Paunang Salita

5 0 0
                                    

Isa akong batang 2000. At isang batang balarila.

Ang mga nailathalang tula at prosa ay mula pa sa mga luma kong slum book, diary at journal na hinuhukay-hukay ko tuwing nakapag-iisa. Mapapansin ang hindi pagkakasunod-sunod ng araw.

Ito ay mga likhang nagmumula sa pagmamahal, lumbay, paglaban, at pagkilos. Iyong iba, medyo mababaw. Kumbaga, daplis lang. Minsan nga walang dugo, pero ramdam mo. Parang natutuklap na kuko sa dalari.

Ang pabalat ay sumisimbolo sa mga daplis ngunit kailangang itahi. Ito ay sariling gawa.

DaplisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon