Chapter one

4 0 0
                                    

Minsan naiisip ko na bobo ba ako? Bakit hindi ko maintindihan lahat ng major subjects ko? I mean, nakikinig naman ako palagi tapos kapag may assignment nasasagutan ko naman. Yun nga lang tuwing exam, ee laging bagsak o pasang-awa ang score ko. Sabi nung professor namin, kung hindi daw namin mahal itong kurso namin, ay umalis na kami habang maaga pa dahil hindi daw kami magtatagal dito. I shrugged it off dahil bukod sa ito ang gusto ni daddy para sa akin na wala akong magagawa kundi sumunod, wala naman akong ibang kurso na ipapalit. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto ko at hindi ko na rin pinag-isipan dahil alam ko naman na si daddy pa rin ang masusunod na hindi naman masama para sa akin dahil alam ko naman na kahit saan ako ilagay ay makakasurvive ako. Pero ito nga, nasa first year palang ako pero nahihirapan na akong makakuha ng pasadong score sa exam.


15/45

Ipinasa ko iyong answer sheet ko tapos ay lumabas na ng classroom. Hindi naman na masama ang score ko dahil iyong pinakamatalino nga sa amin ay 30 lang ang score. 15 points lang ang lamang niya sa akin.

Nang nasa labas na ako ay hinintay ko lang iyong mga kaibigan ko dahil may gala kami ngayon. Biyernes kasi meaning walang klase kinabukasan kaya pwede kaming magwalwal. Ang paborito kong kakambal ng kalayaan ko.

"Hoy! Tara na! Group study na tayo!"
Nagtatawanan sila ng makalapit sa akin. We know what group study means in our group kaya nakitawa rin ako.

"Saan tayo magu-group study?" Tanong ni Dylan. He's my classmate at matalino naman kahit papaano. Sa kaniya ako nangongopya minsan ng assignment.

"Na-try nyo na ba dun sa bagong bukas? Doon malapit sa uste? Doon nalang tayo!" Suggest ni Macmac. Palibhasa ay may nililigawan siya na taga-UST pero ayaw ko doon kasi doon nag-aaral si Nicolai baka magkita pa kami kaya nakialam ako.

"Wag doon. Sa Tagaytay nalang us? Road trip! Game?" Kinurot ko sa tagiliran si Shane na nasa tabi ko for support.

"Oo nga! I don't feel like drinking today. Plus i am craving for some bulalo. Let's g!"

"Good idea mah friend! Let's do Mukbang! Bu-la-lo! bu-la-lo!"  Nagliliwanag ang mata ni Benny at napapalakpak pa bago kami akbayan ni Shane habang nagcha-chant ng bulalo.

"Ang sabihin mo pagkakakitaan mo na naman kami sa mga vlogs mo gago!" Natatawang banat ni Jimboy at natawa na rin kami.

Umangal pa si macmac pero dalawa na kami ni Benj na sinamaan sya ng tingin kaya sa huli ay natuloy kami sa tagaytay. We used Jimboy's auto at nagkasya naman kaming anim sa loob. I am really happy with my new found barkada kahit na sobrang ingay nila kasama na minsan ay nakakahiya na. Palakaibigan akong tao kaya marami akong kaibigan pero iba pa rin itong mga siraulong ito dahil marami akong naranasang first time dahil sa kanila. Siguro nga kasama ito sa tinatawag kong freedom.

Madaling araw na nang makauwi ako sa unit ko at bagsak kaagad ako dahil sa pagod. Paano ba naman naisipan nilang mag-EK noong pauwi na kami kaya ayun sinakyan namin lahat ng rides. Nasuka pa nga si macmac noong pagkatapos namin sa space shuttle. Parang tanga kasi alam na marami siyang nakaing bulalo tapos siya pa nagyaya mag-EK. Anong akala niyang sasakyan namin doon? Carousel?

Pagod man pero masaya pa rin ako. Noong nag-lunes ay balik aral na naman. I really tried to listen carefully this time. Nagtake-down notes pa ako at feeling ko naman ay naintindihan ko pero noong nag-seat work ay mababa pa rin ang score ko. Bakit ba kase iba iyong itinuturo sa ipinapa-seat work. Kaines. Pero hindi ko naman masyadong dinamdam dahil kaya ko pa namang bawiin iyong sa final exam. At hindi naman ako nage-aim for Laude. Ang sabi lang naman ni daddy ay makuha ko iyong CPA title. Mahaba pa naman ang taon atsaka hindi naman siya istrikto sa grades.

Pumunta ako starbucks sa tabi lang ng school para bumili ng frap. I was waiting for my turn when I heard a commotion just behind me. Out of curiosity, i took a peak because it isn't everyday that you'd get to witness a commotion inside the starbucks where most of the students usually go to study. I'm really curious about what's happening because I am hearing loud shrieks of female voices. Baka lang may gwapo. Iba kase iyong gwapong tinitilian dito, kapag ganon siguradong sobrang gwapo nga kasi iyong mga artista nga dito ay dinadaan-daanan lang. Maybe it's a new face at kailangan kong makita iyon! Kinalimutan ko na ang totoong pakay ko sa starbucks, nilapitan ko na iyong pinagkukumpulan.

"I'm sorry... What?" Malakas ang pandinig ko sa mga gwapong boses kaya sure ako na gwapo ang nagsalita kahit na maingay pa rin iyong mga babae na nakapalibot. Napansin ko rin na may mga lalaking naka-uniporme ng Ateneo JHS. Psh. Mukhang totoy pa ata. Nevertheless, i still want to see what's causing this commotion so I pushed those who are blocking my sight away. Nagreklamo ang ilan pero they were so engrossed with what's happening so they didn't pay much attention. Nanood nalang rin ako lalo na't napatunayan ko na may gwapo nga. As in, sobrang gwapo. Kaso mukhang suplado. The guy is sitting alone on the table in the center of these noisy crowd. He looked caught off guard and pissed. From what I heard, someone is doing a confession to him. Ang ipinagtataka ko lang ay kung sino dahil wala naman akong nakikitang babae na malapit...ohh unless it's a guy. Oh, it's a guy and...

"Go, Nate! You can do it!"

Someone cheered from the crowd or somewhere. I don't really care because what's in front of me is too much of a scene to grasp and keep me sane. What in the fucking hell is going on! Why is my snob of a brother in front of that hottie? And what the fuck? Didn't i just heard about a confession earlier?

Hindi ko na nakayanan at lumapit na ako. Wala na akong pakialam kung gwapo iyong lalaki at type ko pa. I just want to know what the hell is going on with my little brother.

"What is this Nathan?!" I roared and my brother turned to look at me flustered.

"W-what... Oh shit! It's not what you think." Nathan's face was red and he looked like he's about to lose his sanity but i couldn't care less. He is my little brother for goodness sake and I don't want him to be embarrassed for the rest of his life so I'm going to stop him from getting rejected because from the looks of it, i can tell that the handsome fella right here will going to reject him.

"No! You're going to have a lot of explaining to do when we got home. Let's go!" I was about to drag him out of the crowd and do what i've always been good at which is walking out when someone did it first.
Saglit akong napatulala nang tumayo iyong gwapo at nauna pang umalis without even saying a word. Without even THROWING ME A LOOK. What the hell! Ang suplado! Is he gay? Am i not pretty enough to deserve a single look? Parang ako pa ang nahiya ngayon. Parang ako iyong nareject!

"Natalia! Ano bang ginagawa mo?" I can sense annoyance to how Nathan sounds when he called my attention.

Tinapunan ko sya ng masamang tingin pero agad ding lumambot noong maalala ko kung ano nga bang nagtulak sa akin na gawin ito. I sighed. "Let's just talk at home, okay? Don't worry, I accept you for who and what you are. I'm not going to tell dad."

"That's just...Geez. For the love of fuck! It's not what you think..."

I just gave him a warm smile hoping that it will help make him feel good. Tinapik ko ang balikat nya tapos ay lumabas na.






I am not going home until i know who that guy is!

--

Please Don't Lie, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon