Chapter 1

3.2K 96 50
                                    

Chapter 1

“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ‘yo, Amely.” Galit na saad ni Mama habang inaayos ang toga. Pinigilan ko ang panginginig ng labi ko sa pamamagitan ng pagkagat niyon.

Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit parang kasalanan ko pa? Tinaboy ko ang kaisa-isang kaibigan na dapat sana ay mayroon ako, kasi iyon ang sabi niya.

Kahit na labag sa loob ko ay ginawa ko dahil sa isipin na ikakatuwa niya iyon. Pero wala pa rin.

Sinuklay niya ang buhok ko bago ako tinignan ulo hanggang paa. “You failed me, you know that?” She looked irritated while I was just hanging my head low.

Yeah? I know that. Hindi ka naman naging proud sa akin kahit isang beses. I'm nothing but a burden and failure to you. Bakit pa ako magtataka.

“Salutatorian po ako, Ma, bakit hindi niyo man lang na-appreciate, ‘yon? Bakit pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa ‘yo. Kulang na lang ay itakwil mo ako... Ni minsan ba naging proud ka sa akin? Kasi hindi ko maramdaman na may Mama ako...Wala akong maramdaman.”

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya pero agad namang nawala ‘yon. Bakit ka pa kasi umaasa, Amely? Alam mong noong una pa lang, hindi siya masaya na ipinanganak ka.

Pagak akong natawa bago siya tinalikuran. “Huwag ka na pumunta. Alam kong napipilitan ka lang, nakakahiya naman na salutatorian lang ako. Walang gaanong ibubuga.”

Sa panahong ‘yon, hindi siya pumunta. Talagang tinotoo niya ang sinabi ko. Kahit ganoon ay ayos lang, kaysa naman sa napipilitan lang siya.

Pagkatapos ng Valedictory speech ni Celes ay lihim akong ngumiti. Ang ganda niya, ang mama niya ang nagsabit ng medals niya at nakaramdam ako ng inggit, sa amin nga umuuwi ang Papa niya pero minsan lang naman.

Hindi ko alam kung nasaan siya. Nagtama ang mata namin ni Celes at nginitian ko siya pero blangko lang ang ekspresyon niya sa mukha. Nawala ang ngiti ko at nag-iwas ng tingin nang yakapin siya ng Mommy niya.

I wish I could experience that, too.

I’ve always wanted to be recognized by her, to the point that I came to her and bullied her. ‘yon lang kasi ang alam kong paraan para mapansin niya ako. Kahit pa na galit siya basta lang mapansin niya ako.

Nang matapos ang closing ceremony ay napangiti ako. Dala ang cellphone ko ay patakbo akong lumapit sa pwesto ni Celes, kasama niya ang mama niya. Kinakabahan ako nang lumapit ako, baka magalit siya pero kasi minsan lang ‘to kaya I’ll take the risks!

“Ano…” humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay pero ngumiti ako at nakagat ang labi.

“May kailangan ka ba?” tanong niya, hindi agad ako nakaimik. Gusto kong nag-sorry pero kasi natatakot ako. Lalo pa at nariyan ang mama niya. “Ano na 'yon?”

“P-Pwede bang magpa-picture, C-Celes?”

Tinignan niya ako na para bang isang malaking kagaguhan ang sinabi ko sa kaniya. Dahil sa ay napayuko na lang ako. It’s okay, Amely. At least you tried, right? Cheer up!

Rinig ko ang pagbuntong-hininga hininga niya. “And after that? Anong gagawin mo sa picture ko?”

“Uhm… I’ll keep it…”

Parang hindi pa siya naniniwala kaya naman tipid akong ngumiti. “O-Okay lang! H’wag na, baka maging uncomfortable ka kaya hindi kita pipilitin—”

“Fine.”

Nagliwanag ang mukha ko at halos yakapin ko siya. Ang sabi ay mag-t-transfer siya kapag nag high school na kaya I want to grab this opportunity, kahit picture man lang meron akong remembrance kasama siya.

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon