Nakapamaywang akong nakatingin kay Sasha ngayon na gulat pa din sa pagkikita namin ulit. Pilit nya pang kinurot ang sarili at hinahawakan ang braso ko para masiguradong totoo ako.
Irap ko ang nagpabalik sakanya sa realidad at agad na binigyan ako nang masamang tingin.
"At bakit mo ako hinulog? Ang sakit Grae ha! Pwede naman na ibaba nang tama, di yung basta basta nalang nanghuhulog!" Inis nyang saad.
"Bakit ba kasi ikaw ang kapitbahay ko!?" Inis kong utas.
Kumunot ang noo nya at striktang tinuro ako. "Excuse me, dapat nga na magpasalamat ka na kapitbahay mo ako at may makakasama ka dito, o diyan," tinuro nya ang bahay ni Lola. "Gusto mong mag isa ka sa malaking bahay na yan? Di ka takot sa momo,"
Kumunot noo ko sa mga pinagsasabi nya.
"Mas natatakot ako sa mga maiingay, nakakatakot dahil baka walang katahimikan ang ang pamumuhay ko dito,"
Sinamaan nya ako nang tingin. "For the second time around, di ako maingay, may sense sinasabi ko" inis nyang saad.
Napailing ako at pagod syang tiningnan. "Really Sasha? Ilang beses mo bang ipagtatanggol ang sarili sa pagiging maingay? Ni walang katotohanan pinagsasabi mo!"
"Huy Mr. Martin! Oo alam kong Martin ka dahil pamangkin ka ni Sir Fernan," saad nya. "Syempre ipagtatangol ko sarili ko dahil alam kong tama ako, lalo na sa katulad mo na walang katuturan ang pinagsasabi, feeling mo!" Irap nya.
Pagod akong napabauntong hininga sa gitna palang nang sinasabi nya. "I don't want to start a damn fight!" Tinalikuran ko kaagad sya bago pa nya simulan ang kabaliwan nya.
Hinila nya naman ako pabalik. "Huy wag ka nga muna umalis, palagi ka nalang nag wawalk out, kakapagod kang habulin alam mo ba?" Ngiwi nya.
Kumunot ang noo ko. "Mas nakakapagod kang kausapin,"
"Napakasama mo talaga heh," masamang tingin nya at agad na kinuha ang kamay ko para patigilin sa paglalakad.
Pagod akong napabuntong hininga. "Aalis ako Sasha, marami akong gagawin. Aayusin ko pa yung gamit ko sa kwarto, kaya pwede ba wag ka nang manggulo,"
"Ang aga pa naman,"
"Kailangan ko ba bang hintaying gumabi?" Sarkastiko kong saad.
Ngumiwi sya. "Hindi, pwede namang mamaya na,"
Kumunot noo ko. "Tss,"
Hinablot ko kamay ko at tinalikuran na sya paalis. Palabas na ako sa gate nilang hanggang bewang na stainless steel na kulay puti. Sumunod naman sya sakin.
"Ano ba kasi gagawin mo?" Sunod nya.
Napairap ako. "Mag aayos nang kwarto at marami pang ibang di mo na malalaman," nilingon ko sya. "Bakit ba nakikialam ka?"
"Nagtatanong lang nangingialam na kaagad?" Ngiwi nya.
Ningiwian ko sya at agad na naglakad papunta sa kotse.
"Napaka oa talaga," bulong nya.
"Aalis ako papuntang Centro, mag aagahan!" Saad ko. "Masaya ka na?"
Nagulat ako nang hilahin nya ako.
"Sasha ano ba?" Inis kong saad.
"Mag aagahan ka lang pala, di mo agad sinabi"
"Huh?"
"Sa bahay ka na kumain total naman kapitbahay bahay tayo at kararating mo lang, welcome offering ko nalang sayo," ngisi nya.
YOU ARE READING
Catching my addiction
RomanceGrae Martin was force to move in Esperanza for business purposes, and beside to that, his also excited to meet again, for the very long time, his childhood crush Natasha Acosta. What will happen if the girl he expect turns out to be different? Will...