Chapter 7

748 18 0
                                    

.
Chapter 7

"Gurl...buti nalang dumating ka na,Gosh kanina ka pa namin hinihintay—"

"Labs...Maya na ang chika, Pahinga muna ako okay??sabihin mo Kay yosh,nasa ref na yung cake niya,siya nalang kumuha mamaya..."

"Ate.."
Pipikit na sana ako ng marinig ko ang kapatid ko
"Hmm??Ano yun??"
Antok na talaga ako

"Nandito si mama kanina,hinahanap ka"
Parang nawala ang lahat ng antok ko at biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya

"Come again??"

"Bumisita si mama kanina,kaaalis lang sampung minuto bago ka dumating"
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya
"Nag jojoke ka ba?"umiling naman siya "bakit naman papunta yun dito?? E iniwan niya na tayo diba? O e ano naman sinabi sayo?"

Umayos ako ng upo sa sofa para mag kasya kaming dalawa
"Wala naman..nangamusta lang tapos hinahanap ka samin"

"Ako?? Bakit ako?? E di ko naman siya mama" inis na sabi ko

"Ate..."

"Tsk,kapag pumunta ulit dito tawagan mo agad ako at ako pa mismo ang magpapalayas sa kanya,"galit Kong ani,naramdaman ko naman ang mahigpit na hawak sa kamay ko ng kapatid ko,pilit akong pinapakalma

" baka manghihingi ng pera"
Komento naman ni Oreo na ikinalingon ko

"No,Hindi yun, alam Kong mayaman yung lalaking kasama niya ngayon kaya di pera ang dahilan niya para pumunta rito"
And then the memories of dad asking me about mom flash in my mind

'Nag away kaya sila??'

Ipinilig ko ang ulo ko at pagod na tumayo papuntang kwarto,iidlip muna ako.iniwan ko ang dalawa sa sala habang kumakain ng dala Kong chocolate cake

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang message alert ko,
Inis ko itong inabot at binasa ang mensahe

From unknown Number:

Meet me in Choi's Restaurant tomorrow
7:25 Am Sharp.I have to tell you something important.. Don't make me wait...
—Momy

Di na ako nagreply at ipinikit na ang mga mata para matulog..at sa wakas ay wala ng isturbo dahil bumigat na ang talukap ng mata ko at nakatulog

****

"Ayy taray. May PAback less si mayor, saan punta mo girl??Sama kami"
Aniya Oreo habang pinagmamasdan akong mag ayos ng buhok sa salamin.

"Sa mama ni yosh,makikipag usap, ano sama ka pa??" Bigla namang nauwi sa ngiwi ang ngiti sa labi niya na ikinatawa ko

"No thanks nalang pala, baka ako pa pumagitna sa inyong dalawa pag nag away kayo,ayukong makatikim ng mag asawang sampal noh...alam mo ba kahapon??Tinarayan ako ng Mudra mo,bakit daw ba ako nakatira dito,e di ko naman bahay??"

Natawa ako ng umirap siya habang sinasabi yun

"Oh e anong sagot mo?nagpaapi ka ba?" Taas kilay Kong tanong

"Of course not..kailan pa ako nagpatalo? Sabi ko sa kanya mag kaibigan tayo tsaka ako ang nagbabayad ng kuryente,tubig,at groceries tapos akalain mo ba naman ang sagot?? I don't care who ever you are,leave or get lost,choose the latter and keep the first!!Putang*na..ang sarap sabunutan"

Tinawanan ko lang ang kwento niya at nagpaalam nang umalis

"Di mo isasama si brother??"
Aniya ng ihatid ako sa pinto, umiling naman ako
"Di naman niya hinanap e di wag,Buti nga para di na umasa yang kapatid ko"

Pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa restaurant, nasa pintuan palang ako ng may dalawang lalaking sumalubong sakin,matatangkad ito at nakaitim na polo

Let's Make a BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon