“Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing”
“Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing” tunog ng alarm clock.
Isang imahe ng tao na nakatalukbong sa kumot ang pumaling patalikod sa kinalalagyan ng alarm clock. Maya-maya pa’y isang babae ang bumangon mula sa pagkakatalukbong ng kumot, tumingin sa oras at sunod sa kalendaryo.
“Ah! Oo nga pala!” sambit niya.
Dali-daling tumayo at dinala ang sarili sa banyo para maligo, pagkatapos ay nagbihis, tinitigan ang uniform,
“Sana walang maging problema sa school na ’to.” Sabi sa sarili at isinuot ang kanyang bagong uniform. Pagkatapos ay sinuklay ang buhok at inipit paitaas ang kanyang buhok. Pumunta sa kusina para kumain at maghanda ng babaunin. Bago umalis ay nagpaalam sa larawan ng kanyang yumaong magulang at isinuot ang paboritong balabal at salamin sa mata pagkatapos ay patakbong umalis ng kanyang apartment.
Siya si Asakura Yukiko, 2nd year transfer student sa Teiko middle school. Isa rin siyang manga artist na nagtatago sa pen name na “Silverheart” at salarin sa dalawang best selling shoujo manga sa Japan. Pero ni minsan ay hindi pa niya inilalantad ang kanyang sarili sa publiko at fans. Sa kadahilanang ayaw niyang maging sentro ng atensyon. Mag-isa lang din siyang namumuhay sa maliit niyang apartment.
Habang naglalakad papasok ay nag-iisip na siya ng maaring maging kwento para sa kanyang bagong manga.
“Hay, wala talaga akong maisip.” Napabuntong hininga na lang siya. “Siguro si Masako na lang ang tatanungin ko.” sabi niya sa sarili habang naglalakad.
Biglang may bumangga sa kanya mula sa likod. Nang lumingon siya ay wala naman siyang nakita.
“Ah sorry.” Sabi ng isang boses. Luminga linga siya pero wala pa ring nakita.
“Dito sa harap mo.” Sabi ng lalaking may light blue na buhok na bigla bigla na lang sumulpot sa harap niya.
“AY TUPANG KINILAW.” Napaatras si Yukiko at gulat na gulat.
“Ayos ka lang?” tanong nung lalaki.
“K-kelan ka pa nanjan?” tanong niya habang inaayos ang kanyang salamin.
“Kanina pa, ako ‘yung nakabangga sa’yo.” Sabi nung lalaki.
“A-ah sorry.” Sagot ni Yukiko.
“Sorry din.” Sagot nung lalaki at napansin niya ang uniform ng dalaga. “Ung uniform mo, sa teiko ka rin nag-aaral?” tanong niya.
“Ah oo transfer student ako.” Sagot ni Yukiko.
“Doon din ako nag-aaral, ako nga pla si Kuroko Tetsuya.” Sabi ni Tetsuya.
“A-ah ako naman si Asakura Yukiko. Nice to meet you.” At tahimik nilang binagtas ang daan patungong langi- ah Teiko middle school. Tahimik na rin sana nilang mararating ang building kaya lang biglang may tumawag kay Tetsuya.
“KUROKOCCHI!!!! >.<” sigaw ng isang papalapit na magandang nilalang ma may nakakasilaw na dilaw na buhok (XD)
Biglang nagtilian ang mga babae at nagdagsaan papunta sa building.
“Kise-kun.” Mahinang tugon ni Tetsuya.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Kise.
“Ah, nabangga ko kasi si Asakura-san kaya medyo natagalan ako.” Tugon ni Tetsuya.
“Asakura-san? Wala ka namang kasama kurokocchi.” Sagot ni kise habang tinigtignan ang likuran ni Tetsuya.
“Ah andito lang siya kanina.” Sabi niya. Missing in action na si Yukiko.
Sa kabilang banda noong narinig ni Yukiko ang tiliaan ng mga babae ay umalis na agad siya sa paligid at hinanap ang faculty room.
“A-ah e-excuse me, saan ba dito ang faculty room?” tanong niya sa isang lalaking may pulang buhok. Tiningnan lang siya nito.
“Transfer student ka?” tanong nung lalaki.
“Ah oo.” Tipid na sagot ni Yukiko.
“Doon banda tapos kumanan ka.” Turo ng lalaki.
“Ah salamat.” Sabi niya at tinunton ang faculty room.
Pagdating sa faculty room.
“Asakura Yukiko.” Sambit ng magiging home-room teacher niya habang binabasa ang records niya. Nakatingin lang siya sa teacher.
“Asakura? Parang pamilyar ang apilyedo mo.” Sabi ng teacher.
“A-ah m-marami naman pong t-taong may apilyedong Asakura.” Sagot ni Yukiko.
“Hmmmn kung sabagay, pero parang narinig ko na talaga kung ‘yun kung saan.” Sabi ng teacher.
“A-ah b-baka po katunog lang a-alam niyo na.” sabi ni Yukiko.
“Oh sige tara na sa klase at ipapakilala kita sa mga magiging kaklase mo.” Sabi ng teacher at lumabas na sila ng faculty room. ‘eto nanaman po tayo sa pagpapakilala’ sabi ni Yukiko sa sarili.
Habang papunta sa magiging classroom niya ay natanaw nila ang kumpulan ng mga estudyante na parang may pinagkakaguluhan.
“Ah sino po sila?” sabay turo niya sa pinagkakaguluhan.
“Sila ang regulars ng basketball team. Sila ang tinatawag na generation of miracles.” Sagot ng teacher.
“Generation of miracles” bulong niya sa sarili. At natanaw niya ung lalaking may dilaw na buhok kanina. ‘Basketball player pala siya. Kung sa bagay matangkad siya.’ Sabi niya sa sarili. Tinignan niyang mabuti kung tama ang nakikita niya, ung nabangga niya kaninang si Kuroko ay kasama nung mga lalaki. ‘basketball player din ‘yun hindi halata ah’
“Sikat talaga ang mga ‘yan lalo na si Kise.” Sabi ng teacher habang nakatingin sa kumpulan.
‘Magiging tahimik ang buhay ko kung hindi ako lalapit sa mga lalaking ‘yon.’ Sabi niya sa sarili. Kasabay ng pagtunog ng bell na hudyat ng umpisa ng klase.
[Hello ^o^ waaaaaah may bagong Filipino fan fiction po ako ^_^ hindi na po ito one shot hehe sana’y suportahan natin ^^ sinubukan kong idrawing si Yukiko… sa gilid po :D ganyan po ang itsura niya paglumalabas XD takot maarawan charooot. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ko ‘to ipa-publish hanggat hindi ko nasusulat hanggang 3rd chapter pero 2 chapters pa lang ang natatapos ko -_- abnormal talaga ako…]
BINABASA MO ANG
Mismatch Akashi x OC [KnB fan fiction]
FanfictionWhen Mr. Absolute meets Ms. Manhid, anong kaguluhan kaya ang mangyayari? Magustuhan kaya ni Mr. Absolute ang isang pasaway na Ms. Manhid? Mapansin naman kaya ni Ms. Manhid na nahulog na sa kanya si Mr. Absolute? Sundan ang makakalokang adventure ng...