Chapter 21

499 22 0
                                    


Chapter 21

.

Nitong mga nakaraang araw palagi Kong napapansin ang papadalas na paglabas ni Oreo kasama ang kambal tuwing nasa trabaho ako,minsan nauuna pa akong umuwi kaysa kanila

"Teh...anong oras uwi mo mamaya??"
Tanong niya habang nagbebreakfast kami sa hapag,

Tumigil muna ako sa pagpapakain Kay Clyde at binalingan siya, nagtataka
"Do you really need to ask me that everyday?? Go get my schedule on my bag para Hindi ka na mag tanong"
Naiinis Kong anas na ikinabigla niya

"B-bakit??"
Ngumiti ako ng sarkastiko bago pinunasan ang bibig ni Misha

"Wala naman..nagtataka lang kasi ako kung saan mo dinadala ang mga anak ko at napapdalas naman ata??hmm..saan nga ba??"

Lumunok muna siya bago sumagot
"S-sa ano, kung saan saan lang p-para naman malibang sila..hehehe, Bakit? Wala ka bang tiwala sa mukhang toh?" Turo niya sa sarili

'Wala'

"Meron naman,..kaso yung kinuha Kong baby sitter mukhang walang pakinabang kung ikaw lang din naman pala ang gagawa ng trabahong dapat sa kanila..." Ngumiti ako sa kanya at pinanggigilan ang mukha ng kambal

"Ahh...segi na umalis ka na, ako na ang bahala sa dalawang chikiting mo baka malate ka pa sa trabaho e"

"No.."
Taka siyang lumingon

"Ha??, bakit?"

"Di ako magtatrabaho ngayon eh..gusto Kong makabonding ang akong mga kuting.."
Nguso ko sa dalawa na tumatawa habang pinaglalaruan ang maliit na kutsara

"Ahm.eh bukas??..May gagawin ka ba bukas??"
Salubong ang kilay Kong humarap sa kanya,

Kanina pa ako namumuro sa isang toh eh,bakit parang gustong gusto niya ata akong paalisin??

"Ano bang pinagsasabi mo??"

"Ha?? N-nagtatanong lang naman ako kung may gagawin ka bukas—"

"Syempre may gagawin ako bukas, importanting araw yun e"
Para siyang tanga, bakit PA siya nagtatanong kung anong gagawin ko bukas?? Dapat alam niya rin kasi kasama siya

"Talaga?? Segi ako ng bahala sa kambal ipapasyal ko lang sila sa mall hehehe, bibilhan ko ng laruan"

Lalong nagsalubong ang kilay ko
'Di niya kaya maalala kung anong mayroon bukas??'

"Hindi pwede.."

"H-ha?? Bakit naman e—"

"Birthday nila tomorrow, Oreo!!Nakalimutan mo na ba?Bakit mo sila ipapasyal sa mall e Kaarawan ng nga anak ko??"

O____O
Umawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata, natakpan nito ang bibig sa sobrang gulat

"Oh G-gosh...Oo nga pala.."

"Wag mong sabihin nakalimutan mo na?? E ikaw pa nga yung nag organize ng party e!! Don't tell me pati Pag organize ng party nakalimutan mo din??"

"Shit!! Oh Shit!!"
Napasapo ako sa mukha at inis na binagsak ang kutsara

"Manang pakikuha nga saglit ang mga bata..may pag uusapan lang kami"
Tumango naman ang kasambahay at agad na tumalima

Pagkaalis na pagkaalis nila binalingan ko siya ng masamang tingin na ikinalunok niya.
Halata ang takot,kaba at pagsisisi sa mga mata niya

"What did you do this past few days??"

"Sorry..nawala sa isip ko—"

" kaya nga ako kumuha ng baby sitter para sila na ang bahalang magbantay at mag alaga sa kambal pansamantala habang busy tayong pareho!! Oreo naman eh!! Ano bang pinag gagawa mo at pati yung pag organize nakalimutan mo pa??"

"Den..."

"Dadating si dady bukas ng umaga!! Anong gagawin ko niyan?!Ano nalang ang sasabihin ko?? Nagexpect pa naman kaming pareho sayo!!Anong gagawin natin sa birthday nila kung ganun??nakiusap pa naman ako Kay director na i-reschedule ang taping the other day tapos ganito!! Wala..Tutunganga nalang,Kainis ka alam mo ba yun??"

"Pwede namang sa ibang araw nalang ang party kaya ko pa namang iorga—"

"E bukas nga ang birthday ano ba!!bukas na sila mag iisang taon pero ibang araw pa gaganapin?? Ewan ko sayo!!Ikaw ang bahalang humarap Kay papa bukas ah??"

Tumayo ako at inis na nagmatcha papunta sa kusina kung nasaan ang kambal
"Segi na ate, bumalik na kayo sa trabaho niyo"

"Segi po ma'am"

Nilaro laro ko nalang ang kambal para kahit papano mabawasan ang inis na nararamdaman ko
"P--pa hmm papa"
O____O
Nanlaki ang mga mata ko ng nagsalita si misha,tumawa naman si Clyde at hinawakan ang mukha ko, magkatabi lang kasi sila sa stroller

"It's mama baby..Say Ma-Ma!!"

"P-paaaa ppa"misha

"D-dada!! Hmmmp..da dda"clyde

O ___O

Holy mother of God!!
Paano nila nalaman ang salitang yun??Minsan ko na nga lang sila marinig magsalita ng maayos 'PaPa' pa talaga ang binigkas samantalang ako itong mama nila na narito

Nakakapagtampo na talaga!! Kung sino pa yung wala siya pa yung tinatawag?? Ano bang mayroon sa lalaking yun??

.

I want a BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon