"Nandito na tayo," agad na nakangiting saad ni Sasha ang bumungad sa paggising ko nang tumigil na ang bus. Kanina pa ako nagrereklamo sa taas nang byahe kaya ay agad nya akong ginising sa konting tulog nang makarating kami.
Kinusot kusot ko ang mata ko at tiningan ang paligid. Saglit pa akong tumulala bago nagsalita sa kanya at natauhan sa sinabi nya. "Finally, " tumayo ako ininat ang braso, kinuha ko agad ang bag ko. Inunahan ko kaagad si Sasha palabas.
"Uyy Grae, hintay naman" agad na sumunod sya sakin. Hindi ko naman sya pinansin hanggang makababa ako sa bus.
Hinawakan nya ang braso ko kaya napahinto ako.
"Tinatakasan mo na naman ba ako?" Saad nya habang habol ang hininga, inayos nya ang bag na dala dala.
"Sasha, hanggang dito na yang kadramahan mo, aalis na ako, maghihiwalay na tayo tama na yan," agad ko syang tinalikuran para iwan.
"Hiwalay agad? Wala pa ngang~" hindi nya ito tinapos. "Anyway, Grae naman, please"
Napabuntong hininga ako. Ayoko sa lahat ang taong makulit. "How much money do you need para tigilan ako?" Hinarap ko sya.
Nanlaki ang mata nya at di makapaniwalang tumingin sakin. "Anong tingin mo sakin, scammer? Binubuntutan kita para magkapera?"
"Ouh eh kong ganun ano? Ano kailangan mo? Trip mo lang ba ganun?"
Ngumiwi sya. "Napakasama nang ugali mo Grae, gusto ko lang naman nang kasama para sa birthday nang kaibigan ko, napaka arte mo talaga! Kong ano ano na agad iniisip mo nakikipagkaibigan lang naman ako" Inis syang nagmaktol.
"Ayokong makipagkaibigan sayo" saad ko at aalis na sana nang hawakan nya ulit kamay ko.
"Akala ko ba friends na tayo sa bus kanina?" Sunod nya.
Umiling ako. "Hindi pa, at hindi kailanman"
"Grae, kainis naman e, teka lang, grabe ka na sakin ah"
Inis akong napabaling sakanya. "Ano ba kasi kailangan mo sakin"
"Ililibre kita nang lunch, alam kong gutom ka na dahil nagsasalita ka nang pagkain habang tulog, kaya wag mo akong tanggihan" saad nya.
Gulat akong napalingon sakanya. "Nagsasalita nang pagkain habang tulog?" Di makapaniwalang saad ko.
"Oo, diba sabi mo pa gusto mo nang~"
"Shh~" pinatigil ko sya. "Wag mong sabihin ang mga sinabi ko," napapikit ako sa hiya. "Sige, sasama na ako sayo"
Ngumisi kaagad sya. "Talaga?"
Umirap ako. "Ayaw mo ata~" aalis na sana ako nang hilahin nya ulit ako pabalik.
"Teka lang, kahit kailan napakaarte mo," ngiwi nya at sya na mismo humila sakin papunta sa ibang direksyon.
Di ko akalaing unang araw ko dito sa Esperanza ganito na agad ka hirap. Parang gusto ko na agad bumalik sa Manila.
"Malapit lang dito ang pupuntahan natin kaya di na tayo sasakay nang tricycle" saad nya sa sarili. Walang gana naman akong nakasunod sakanya. At may napansin din akong kakaiba dito, halos lahat nang tao lumilingon samin. Anong nangyayari?
"Nandito na tayo," maligayang saad nya kaya napatingin ako sa restaurant na may maraming nakalagay na kulay white and light blue na design. May nagkukumpulan din don sa may gitna banda. Mukhang nirentahan ang buong restaurant sa isang birthday.
Pumasok agad kami at napangiwi ako nang sumigaw ang katabi ko.
"Jennie, Oh my god Happy birthday," excited syang tumakbo sa babaeng mukhang syang may birthday dahil sa binati nya ito. Iniwan nya naman ako.
YOU ARE READING
Catching my addiction
RomanceGrae Martin was force to move in Esperanza for business purposes, and beside to that, his also excited to meet again, for the very long time, his childhood crush Natasha Acosta. What will happen if the girl he expect turns out to be different? Will...