Dear, Past Me (Part 1)

37 4 0
                                    

boo. Enjoy?

TUMINGIN AKO sa labas ng bintana. Maganda ang panahon ngayon. Hindi masyadong mainit, dahil natatakpan ng mga makakapal na ulap ang haring araw. Kaya naman madaming bata ang naglalaro sa labas, madaming magkakaibigan ang gumagala ngayon, madaming mga nanay ang bumibili at namamalengke, maraming mga magjowang hhw. Yuck.


Hinarap ko ang kaibigan kong walang ginawa kung hindi magingay ng magingay. "Hoy, Alliyah! Nakikinig ka ba?" ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.

⠀⠀
Maswerte ka kung magkakaroon ka ng kaibigan na katulad niya. Masiyahin, sumasakay sa trip mo, baliw din katulad mo, pinapasaya ka, inaalagaan ka, pag nadapa ka tatawanan ka muna bago ka tulungan, isang perfect bestfriend.

Pero ako, mas maganda pa sa isang perfect bestfriend and bestfriend ko. Dahil ako, meron akong boy bestfriend.

Mahirap makahanap ng lalaking magiging kaibigan ka at magii-stay with you at kung lalaki ka mahirap din makahanap ng girl bestfriend. Pero pag ika'y may nahanap ay wag mo nang pakawalan dahil napakaswerte mo! Akala nga nila mag jowa kayo dahil daig niyo pa ang magkapatid sa sobrang close.


Siya si Xian Rionch Vion P. Ezara, kasing haba daw ng pangalan niya ang kaniyang- manyak o malibog man, gentleman naman at mabait, may respeto, magalang, yan si Xian! Mahirap nang makahanap ng lalaking ganyan ngayon! Mga endangered species na kaya kailangang alagaan.


[A/N: Ri-yong-k basa sa Rionch okay? -.-]


At may itsura pa! Naptitig tuloy ako sa mukha niya at hindi napigilang pagmasdan ang kagandahan nito. Mahaba at makakapal na pilik-mata at dark brown ang mga matang mas magiging light brown pag nasinagan ng araw. Matangos ang ilong na hindi naman sobra, mapupula na pisngi dahil sa kaniyang maputi at makinis na balat, at pinkish na manipis na labi-

"Are you done checking me out?"


Bigla akong nabalik sa reyalidad. "Checking. YOU. Out? Excuse me?"


"Excuse me din, kanina ka pa nakatitig sa gwapo kong mukha." idagdad ko pa pala na medyo may pagkamahangin. ʼBat required yata yon sa mga lalaki?

"Ubusin mo na yan, o ipatake-out mo na para makaalis na tayo."


"Walang tayo." kinuha ko ang frappe ko at dinala sa counter para ipatake-out. Atat na atat naman tong umalis parang may lakad, o ka-date kaya? "Thank you." kinuha ko na ang ipinatake-out ko at lumabas.


Naghihintay si Xian sa may bench na parang may sariling mundo. "Oh, sayo nalang."


"Thanks. Tara na?" ngumiti ako at sabay kaming naglakad pabalik ng subdivision namin.


Dahil weekend ngayon ay naisipan naming lumabas saglit at magkwentuhan. Pero siya lang talaga ang dumaldal. Minsan naiisip ko kung siya ba talaga ang babae at ako ang lalaki dahil kung magingay ay- hay nako. Walang tigil na mapapahiling ka nalang na sanaʼy wala ka nang tenga.


"Oh? Diba dun papunta ang bahay niyo? Bakit sumusunod ka sakin? Lutang ka na naman?" casual lang na tuloy-tuloy na naglakad si Xian habang nakapaloob pa ang mga kamay sa mga bulsa ng hoodie niya. "Ihahatid na kita sa inyo-" awww. See? What a great friend. "Baka kasi makidnap ka. Mukha ka pa namang bata." napatigil ako sa paglalakad. Grabe, great friend nga talaga.


Ano kamo daw? Mukha akong bata? Alam kong mas matangkad siya sa akin ng sobra, hanggang balikat niya lang kasi ako, at kung itatanong ko naman kung bakit ang tangkad niya- ay nako! Ways ng mga lalaki daw o kung ano man- basta ewan ko dun!

Dear, Past Me (a five part story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon