CHAPTER ONE

42 3 0
                                    

CHAPTER ONE "DESTINED TO BE HURT"


(Warning: Scenes that were written in the story is the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just a fanfiction.)


It's been a month since I left that hell of a life. Sa Baguio ako napunta, hindi ko kasi alam kung saang malayo ako pwedeng mapadpad. Isang buwan din makalipas nang makarating ako dito ay nalaman kong Buntis ako, nahirapan akong tanggapin pero kailangan kong panatilihin ito at harapin ang mga susunod na araw habang bitbit ko ang batang nasa sinapupunan ko. Gamit ang perang ipinadala sa akin ni Papa ay nakabili ako ng isang hindi masyado kalakihang apartment dito sa Baguio. Naging maayos naman lagay ko may nakakasama rin akong katulong dito sa apartment na nabili ko para hindi ako mahirapan masyado sa mga gawain habang nagbubuntis ako.


Lumipas ang limang buwan, naging maselan ang pag bubuntis ko kaya talagang nagpapasalamat ako kay Ate Kay dahil nagagabayan niya ako, may tatlong taong gulang anak din si Ate Kay sa edad na 25 kaya nagagabayan niya talaga ang pagbubuntis ko, minsan ay kinukwentuhan niya ako ng mga karanasan niya sa pagbubuntis. Alam ko na mahirap lalo at sa edad kong labing anim. Araw-araw kami nag lilibot ni Ate Kay dito sa Isla na nabili namin 2 buwan nang nakaraan. Tahimik, at wala talagang ibang tao kaya makaka-asang mapayapa ang paligid.Si Ate Kay ang nag asikaso sa lahat dahil graduate naman siya sa Business Ad kay alam kong kaya niyang makipag argumento sa mga bagay na ganun, related sa selling. Gaya ko ay pinagbuntis at pinalaki din niya ang kaniyang anak nang walang ama. Malungkot man isipin na hindi magkakaroon ng kompleto ang magiging pamilya ng anak ko, sisiguraduhin ko naman na magiging masaya ang munti niyang pamilya.


Titig na titig ako sa maamong mukha ng aking anak, isang lingo narin ng makalabas ako ng hospital galling sa pagpapanganak. My son, Tadeo Frederick Santos, but I love to call him Tada, he's so gorgeous, hindi mapagkakaila na anak siya ng dati kong kasintahan, kuhang-kuha nito ang mukha ng kaniyang ama, he only got my lips, my very pouty lips.

Nung una ko siyang mahagkan ay nakaramdam ako ng pangungulila, hindi ko lang maiwasan isipin ang mga kaibigan ko at ang ama ng anak ko, sana kasi sila ang unang makakakita sa anak ko, pero what's the point of thingking about them. Masama parin ang loob ko sa ginawang pagtalikod nila sa akin. I was hurt by their stares and words but I think this long time away from them can help me move on from them.


"Baby, let's fight together." That was my words for my baby.


Hindi naging sakitin si Tada, my baby. Malusog na malusog ang anak ko at mabilis itong natutong lumakad, he's now my 1year old baby, mabilis ang panahon at napapabilis din ang araw na kailangan kong iwan ang anak ko kay Ate Kay.


I've decided to join military and to do that I need to give Tada's custody to Ate Kay, kailangan ko din kasi kumita para hindi din ako masanay na umasa sa pera ng Ama ko. I was scheduled to enter military by next month and leave Tada with Ate Kay and her daughter Khloe. Alam ko na hindi pa maiintindihan iyon ng anak ko sa ngayon pero sana sa pag dating ng panahon ay maintindihan niya ako kung bakit kailangan kong umalis.


And about my biological father, hindi ko alam kung patuloy parin ba niya akong hinahanap hanggang ngayon, wala kasi talaga akong naiwan at iniwang bakas para matuntun niya ako, I now wonder if fate have all the energy to play with me. I'm too tired to wait and be in a toxic weather so I chose to just go with the flow because if it's our time to meet then we'll meet pero pag hindi pa edi mag-antay tayo sa tamang panahon pero sa ngayon hindi naman ako nagdadamdam wala akong sama ng loob dahil masaya naman ako kasma ang pamilya ko ngayon.

Destined To Be HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon