Una

75 3 1
                                    

Malayong tingin

Hindi maipintang damdamin

Sumasabay ang ihip ng hangin

Malakas malamig

Hindi alam ang gagawin

Isang malakas na kalabog ang akin narinig, kung kaya't napatingin ako sa gilid ng amin silid.

"REVOOOOOO!" Isang malakas na sigaw na tawag sa akin. Ah kairita, ka aga aga may maninira na naman ng araw ko.

"hoy reva, patahimikin mo nga girlfriend mo." Sabi ng kaklase ko sa likod ko. Napapikit na lang ako sa inis.

"Ex, ex-girlfriend na pare. Haha" paglilinaw ng katabi ko sa kanan na tumatawa na.

"Ay oo kakabreak lang nila last week diba? Grabe yan si Revalyn. Ibang klase! Hahaha." Isa pa itong kaklase ko pula ang buhok. Wag niyo na lang kasi yan pansinin, bwisit.

Nagtawanan naman silang lahat. Hindi ko namalayan may humawak na pala ng mahigpit sa manggas ko, kaya biglang napadilat at napatayo ako sa inuupuan ko. Hinila niya ko paangat. Nasa harap ko na pala si Greta. Napangiwi ako sa ginawa niya.

"Ano bang nang yari, Vo?" Takang antok na bulong ni Gel sa kaliwa ko. Lagi ka naman walang alam eh.

"R-Revo w-why y-you.. why you always ignoring m-my damn calls huh?" Nanginginig na umiiyak habang tinatanong sa akin ni Greta ito. Bakit nga ba? Hmm, Eh tinatamad na ko eh.

"Rev, get her out na. She's making a scene kasi. You know naman si Ma'am Sevastova is our first period right?" Pagrereklamo ni Kristen, yung class president namin. Ah oo nga pala history first subject namin. Kapag hindi ito tumigil, maaari kami maparusahan ng 10 pages essay. Inaantok pa ko, hindi pa handa utak ko mag sulat ng kung ano ano.

"Gretaline, nalulukot uniform ko." Madiin ko sambit.

Walang ilang segundo napabitaw siya at napalitan yung tapang niya ng takot. Kilala niya ko, kahit isang buwan ko lang siya naging kasintahan, alam niya kung paano ako magalit.

"O-okay fine. I just--" pinutol ko siya, alam ko na naman kung ano yung pinakadahilan ng pinunta niya dito.

"We're finished right?" Direktang atake ko, lumaki mga mata niyang kanina pa lumuluha. Malalim ang tingin ko sa kaniya at alam ko naman makukuha niya yung nais kong iparating. Matagal na kaming tapos. At hindi ko na kayang makipaglaro pa.

Nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Lahat nagulat sa ginawa niya, nung mabilis lumapat ang palad niya sa mukha ko. Pagkatapos makatanggap ako ng sampal ay tumakbo na siya palabas. Mabuti naman, baka ano pa masabi ko sa kaniya. Ang kulit niya eh.

Pumunta sa harap namin lahat yung isa kong kaklaseng pabida bida at nagkomento :

"Shoot, kung ako siya, sampal din abot mo sakin." Dilat na dilat pa niya akong tinititigan, halatang nang-aasar. Edi mag sama kayong dalawa.

Inayos ko yung uniform ko, pinagpag ko ng konti at umupo na ng maayos. Nakakarindi sa tengga mga pinagsasabi ng mga kaklase ko. Kung hindi lang malapit dumating si Ma'am, edi sana naka ear pods na ako.

Kung tatanungin niyo ko sa sampal ni Greta.. kung masakit ba? Uhm, Hindi ko ininda yung sampal. Wala lang yun, siguro sanay nako sa usual after shock  break-ups ko.

"Tanga ka ba? Bat ka manghahabol sa nang-iwan sayo, Marienella?" Atakeng patanong ng isa ko pang kaklase. May punto siya.

"Woooooooohhhhhhh" reaksyon mga kaklase kong abnoy.

CloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon