2nd Letter (Part 2)

44 3 1
                                    

--
Dear, Past Me

Siguro nabasa mo na yung pangunang sulat na ipinadala ko. At siguro todo ang pagtataka mo. Sanaʼy nakita mo rin ʼto pagkatapos mong mabasa ang unang sulat dahil importante ito.

Gusto kong ipaliwanag ang mga pangyayaring mangyayari o nangyari na base kung kailan mo nakita tong sulat. Pero dahil nga ikaw ako o ako ikaw, kilala kita o.. ako at alam kong.. ikaw.. ako.. ay baka bukas mo na ʼto mababasa.

Siguro takang taka na sa mga pangyayaring di mo maipaliwanag. Naalala mo ba ʼyung binigay na necklace sa iyo nung matandang babae noon? Baka hindi na dahil maliit ka pa non. Pero iyon ay may pendant na padlock para masigurong nakakandado at hindi na mababago ang kapalaran mong binago ng pinakaunang version ni 'Alliyah'.

Confused? Ako rin, noon.

Nung masira yung padlock necklace, nasira nadin ang kandado sa kapalaran mo kaya puwede na itong mabago.

Isang bagay lang naman ang gusto nating mabago, ang iligtas si Xian.

Kung bakit umuulit ang mga araw, hindi ko alam. Siguro dahil may nangyari sa araw na to na nakapagbago sa kapalaran ni original Alliyah ng sobra kaya hindi na makatuloy ang takbo ng kapalaran natin.

At siyempre ako parin ikaw at ikaw parin ako, ang pangyayari dito sa akin ay magbabago sa nangyayari saʼyo. Hindi lang tayong dalawa ang "clones" ni original Alliyah kundi meron pa. Magkakaroon ka rin ng past Alliyah na pwede mong sulatan katulad ng ginagawa ko saʼyo at ginawa ng future Alliyah ko. Pareparehas lang naman ang instructions na nilalagay namin sa sulat, isave si Xian.

Yun lang. Alam kong nagtataka ka parin pero pwede mo namang iprocess nalang mamaya lahat ng ʼto.

From,
Your future self

--

What.


What?


Ramdam ko ang pagsakit ng ulo at pagsalubong ng kilay ko dahil sa information overload. Di na nga kinaya ng utak ko mga lessons sa school tapos mas lalong mahirap pa yata itong maintindihan.


Ilang beses ko na yatang inulit basahin ang letter pero parang hindi talaga kaya ng utak ko. Susundin ko nalang ang sinabi ni "Future Alliyah" at bukas ko na iintindihin ito.

...

49. Yan ay kung ilang beses ko nang pinaulit ulit basahin tong sulat. Napatitig nalang ako sa isang page ng notebook ko na puno na ng magkakaibang sizes ng numbers 1-49. Magaalas dose na rin ng hating gabi pero hindi pa rin ako makatulog kahit nakakayamot naman tong ginagawa ko.


Isang rason din kung bakit ayokong matulog ay dahil gusto kong malaman kung uulit din ba ang araw kahit hindi ako matulog.


“AAAAARRRRGGHHH!!” napasabunot nalang ako ng buhok sa sobrang frustration.


Bakit ba sakin pa nangyari ʼto dahil mababaliw na talaga ako kakasubok intindihin ito. 23:30, kalahating oras nalang. Antok na antok na ako, sanay ba naman ako na maagang matulog para din maaga magising.


Kailangan ko munang ipahinga ang utak ko dahil pagod na pagod na din ito. Bumaba muna ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Dahil sa ingay ko nagising tuloy si Yonha, yung aso ko, at akala pa nga magnanakaw ako.


“Yonha, may future Yonha ka rin ba? Sana tao ka na rin at try mong intindihin yung mga nangyayari sa akin para mabaliw ka din sana. Pero baliw ka na yata, ʼdi mo ba naman makilala sarili mong amo.” tiningnan niya ako ng masama at parang mamaya maya lang ay susunggaban na ako. Akalain mo yun, nakakaintindi rin pala ang mga aso. Pero swerte na din siya wala siyang kailangang problemahin at hayahay ang buhay niya kaso lang ako nga pala ang amo niya.

Dear, Past Me (a five part story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon