Dream Seven ★

106 3 0
                                    

Wala pa ring sawa sa pagbuntot si Baekhyun kay Aisha. Parang nagkaroon ng instant bodyguard ang dalaga. Samantala habang nag eenjoy si Baekhyun ay siya namang pagkairita ni Aisha. Feeling niya ay two timer siya, flirt, dahil wala pa ang kanyang boyfriend ay ibang lalaki ang kasama nito.

Hindi niya rin maabot abutan si Yanna dahil parati itong wala, hindi niya tuloy matanong kung kelan ang uwi ni Kysler. Si Lady Chie ay panay ang ngiti sa kanilang dalawa tuwing madadatnan ito. Napapayuko siya dahil nakakahiya baka malaman ito ni Kysler.

"Ano?! Hanggang Cr susundan mo ko?!" inis na inis na tanong ni Aisha.

"Eh baka kasi mawala ka sa paningin ko e" makulit pa ring sagot ng kasama.

"Kelan ba ko nawala sa paningin mo ha! Ha!? Ang liit na nga ng mata mo pero nakikita mo pa rin ako!"

"Parang hindi maliit mata mo. Parehas lang kaya tayo" bulong niya.

"Arrggggh! Diyan ka lang! Wag na wag kang lalapit sa pintuan ng cr."

Ngunit ngumiti lang ang lalaki at hahakbang na palapit...

"ISA!"

Lakad.

"DALAWA!"

"Okay." Simpleng sabi ni Baekhyun na tila hinintay lang yung bilang ng dalaga.

Sino ba siya? Ano bang ginagawa niya sa buhay ko? Kysler naman uwi ka na. Gumugulo yung tahimik kong buhay ng dahil sa eye liner na lalaking to!

Isang oras mahigit ang tinagal ni Aisha sa Cr sa pagaakalang nainip ang kasama pero diyan siya nagkakamali..

"Andyan ka pa rin?! Oh my freak! Ano bang gagawin ko sayo! Papapulis na ba kita?!" nagpapadyak padyak na sabi ni Aisha. Salubong na salubong ang kilay niya at mayat maya ay napapasabunot sa buhok.

"Kyeopta..." bulong ng binata..

"Ikaw! Sabihin mo nga saken ang pangalan mo!"

"Baekhyun." simpleng sagot ng binata. Napaamang naman ang babae sa pagpapakilala nito. Natulala siya at nag isip isip. Ang minsang larawang nakita niya sa cellphone ng ate niya ay walang eye liner o make up.

"Alisin mo nga yang eye liner mo." mahinahong sabi ni Aisha.

Sinunod naman ito ni Baekhyun at napapangiti sa isip. Makikilala mo na rin ang sinusungit sungitan mo! Bulong niya. Napaisip naman si Aisha na kung siya nga yun ay isang malaking kahihiyan ang mga pinaggagawa niya sa kasama, pero sa kabilang banda hindi naman siya nagpakilala kaya no burden, pagkukumbinsi ni Aisha sa sarili. Ngunit napagtanto niya na bakit nandito ito? Bakit si Aisha ang nilalapitan? Bakit hindi ito pinagkakaguluhan gayong sikat naman siya?

"Oh, yan. Naniniwala ka na ba?"

Napapahiyang tumango si Aisha at may narealize siya. Kaagad niya itong hinila sa playground at nagtago sila sa ilalim ng puno. Naguguluhan ngunit sumama siya sa babae.

"Ikaw si Baekhyun?! As in yung member ng kpop group sa Korea? EXO?! Yung kinahuhumalingan ng Ate ko?! Paano ka napunta dito? Bakit?! Paano pag nakilala ka nila? Pagkaguluhan?! May mga sasaeng fans! Bashers! Tyka baka may rumors na mabuo" diretsong sabi niya sa binata. Lihim na napangiti ang binata sa inasal ng dalaga na animo'y nagpapakita ng concern.

Huminga muna ng malalim si Aisha dahil sa diretsong pagsasalita. Nanatili ang katahimikan kaya bigla siyang may naalala. Huwag ko na raw pakealaman ang EXO? Yan ang sabi ni Ate. Pero bakit? Anong connect ng sinabi na yun ng Ate niya sa biglaang sulpot ng katabi?

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon