namang naglalike. Im such a loser. !
Yung pang-apat naman na suitor ko ay medyo seryoso. I meet him sa isang Christian Gathering. Nagpaalam sya sa parents ko. So , naflatter ako sa mga efforts nya, pinayagan kong manligaw. Kaso masyadong feelingero. Eh diba nga bawal pa akong magboyfriend? So tinigil ko yung communication with him.
Kaya ngayon, Hearts Month na naman. Laganap na uli ang mga red things, heart, roses na talaga nga namang nakakainis. Nakakainis kasi magpapakabitter na naman ang mga Single na kagaya ko. Hmmp.
Kung naffel nyo ako, halinat samahan nyo akong mag emote at kumbinsihin ang mga sarili natin na masaya maging Single.
YOU ARE READING
Love Ba Kamo?
RandomPara sa mga NBSB na kagaya ko at sa mga Single ngayon. Para sa mga strict ang parents na pinagbabawalang magboyfriend. Para sa mga sawi at duguan ang puso.