Prologue

0 0 0
                                    

"During this time of the Century, nangangailangan na ang mga tao nang mga produktong nanggaling mismo sa pinagkuhanang farm, customer was more into fresh harvest and good quality of a product than sugarcoated products whose not highly qualified"

Nakikinig lang ako sa presentation na ginawa nang marketing team nang kompanya para mas mapalago ang kompanya namin. I was silently sitting in a center swivel chair.

"It'll be different to our marketing if we cannot compose the basic needs of the consumers, so we must propose product that certainly adopt their attention,"

Marami pang mga bagay ang pinagsasabi nang presentors. Nakikinig lang ako at tinatatak nang mabuti ang mga sinasabi nila.

Hindi din nagtagal at natapos na ang meeting.

"Thank you so much for coming young Mr. Martin, malaking bagay po ito samin," kinamayan ako nang nagpresent na grupo.

Tumango ako sakanila at kinamayan sila pabalik. "I represent the presence of my Dad so its my duty to came here"

Ngumiti nang malawak ang lalaking nag presenta kanina.

"But thank you for your presentation, I've learn a lot," saad ko.

"My pleasure Mr. Martin,"

Agad naman kaagad nagsialisan ang mga board. Huli akong tumayo sa inuupuan para dumiretso na sana sa elevator sa parking para umuwi sa bahay nang tawagin ako nang sekretarya nang Daddy.

"Mr. Grae, pinapapatawag ka ni Mr. Martin" saad nang nasa mid 30s na babae.

Tumango ako at dumiretso ako sa office nya. Tiningnan ko ang wrist watch ko at napagtantong late na ako sa laro namin nang kaibigan ko.

Iam not really part of the board, nasa meeting ako dahil may mahalagang gagawin si Daddy at hindi sya makakadalo, ako ang pinadalo nya. Binigay ko na sa sekretarya nya ang copy nang pinresent kanina kaya di ko alam kong ano pa kailangan nya sakin.

"Dad," saad ko pagkapasok sa office.

"Son, came here" agad na napatayo si Daddy nang nakita ako. Kumunot ang noo ko sa frustration nang mukha nya.

"May problema ba?" Tanong ko.

Lumapit sya sakin at tinapik ang balikat ko. "We need to discuss something Son," bumuntong hininga sya at dinala ako paupo sa sofa. "Its about our business,"

"What about our business?" Mas lalo akong naguluhan.

Kumunot ang noo ni Daddy at tumayo ulit ito naiwan akong nakaupo sa sofa. Hindi sya mapakaling tumayo sa harap ko.

"Dad whats wrong?" Nag aalala kong saad.

Malakas syang bumuntong hiningabago nagsalita. "Our business is failing," una nyang saad.

Natigilan ako. Pinoproseso ang sinabi nya.

"What?" Naguguluhan kong saad.

"Unti unti nang nabubunkrupt ang kompanya natin Grae,"

Napasinghap ako nang napagtanto ang sinabi nito.

"How did this happen Dad?" Medyo inis kong saad. Hindi ako makapaniwala. I may be not part of the company for now but still Iam in a middle of training myself to be more good at business field at di ako makapaniwalang mapupunta ang lahat nang pagod ko don para sa lang naluluging kompanya.

Hindi agad nakasagot si Daddy at nasapo ang noo.

"Are you in debt?" Diin kong tanong.

Umiling kaagad sya sakin. "Hindi, I've never been,"

Catching my addiction Where stories live. Discover now