Page Four.

16 0 0
                                    

Killian's POV.

Kahit masakit pa ang mga sugat ko sa Braso ay hindi ko na napigilang suntukin yung lalaking nangungulit sakanya.

Kahit sumasakit dahil sa panununtok ko ang mga sugat ko ay hindi ko parin talaga mapigilan ang sarili kong mainis.

"T-Tama na y-yan!" sigaw nito.

Kaya tumigil na ako at hinihingal na hinahabol ang hininga ko.

Celine's POV.

Hinatak ko na palayo si Killian dahil puno na ng pasa si Jiro.

Nang huminto kami sa may tapat ng Ground ng School ay nakita ko na hingal na hingal ito.

"Hoy ayos ka lang? bakit mo naman kasi jinombag yung unggoy na yun?" nag-aalalang tanong ko dito.

Tumawa lang ito kahit halata namang nahihirapan ito sa paghinga.

Hindi ko na kayang tignan pa ang kalagayan nito kaya Binuhat ko ito at inupo sa medyo malapit lapit na upuan kung nasan kami.

Halata ang gulat sa mukha nito pagkatapos ko itong i-upo sa may upuan.

"Heh, ayos lang di ka naman mabigat hahaha" Pagsisinungaling ko na halata namang nabigatan ako dahil kahit kakaunti lang ang nilakad ko ay pawis na agad ako.

*silence*

ilang minuto pa nanaig ang katahimikan sa pwesto namin.

"S-Salamat pala and sorry.." Sa wakas ay nagsalita narin ito.

"Wala yun haha. Pero sorry? ah.. may i know kung para saan? wala ka namang naging kasalanan sakin sa pagkakaalam ko hahaha" sagot ko dito.

Bumuntong hininga uli ito. "Una palang tinutulungan mo na ako at una palang din puro kamalasan na yung binibigay ko sayo"

Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi nito.

Nagsalita uli ulit ito. "Hayaan mo. Babawi ako sayo. Pero hindi muna sa ngayon ah sakit pa ng mga sugat ko eh" Tumawa ito.

Tumingin lang ako dito at ngumiti.

"Kahit wag ka na bumawi sus hahaha, simple lang naman mga nagawa ko sayo eh. Atsaka, di naman ako humihingi ng kapalit. Okay na ako na nakatulong" Tinapik ko ang balikat nito.

Bigla itong tumayo.

"Ano nga pala yung name mo uli?" tanong nito.

"Celine. Celine Vizcael" pormal na sagot ko dito.

"Okay.. Celine..!" Ngumiti uli ito at inaya na akong bumalik sa Classroom. Dahil ngayon ko lang din nalaman na tapos na pala ang oras ng Break time namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY WISH UPON A STAR.Where stories live. Discover now