Chapter 4

864 26 0
                                    

Den POV

Natawa nalang ako ng patayan niya ako ng tawag, tapos di pa sinagot ang sunod...OUCH!! Ang shakit sha heart
"Gurl ,may gagawin ka ba bukas?"

Ani Oreo habang kumakalikot ako sa laptop ko..kausap ko kasi si klien, dating NBI agent..Ngayon nagtatrabaho na bilang underground hacker ,..nakilala ko dahil Kay Velázquez, buti nalang at may pakinabang—Joke

"Bakit??Busy ako bukas e..may pupuntahan lang"
Alam niyo na siguro noh???tutal mga chesmosa naman kayo

"May pupuntahan akong party..as usual businesswoman ang peg ko,wala akong date"

Natigilan naman ako at bahagyang sinilip si Oreo, matanda siya sakin ng limang taon,Kuya nga sana ang tawag ko sa kanya pero sabi niya di daw akma sa kasarian niya...babae daw kasi siya.

"Akala ko ba di tayo talo??anong date pinagsasabi mo diyan??"
Umirap naman siya at bumangon sa pagkakahiga.nakaharap na sakin ngayon

"Gusto mo masapak para matauhan ka??Ha?? Paulit ulit??paulit ulit? Kita mo nang di tanggap sa lipunang kinabibilangan natin ang mga diyosang kagaya ko e,Bruhang toh" inis niyang pahayag na ikinatawa ko

"Di ako pwede labs,may gagawin ako"

"Ano naman yun??"

"Gagawa ng bata ano pa ba??Tsk"
Tawa ako ng tawa habang napangiwi naman siya...di matanggap ang pinagsasabi ko

"Ang halay mo Den Den,Bastos ng bibig mo..kung gusto mo ng bata marami diyan sa hospital pinaabandona ng mga ina nila.."

"Eh..sa gusto Kong galing sakin eh..isapa pa,wala pa akong dilig gurl,..kunti nalang malalanta na ang petchay na inaalagaan ko,hahaha"
Sabay naman kaming natawa

"Ay teh,..may saging dun sa kusina,try mo nga"

"Gaga!! Ayuko nga, ilang pulgada lang ba yun??Gusto ko talong..Long and hard"

"Pero seryuso..sino naman yung lalaki??Gwapo ba?Kamukha ba ni Dingdong Dantes o kaya naman Mala James bond??"

Dahil sa sinabi niya...bigla nalang pumasok sa isip ko ang hitsura ni kaden...actually Hindi naman siya nerd,may hitsura nga eh,kasing tangkad lang ni Oreo, bumabagay sa kanya ang salamin niya,chinitong mga mata,kulay papel na balat....

"Hmm..pwede nang pagtiyagaan." ngumiwi naman siya,di naniniwala sa sinabi ko

"Naku girl,kilala kita..di ka lumalapit sa pangit,pag may gwapo ang landi mong tang*na ka"

"Kapal..."

******

"Ate San ka pupunta??"
Pasakay na ako ng marinig ko ang Bose's ng kapatid ko,liningon ko ito at ngumiti

"Basta..may aasikasuhin lang ako,bukas pa ako makakabalik kaya wag mo na akong intayin..papasalubungan nalang kita"
Ngumuso naman siya

"Anong aasikasuhin mo??"
Ngumisi lang ako at kumaway na..ayaw ipaalam ang sagot

"Babye bro"
Bago pa siya makapagsalita pinaharurot ko na ang kotse ko patungo sa dereksiyon ng bahay niya.

Mag dadalawang oras na bago ako makarating sa distinasyon dahil sa layo ng lugar na kinaroroonan niya..sabi ni Klein mag aapat na buwan na DW siyang nakatira rito—O sila

Ipinarada ko ang Ferrari ko di kalayuan sa HQ nila,nasa tagong parte ako kung saan may nagyayabungang puno ng mangga

Mula rito,kitang kita ko ang mga palakad lakad na lalaking may dala dalang dikalibreng barel,
Napasipol nalang ako ng may nakitang camera sa di kalayuan..may security system na nasa harap kaya di pweding basta basta pasukin

'Weewwwwss,sinong mag aakalang narito lang pala ang kapatid niya?at ang nakakagulat pa ang sinabi ni Klein na isa ang kapatid ni Kaden sa myembro ng Death Mark Org.

Narinig ko na dati ang Organization na yan Kay Tito val,pinsan ni papa na isang Lieutenant general dito rin sa pilipinas.
Ang DMO Daw ang pinakatagong Organization,may pabrika sila ng pagawaan ng droga,shabu,cocaine, mariwana, illegal na baril at kung ano ano pang ipinagbabawal

Di na ako magtataka kung bakit walang nagagawa ang mga pulis sa pagkawala ng kapatid ni kaden,pero ang tanong..alam din niya ba na myembro ito ng DMO?? O baka akala niyang may kumidnap??

Tsk..nakakatawa,So ano na ngayon ang gagawin ko??mag isa lang ako at libong tao sila,may mga baril sila pero ang dala ko lang ay dalawang 45 na baril...wala akong laban,mabuti pang umuwi nalang tutal nakita ko na din naman na eh,

Kaya pala kanina ng tumawag ako Kay Klein pinagtawanan pa ako ng gago,para daw akong batang susuong sa ipo ipo...ano ba dw ang nakukuha ko??

Well,simple lang..baby—Joke
Napailing iling nalang ako sa kawalan
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng driver seat ng biglang bumulaga sa harapan ko ang dalawang armadong lalaki

O____O

"H-hi?? Hehehe"
Nagkatinginan naman ang dalawa sabay na na tinutok ang baril sa ulo ko

'Ay Punyeta..Wala pa ngang laman ang tiyan ko Mamamatay na agad ako?? Di pa ako nadidiligan Gosh'

"Anong ginagawa mo rito?? Espiya ka ba Miss??" Aniya ng isa,ngumiti lang ako ng pilit.

"Naliligaw po kasi ako eh,papunta sana ako sa bahay ng kaibigan ko pero di ko na alam kung nasaan ako"

Tinignan nila akong dalawa ng mapanuri, Hindi naniniwala sa sinabi ko

"Pinaglololoko mo ba kami??kanina ka pa nakatayo riyan ah,..anong nakita mo??" Tanong pa ng isa,

Akmang ilalabas ko na ang baril ko para sana patahimikin ang mga bibig nila ng may isa pang lalaki ang dumating,may kamukha ito na pamilyar sa akin, matangkad,chinitong mga mata,pale skin at tulad ng dalawa ay may dala rin itong baril na nakasabit sa leeg

"Anong nangyayari dito??"
Aniya..dumapo ang tingin niya sakin at bahagya pang nagulat ng ilang sandali bago ibinalik ang tingin sa kasama niya

"Nakita namin ang babaeng yan na kanina pa nakatayo rito at nakatingin sa HQ,mukhang espiya na pinadala ng kalaban"

"Tatapusin na ba namin siya??"
Sinuri ang katawan ko ng bagong dating mula ulo hanggang paa saka napalunok.nakasuot lang kasi ako ng sport bra at itim na mahabang jacket at pink short saka boots

"Huwag na..ako na ang bahala sa kanya,pinapatawag na kayong dalawa ni Mateo magdedeliver na dw"

Tumango ang dalawa at agad na tumalili,naiwan naman kaming dalawa habang itinatago ko ang dalawang baril sa bulsa sa likuran ng jacket

"Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa" mahina pero seryusong aniya

Walang pag alinlangan naman akong tumango bago sumakay sa sasakyan ko,binuksan ko ang bintana ng sasakyan saka sinilip ang lalaking mataman lang akong tinignan..parang sinasaulo bawat angulo at parte ng mukha ko

"Salamat sa pagligtas"
Tipid akong ngumiti bago pinaharorot ang sasakyan..di na hinintay ang sagot niya.

Let's Make a BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon