Love Letter (One Shot Story)

1.7K 58 87
                                    

Dahil Birthday ko. Eto na yung magandang present sa inyo.

Hi ate EijeiMeyou! This is for you! ♥

----------------------------------

Love Letter

Kumakaen ako ng snacks ko habang naglalakad papunta sa room ko nang makita ko na may isang lalaking nakasumbrero na nanggaling sa room namin palabas. Wala pa namang tao sa room namin para pumunta sya doon. Pero okay lang naman yun. Kasi wala namang syang bagay na mananakaw dun. He is not familiar. At dahil di rin ako palakaibigan. Di ko rin kilala masyado ang karamihan ng kaklase ko. At baka nga kaklase ko yun.

I am an expert loner. And I am not afraid to face the world alone.

I don't need anybody. I can face anything.

I am Camille Sanchez, 15 years old and a 4th year high school student. Isa ako sa estudyante ng Pilot section.

Kasalukuyan na akong maglalapag ng bag ko ng makita ko ang isang red at heart shape na folded paper. Na nakalagay sa sulok ng upuan ko. Bago pa man sya maipit ng malaki kong magandang bag. Kinuha ko ito.

Di ko mapigilang ma-amaze sa pagkakafold nito. Bakit ako na-amaze? Simple.Kasi di ako marunong gumawa nito. Habang tinititigan ko ng husto ang origami na ito napansin kong may nakabakat nakasulat sa loob nito.

Sinuri ko ng maigi ang papel kung paano ko ito bubuksan at nung makita ko na kung saan ko sya  sisimulang buksan. May napansin akong nakasulat sa likod nun.

"For Camille ♥"

Hmm. May karapatan pala akong tignan ang papel na ito. Dahil may pangalan ako sa papel na ito.

Habang binubuksan ko ang papel. Nararamdaman ko ang matinding kaba sa sarili ko. Di ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman yun pero ewan basta naramdaman ko na lang.

Nang mabuksan ko na ang papel. Di ako ganon ka interesado sa nilalaman ng sulat na ito pero interesado akong malaman kung kanino ba naggaling ang sulat kaya naman tinignan ko agad ang ibabang parte ng sulat pero nabigo ako. Kasi ang nakasulat dun "LOVE, Anon"

E ibig sabihin. Anonymous sya. Hay.. T___T

Umupo ako para basahin ang nilalaman ng papel na ito.

At ito ang nilalaman ng sulat.

Dear Camille,

I wrote you this letter because I felt that I love you. And nothing else. I realized that I love you tuwing nakikita kitang nasa canteen. I can't live without seeing you. I only wanted you to know that I love you. Di mapanatag ang loob ko na hindi ko masabi sayo na mahal kita. Di ko alam kung pano ko sasabihin na mahal kita kasi di ko pa naman kaya magpakita sayo. Kaya naman naisipan kong magsulat ng letter at iparating sayo. Sa tamang panahon.  Makikilala mo din ako. Makilala mo man ako o hinde, patuloy pa rin akong magpaparamdam sayo. Sa loob ng linggong ito. Baka magkalakas na ako ng loob na magpakita at magpakilala sayo. Give me 5 days to prepare myself na magpakilala sayo. Pero kasi parang wala namang dahilang magpakilala pa ang isang tulad ko. Dahil alam kong di mo naman ako mapapansin. Dahil madami ng nagpapapansin sayo. Pero eto lang ang masasabi ko. Mahal kita. At makikita mo rin ako sa tamang panahon. I love you Ms. Camille Sanchez!

Love,

Anon ♥

Napangiti ako ng matapos kong basahin ang letter na bigay ni Anon. Wow huh? 5 days? At talagang nilimitahan pa nya sarili nya bago sya magpakita sa akin ha? Nakakatawa lang talaga.

Love Letter (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon