Yukiko's POV
Nakahiga ako ngayon sa malambot at komportableng malapad na kama. Parang anatomy model ang pagkakahiga ko ngayon habang nakatingin sa kisame ng bago kong kwarto. Blangkong ekspresyon habang inaalala ang mga nangyari kanina. Di pa ata masyadong nagsi-sink in ang mga pangyayari sa mahabang araw na ito.
Paling sa kanan
.
.
.
.
.
.
.
.
Paling sa kaliwa
.
.
.
.
.
Whaaaaa! Hindi ako makatulog. Anong gagawin ko? Kahit anong lambot ng kamang 'to. Iba pa rin ung apartment na tinirhan ko ng mahigit isang taon.
Gumulong gulong na ako sa kama, nag-ayos ng gamit at kung ano-ano para antukin pero wala.
Sumilip ako sa pinto. Walang tao, kaya dahan dahan akong lumabas at naglakad lakad sa mansion ng mga Akashi. Pilit kong tinatandaan ang mga dinaanan ko, mahirap na baka maligaw pa ako. Nakarating ako sa harap ng isa sa mga double door. Binuksan ko ng bahagya at sumilip. At tumambad sa akin ang isang magandang kusina. Tama! Isang malinis, malaki, at magarang kusina. Hindi lang basta kumpleto ang mga gamit dito. High quality pa 'tong mga 'to. Wow talaga.
"May kailangan po ba kayo, lady Yukiko? May gusto pa ba kayong kainin?" tanong ng babaeng may kalakihan ang katawan. Napatalon ako sa gulat.
"A-ah eh w-wala po, h-hindi po kasi ako makatulog kaya naglakad lakad ako at napadpad sa kusina." Sagot ko at napakamot ng ulo. Nakakahiya akala ata niya patay gutom ako.
"Ah ganun ba? Gusto mo bang ilibot kita sa mansion?" tanong ng babae.
"W-wag na po! Baka nakakaabala na po ako sa inyo. Aalis na po ako." Sabi ko.
"Ako nga pala si Tachibana Kushina. Ang mayordoma at tagaluto ng mga Akashi." Pakilala niya.
"Ako pala si Asakura Yukiko. Nice to meet you Tachibana-san." Sabi ko sabay yuko.
"Nakakatuwa, bukod sa mga team mates niya sa basketball eh ngayon lang siya nagdala ng kaibigan dito. At dito pa titira." Sabi ni Tachibana-san at tumawa.
"K-kaibigan??" bulong ko. Magkaibigan ba kami nun? Baka mortal enemy.
"Alam ko minsan ay malamig ang pakikitungo ni Seijuro-sama sa mga tao pero alam ko mismo na mabuti siyang bata." Sabi ni Tachibana-san na ikinaputol ng pag-iisip ko kung kaibigan ko baa ng pusang yon.
"Alam ko may pagkasuperior ang ugali ni Seijuro-sama. Pero sana mapagpasensyahan mo siya. Kahit ganyan yan ay mapakabuti niyan sa mga taong malapit sa kanya." Dagdag pa niya.
"Parang duda po ako sa huli niyong sinabi." Sabi ko at bahagya siyang tumawa.
"Mararamdaman mo yun sa ibang paraan. Pero minsan akala mo masama ang ginawa niya pero para yun sa ikabubuti mo." Sabi ni Tachibana-san. Talaga lang ha? Ano kaya ang kabutihang dala ng sapilitang pagtatrabaho at pagpapatira sa kanya? Tell me. Asan ang hustisyaaaa?
"Ah sige po. Babalik na po ako. Magandang gabi po." Sabi ko na lang.
"Kung may kailangan ka wag kang mahiyang magsabi sa'kin ha." Sabi niya at ngumiti. Ngumiti na lang din ako dahil sa kabaitan niya.
BINABASA MO ANG
Mismatch Akashi x OC [KnB fan fiction]
FanfictionWhen Mr. Absolute meets Ms. Manhid, anong kaguluhan kaya ang mangyayari? Magustuhan kaya ni Mr. Absolute ang isang pasaway na Ms. Manhid? Mapansin naman kaya ni Ms. Manhid na nahulog na sa kanya si Mr. Absolute? Sundan ang makakalokang adventure ng...