Dream Six ★

98 4 0
                                    

Sa ilalim ng puno ay tahimik na nagbabasa si Aisha ng makapal na libro, seryosong seryoso niyang iniintindi ang kaniyang binabasa. Kung titignan sa malayo ay maituturing mong masipag siyang nag aaral na kahit sa vacant ay aral pa rin ang inaatupag, ngunit iyan ang malaking pagkakamali ng inosenteng matang tumitingin sa kaniya. Maya maya ay ..

"Bwahahahaha! Laughtrip! Ibang iba talaga! Ang astig naman ni Alex. Hahahaha! Oooppps"

Humagalpak na siya ng tawa dahil sa loob ng makapal na libro ay may nakaipit roon na isang pocket size book na libro sa wattpad. Ang alalay kong Astig! (A/n. Ang alalay kong astig ni @Sweetmagnolia. Basahin niyo po, Promise! Iiyak kayo sa tawa, mapapanganga kayo sa kaastigan. So, add to your reading list na!)

Napahinto lamang siya sa pagtawa ng mapatingin sa kaniya ang Sophomore na dumaan. Tahimik na ulit siyang nagbabasa at pinakiramdaman ang hangin na humahawak sa kaniya.

Sa kabilang banda naman ay ngingiti ngiti si Baekhyun sa napapanood niya, sa isang linggo niyang buntot kay Aisha ay eto ang isa sa masayang araw dahil tatawa tawa na walang problema ang babae. Bigla siyang may naalala, wala si Kysler dito dahil pinapunta siya ng mga magulang sa Korea upang may asikasuhin. Kukunin niya nga ba ang chance na iyon?

"May problema ka ba?" kunwa'y tanong ni baekhyun sa dalaga kahit alam naman niyang alam nito ang totoo.

"Ha? Wala naman." sagot ni Aisha ng hindi tumitingin sa kausap. Sanay na siyang may lumalapit sa kaniya dahil nga ay nirerespeto siya ng ilang studyante.

"Are you crazy? Bakit ka tumatawa sa pagbabasa mo?" ngiti ngiting tanong naman ulit ng lalaki.

Napaangat na ng ulo si Aisha at nagulat siya na sobrang lapit pala nito sa kaniya, sa sobrang pagbabasa hindi niya na ito namalayan. 'Ganoon na ba talaga siya kaseryoso?'

"Sino ka?! Hindi ako baliw no! May masama ba kung tumatawa ako habang nagbabasa?!" asik niya kay Baekhyun habang tinutulak tulak ang binata.

"Walang masama para saken, pero para sa kanila..." at inginuso niya ang mga ilang studyanteng napapadaan at nagtataka "...may masama, laughing while reading a thick history book. Do you think its normal? Or may comeding nangyayari noong panahon ng World War II kaya kung tumawa ka wagas." pigil na tawang dugtong niya.

Lumaki naman ang butas ng ilong ni Aisha at nag init ang pisngi niya sa ibang tono ng di kilalang lalaki. Sapagkat nang aasar na tono ang kanyang naririnig.

"Hoy! Ikaw! Singkit na medyo maliit na .... teka?! Eye liner to ah?! Bakla ka ba?! Ha?! Kaya ba nang aasar ka?!" singhal ni Aisha sa kaharap. Nagseryoso naman ang mukha ng lalaki sa narinig.

"Tanggap ko pa ang panlalait mong medyo maliit pero ang bakla?! No way! Masama bang nakaeyeliner ang lalaki?!" sigaw niya.

"E nang aasar ka at may eye liner pa. Sino namang babae ang hindi ka mapagkakamalan na bakla?!" bulong ni Aisha.

"Okay fine! Sino ka? Tagadito ka ba? Hindi ka nakauniform, alam mo bang No uniform and i.d. No entry? Inakit mo siguro yung mga guard ano?! Sabi na bakla ka! Bakla ka! Bak----!" napatikom na siya ng bibig ng lumaki ang singkit na mata ni Baekhyun.

"Yenyen, hindi ako rito nag aaral, malakas lang ako sa guard. Hindi ako bakla! Sa susunod na sabihan mo pa ko niyan hindi kita bibigyan ng chocolates!" kunwaring sigaw ni baekhyun.

Natulala ang babae at pilit na iniintindi ang sinabi ng lalaki sa harap niya. Nang maramdaman ni Baekhyun ang sinabi ay nagulat rin ito.

"Si Yanna lang ang nagtatawag sakeng yenyen, at siya lang ang nagbibigay ng ganung panakot saken pag may kasalanan akong ginagawa. How'd you know that?"

"Ah-eh wala. Narinig ko lang. Kilala kita dahil Rank 1 ka dito diba?" Patay malisyang sagot ni Baekhyun. Kung maaari ay ayaw na muna niyang mabuko. Naisip niya ring mabuti na ayaw niya munang makitang alalahanin ang nakaraan at masaktan ang babae sa harap niya kaya't ayaw na muna niyang magpakilala.

----

Napapailing na lang si Yanna at Lady Chie sa nakikitang tanawin, nagpapalitan ng sigawan ngunit napapangiti ang lalaki dahil sa pangungulit niya sa dalaga. Tila may nabubuong pagkakaibigan dito at ikinatatakot ito ni Yanna.

"Do you think this is the right time na imeet ni Baekhyun si Aisha? Paano ang Kuya mo Yanna?" naguguluhang tanong ni lady chie.

"Hindi ko alam. I don't know what to do. Baekhyun is really serious on entering Aisha' s life again. And i dont know if he decides to tell his real role in her life."  walang ganang sagot ni Yanna.

"That' s ridiculous Yanna! You know na masasaktan ang kuya mo aside from it, Baekhyun too. Alam mong hindi pwede diba? Yanna! C'mon! Where' s your brain?" mahinang sigaw niya sa babaeng napapangiti na lang sa nakikita. Sapagkat tila tumahimik ang dalawang nagbabangayan at pinanood na lang ni Baekhyun si Aisha magbasa.

Napabuntong hininga siya at ngumit ng matamlay sa kaibigan.

"I have nothing to do with them. Im here--- no we' re here just to guide them and to give advice as long as they listen, no more no less. Dont think too much, Aisha loves my Kuya and also my Kuya too. Dont worry also because we know that after this school year you two are coming back to Korea right? Baekhyun has a lot of promotions and his...." tumikim muna siya at "....h-his members is waiting for him."

"Really Yanna?! Hm! Oo nga naman. Members!  Bwahahahaha---huk!" binatukan naman niya ang kaibigang mang aasar na. Namula siya ng kahit papano ng may maalala sa sinabi.

Naputol ang pagkwekwentuhan nila nang tumunog ang cellphone ni Yanna. Ang kuya niya tumatawag..

"Hello Kuya?Napatawag ka? Tapos na ba yung inaasikaso mo diyan?"

"Not yet princess, i think i'll stay here for a week. I just want to remind you that take care of Aisha"

"Ofcourse Kuya! What do you think of me?! But now she enjoys Baekhyun' s company. So why bother ye?"

"So they' re together? Nakipagkilala na si Baek kay Aisha?"

"Ha?! Hindi hindi! Oy kuya baka magselos ka ha? Eto na pupuntahan ko na sila"

"Its okay princess, let them enjoy each others crib. Call you later. Bye!"

Naputol ang linya at napatingin na siya sa dalawa.

"Makaalis na nga! Ayaw mo namang sabihin pangalan mo! Tch! Lagot ka sa boyfriend ko pag umaaligid ka pa saken!" Sigaw ni Aisha. Susunod na sana si Baekhyun pero..

"Hep hep hep! Subukan mo!"  Ngunit hindi natinag si Baekhyun at humakbang palapit kay Aisha. Hinihintay niya lamang ang countdown na madalas gawin ni Aisha noon. Hindi niya alam kung magagawa niya pa ito.

"I said stay there! Isa!" napatulala ang binata sa umpisang pagbibilang..

"Susunod ka rin naman pala. Ge Bye! Ah! Total mahilig ka mag eye liner parang si Baekhyun, ikaw na lang ang tatawagin kong Bacon! Hahaha" tuluyan ng napatulala si Baekhyun sa sinabi ni Aisha. Paano niya nakilala ang Baekhyun na sinasabi nito? Hindi ba niya makilala na ang Baekhyun na kinikilala niyang EXO member at kaharap ay iisa? Bumilis ang tibok ng puso ng binata sapagkat nagkaroon siya ng unting pag asa sa dibdib.

"I guess your memory is the one that faded and lost but still your hearts keep reminding every one that you is still our friends, my bestfriend. My Aisha."

----

A/n. I consider myself as a big fan of one of the coolest author, Sweetmagnolia. I just wanna try if i can also write story through narration but i guess, she' s still the best ofcourse she' s the unique and original one who almost her stories is being narrated. Kay. I hope i may not accused that i plagiarize her. I am just amazed.

Anyways! Mga dreamers, yea Dreamers ang tawag sa nagbabasa neto. Vote. Comment. Naman oh. Support is needed =) .

-shannyjae ♥♥♥

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon