Daniel's POV
♪♫ Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo. Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso. Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila. 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata ♫♪
"tol, andyan na siya" napatayo ako sa sinabi ng tropa kong si Seth.
Tumingin ako sa pintuan pero si Kats yung nakita ko -,-
"wassup dude?" umirap ako sa bungad ni Kats at umubob muli ako
"tol, wag ngayon. nakikinig pa ako sa kanta eh" bumuntong hininga ako
"pero tol, ayan na talaga siya" muling sabi ni Seth
"tol, wag muna sabi ngayo--"
"hi myloves!" hinigpitan ko yung kamao ko na tila parang pulang bilog na handang suntukin yung gagong tumawag sa diwata ko-- ah este, sa diwata.
Napatayo ako at sinamaan ko ang tingin kay Quen na nag-'hi myloves!' sa diwata.
Lumunok siya at tumakbo nalang bigla na ikinabigla ng Diwata.
Kinalma ko ang sarili ko't lumapit ako sa Diwata
"tulungan na kita" kinuha ko yung ibang libro nya at pinatong sa ilalim sa lamesa niya
Habang inaayos ko yung mga libro niya, sinilip ko kung nakatingin siya saken.
Shet! Nakatitig siya saken! Madumi ba mukha ko!? Shet!
Nagsalita ako nung malapit ko nang maayos lahat.
"ang dami mo nanamang dalang libro.. hindi ka ba nabibigatan sa mga ito?" sana magsalita ka please huhu
"ahh.. hindi naman hehe" ng matapos niya yang sabihin yan ay kung kelan natapos kong ayusin lahat.
Ngumiti siya na muntik ko nang ikamatay-- de joke, magpapakasal pa kame neto noh!
BINABASA MO ANG
Aking Diwata
Teen Fiction♪♫ Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo. Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso ♫♪ May kaklase ako, isa siyang Diwata-- hindi yung diwatang may kapangyarihan o kung ano-ano, dahil sa kanyang kagandahan kaya ko siya naituring na Diwata. D...