.
Chapter 10
"Ano?? Asaan ang kotse ko??"
Tinuro niya naman agad ang garahe kung saan nakapark ang kotse ko"Galit parin??"
Tinignan ko siya ng masama saka umirap"Nagkita na ba kayo ni kaden??"
Napawi ang ngiti niya at naging seryuso"Oo...kanina "
Kaya pala di niya na ako kailangan kasi nagkausap na sila,Nice."At??"
"Galit na galit siya sakin,bakit daw ako umalis at iniwan siya...kita mo toh?" Turo niya sa kaliwang pisngi niyang may pasa
"Sinuntok niya ako,kaya sinuntok ko din siya—"
"Gago...bakit mo ginantihan??"
Tinignan niya naman ako ng masama"Paki mo?! Eh sa sinaktan niya din ako e"
"Tang*na, akin na nga susi ko,wala kang kwentang kausap alam mo ba yun??"
Inis Kong inilahad ang kamay ko para kunin ang susi,agad naman siyang tumalima"Mas wala kang kwentang kausap ,nga pala pinapapunta ka ni tita sa HQ sa sabado,family dinner daw tayo"
Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya
"Family dinner mo mukha mo,..di ko naman kayo family e,di kita kapatid bakit ako pupunta""Lol ,as if naman gusto kitang maging kapatid...pumunta ka nalang"
"Eh bakit doon pa??Ang daming lugar o kaya restaurant na pweding puntahan doon pa sa maraming illegal transaction na nagaganap..sumbong ko kayo sa pulis e"
Pinandilatan niya naman ako ng mata
"May ipapakita ako sayo roon kaya sumama ka parin, wag kanang magreklamo""Ano naman papakita mo?"
"Yung Alaga ko ipapakita ko sayo" sarkastiko niyang saad.
"Segi segi gusto ko yan...isama mo na din yung itlog mo para kumpleto na"
Pang aasar ko pa.Binatukan niya naman ako kaya tinignan ko siya ng masama
"Yang bibig mo ang Bastos ah!!Wag na wag kang magsasalita ng ganyan pag nandoon ka dahil ipapabaril kita..tandaan mo""Oo na ,tang*na..alis na ako,babye"
Papalabas na sana ako ng may pumasok sa isip ko kaya muli ko siyang nilingon,tinaasan niya naman ako ng kilay
"Oh??"
"Paano ako uuwi nito?? Ano daladalawa ang sasakyan ko iisa lang nagmamaneho??"
",oh..paki ko naman??Anong gusto mong gawin ko? Pag isahin ko yang sasakyan mo?"
Umirap ako at inihagis ulit sa kanya ang susi ng kotsing kinarnap niya."Pareho lang kayo ng kapatid mong stupid alam mo ba yun?? Mga wala kayong utak,"
Tumalikod na ako at umangkas sa motor ko,siya naman ay inis na sumakay sa kotse ko
"Di ko sabi siya kapatid eh..pwede ba?"
"Whatever.."
Pinaharorot ko na ito at sumunod naman siya.ako ang unang nakarating sa bahay, pero sabay kaming bumaba sa sasakyan
Ibinigay niya sakin ang susi saka akmang tatalikod ng may maalala at humarap sakin ng salubong ang kilay
"Paano nga ulit ako uuwi nito?"Ngumisi naman ako, pinaglalaruan ang dalawang susi sa kamay ko
"Maglakad ka"
Tinignan niya ako ng masama"Ayuko nga..ihatid mo ako tutal ikaw naman ang nagdala sakin dito e"
Pinanlakihan ko siya ng mata

BINABASA MO ANG
Let's Make a BABY
De TodoSi Denaira Alvarez... Naghahangad ng kalayaan kaya naman kahit ano gagawin niya, deal is a deal,a Baby kapalit ng kalayaan at mana niya sa ama, Problemado siya hanggang sa makilala niya si kaden Choi...Innocent, Chinese Good looking man but low conf...