Pangalawa

54 0 0
                                    

Malayong tunog

Hindi ko alam saan galing ang kalabog

Ang pusong bugbog

Masakit kong tibok

Hindi ko na kayang magmukmok

~~~

Jake's Point of View

Last year,

"안녕 친구!"

"안녕~"

Ito na huling paalam ko sa mga kaibigan ko dito sa Gangnam City, South Korea. Kumaway ako sa kanila ng medyo naiiyak kasi mamimiss ko sila, sumakay na ko sa eroplano papuntang pinas.

My Time Arrival : 2 AM

Paglapag ko sa pilipinas, 1 hour lang byahe namin sa kotse pauwi ko sa titirahan kong condo. Inayos ko mga gamit ko, nilabas ko sila para mapaghiwalay ko yung mga kailangan ko sa school. Dahil kinabukasan ay kailangan ko na ayusin requirements ko. Itutuloy ko dito ang senior high school life ko, as transferee student ang masasabi ko lang ay...

..kinakabahan ako.

Pagkatapos ko mag ayos, naligo ako at natulog na. Sobrang pagod ko hindi ko na maalala anong oras ako nakatulog.

After 5 hours, I woke up clueless. Tanong ko sa sarili ko, Ano ulit gagawin ko ngayon araw? 잉..?

"어?" teka parang may mali 아ㅏㅏㅏㅏ NAPATINGIN AKO PHONE KO 9:30AM NA, LATE NAKO!!!

Mabilis akong kumilos, buti na lang naligo nako kaninang 4AM kaya hindi nako maliligo ngayon. Kailangan ko dumating sa eskuwela ASAP!!!

10AM

Nasa Faculty Office nako.

"Jake Nam, welcome to our university. Happy studying!" Warm welcome sa akin ng magiging home room teacher ko and pina-assist ako sa Class President namin papuntang classroom.

Naglalakad kami sa hallway, mga dinadaanan namin nasa on going class kaya tahimik. Pero alam niyo, Nakakahiya talaga na late ako.

"Hi Jake! Do you know how to speak tagalog?" Napalingon ako sa Tanong, akala ata niya koryanong hilaw ako? Pagtripan ko nga. Shh lang kayo ha ㅋㅋㅋㅋㅋㅋ

"Konti lang" sabi ko na lang with korean accent, akala mo talaga eno ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ

"Oh, ang cuteeeeee, it's alright I'll teach you don't  worry~" 나? Hindi ako cuteeeeeeeeeee ㅠㅠ

Ilang beses ko naririnig na cute ako pero kailan ba ako makakarinig na gwapo ako--

Tumigil mundo ko, teka sino 'to? 넌...누구야..!?

"Absent daw si Li"  mula sa boses ng isang magandang dilag.

Para siyang anghel na nahulog sa langit, teka lang Lord!

She is in light make-up. Napaka-natural look, sobrang bagay sa kaniya. Brown Round eyes, pink kissable lips, small face, long black hair with bangs, she's wearing a long sleeves cute blouse with daisy flowered design, wearing blue pastel colored skirt, Naka-white shockings and also she's wearing a black dolly shoes. Ang angel talaga dating niya kasi naka-suot din siya angel wings at halo headband. Lorddddd teka lang poooo

"Eh!? M-Miss Guinto?" Gulat na gulat na sabi Class Pres. "Hala Revalyn hindi kita nakilala.. naka wig ka ba? Waaa bagay sayo! So pretty!" patuloy pang mangha ni Class Pres. Hindi ko na itindihan yung susunod nilang usapan basta napatulala na lang talaga ako.

CloverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon