Ikaw Lang, Wala Nang Iba (Part 4)

12 1 0
                                    

.

Hawak-hawak ko parin ang pendant habang nakaestatwa sa aking kinatatayuan na tila ba wala na akong buhay... katulad ni Xian. Nagbago bigla ang aking kapaligiran na para bang kasing bilis ng ilaw. Binalik ako sa aking kwarto at naglaho na ang canteen kung saan nakahandusay ang katawan ni Xian, kasama din na naglaho ang pendant na hawak ko. Sinara ko ang aking palad, di pa tinatanggap na wala na ito.


Umulit na naman ang araw at uulit na naman ang mga malalagim na sinapit ni Xian. 


Wala na bang paraan para matapos na ito? Binuksan ko ang aking palad sa pag-alala ng nakalagay dito kanina, kung tama ang hinala ko at iyon nga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to edi kailangan kong mahanap si lola.


Tama, ang rason ng mga imposibleng pangyayari na ito ay walang iba kung hindi si lola dahil siya ang nagbigay ng misteryosong necklace na iyon. Ngunit, saang lupalop ko naman siya mahahanap? Base sa mga hindi natural na nangyayari ngayon at nung bigla lang din siyang naglaho noon, hindi normal si lola at baka may magic siya. Oo, hindi na ako bata para sabihing may magic siya pero wala akong maisip na iba pang dahilan.


Palabas na sana ako ng kwarto para maghandang hanapin si lola ngunit napansin ko ang maliit na puwang sa aparador. Nakakapagtaka, malamang mayroon na namang sulat galing sa future self ko. 


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito ngunit sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag. Mas lumaki pa ito at tila sinasakop na ako. 


"Anong nangyayari?" tanong ko na para bang umaasam ng sagot mula sa liwanag. Napansin ko ang unti-unting pagdilim ng paligid kahit nakapikit ako. Dahan-dahan kong binuka ang talukap ng aking mga mata. Akala ko nga bulag na ako dahil kadiliman lamang ang aking nakikita pero binigyan ko muna ang mga mata ko ng kaunting segundo para mag-adjust at... kadiliman parin ang nakikita ko ngunit napansin ko ang kaunting liwanag na nagmumula sa siwang sa gitna ng dalawang pinto.


"Nasan ako-" nanlaki ang aking mga mata ngunit hindi makasigaw dahil sa kamay na tumakip sa bibig ko. May kasama ako dito sa maliit na espasyo, hindi ko siya makita at nagsitayuan na ang mga balahibo sa katawan ko. 

"Shh.. Ako lang to- I mean ikaw lang.. err.. basta wag kang mag-alala hindi ako.. ikaw.. masamang tao." bulong niya sa tenga ko na mas nagpatayo sa tayong-tayo ko nang balahibo. Pero natigilan ako sa sinabi niya, pamilyar ang kanyang boses at ang gawi ng pagsasalita niya. Parang narinig ko na 'to dati...


Bigla kong naalala kung paano ako nakapunta dito. Teka nga.. yung sulat at aparador.. 


Umatras ako kahit kaunti lang talaga ang espasyo dito na nagpalapit sa kanya dahil tinatakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. Tumapat ang ilaw sa mukha niya at dun ko siya nakilala. "MmM, MmM!"


"Oo, ikaw ako." magaling nga ako, dahil naiintindihan ko ang sarili ko. Este, magaling siya dahil naiintindihan niya ako, "Ako rin si Alliyah, tayo si Alliyah. Ako ang nagpapadala ng sulat sa'yo, ipapasok ko na sana ang sulat sa aparador ngunit para bang hinigop ako nito." dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya mula sa bibig ko para pagsalitain ako pero sumenyas muna siya na hinaan ang boses ko.


"Ako din.. Binuksan ko ang aparador para tingnan kung may sulat doon. Sabay yata natin itong binuksan kaya tayo napunta dito." tumango siya bilang pag-sangayon.

"Habang nakapikit ka ata ay sinilip ko ang nasa labas," umatras siya para hayaan akong sumilip sa puwang ng mga pinto, "Kita mo siya? Siya ang ating future self.  Ang pinakaunang Alliyah na nagdulot ng paulit-ulit na buhay natin. Samantalang siya, hayahay lang ang buhay."

Dear, Past Me (a five part story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon