CHAPTER ONE

7 0 0
                                    

"Elle......"hindi ako nag salita at hinintay na lang ang sasabihin nya.".......I think you should transfer to another school."sa gulat ko dahil sa sinabi nya ay bigla akong napatingin sa kanya.

Bakit??Bakit pa??

Wala namang dahilan para lumipat pa kami pero bakit biglaan naman ata ang pag dedesisyon nya.

Nagtaka pa ako ng makita sya.....naka upo lang naman sya sa sofa pero parang sobrang pagod na pagod sya at parang kinakabahan.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side nya kaya sobra talaga akong nag tataka.

Kagagaling ko lang sa school tapos ito yung biglang bubungad sa akin......ang balak ko pa naman sana kanina ay pagdating ko dito ay tutuloy agad ako sa kwarto at mag papahinga.

"Bakit parang biglaan naman po ata,Ate Lyka?"hindi ako mahilig makipag usap pero dahil sa biglaang sinabi nya ay talagang na curious ako.

Nang tuluyang mahubad ang sapatos na sout ay agad akong nag tungo sa single sofa malapit sa inuupuan nya.

"Hindi ka na ligtas dito,Elle........."yun lang tapos tumigil na sya sa pag sasalita.

Naiinis at nauubusan na ako ng pasensya dahil pinapa unti unti pa nya ang sinasabi kung pwede naman nya iyong ipag patuloy na lamang.......pa suspense pa.

"Sabihin mo na lang kasi ng diretso............"pinipigilan ang inis na sab ko kaya naman napabunting hininga sya."Paanong hindi na ako ligtas?"

Tinitigan ko ang mata nya.Basang basa ang lungkot at pag aalala.Bakit ba kasi?

"A-lam na nang taong nagpapatay sa mga magulang mo na buhay ka at nasisiguro kong sinisimulan na nila ang paghahanap sayo.....k-kaya hindi ka na maaaring mag tagal pa dito dahil kapag nahuli ka mawawalan na ng pag asa ang mga taong nag hihintay sayo......ang mga taong inaasahang babalik ka at mailigtas ang mundo kung saan ka nararapat."mahabang paliwanag nya.....kaya nangibabaw ang isang katanungan sa akin.

A-anong ibig nyang s-sabihin??

"A-ano bang sinasabi mo?H-hindi kita maintindihan!Nahihibang ka na ba?Huh???"inis na talagang tanong ko.

Sana ngay hindi tama ang naiisip ko.Sana ngay mali ako.Sana ngay mali lamang ang nadinig ko.

"H-hindi sila normal na tao lang,Elle........."sabi nya na lalong nag pagulo sa utak ko.".........m-mga diwata sila...."parang lalo akong nawala sa srili dahil sa narinig ko..........saglit na katahimikan"........na hindi kayang pumatayy ng isang simpleng tao lamang......."doon na ako lalong natigilan.

Then that means......

"H-hindi sila ang mga magulang mo,Elle."biglang sabi nya ulit.

What?!!!!Fuck!!!!!

I want to speak but theres no word coming from my mouth.Para bang naka tahi na iyon at ayaw ng bumuka.

"Oo,fairy din sila pero isa lang silang ordinaryong fairy na pilit na itinatakas ka sa mga dark fairy pero hindi ko din alam kung bakit.........siguro ay napaka importante mo............hindi sila ganoon kalakas upang lumaban sa mga Dark Fairy,kaya agad silang..."tumigil sya sa pag sasalita at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay kita kong tumingin sya sa akin.....dinig ko pa ang malakas nyang pag buntong hininga at saka nag patuloy.".......natalo at namatay."pahina ng pahinang sabi nya.

Hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong nasasaktan din sya para sa akin dahil nalaman ko na ang nag alaga at nag palaki sa akin sa loob ng sampung taon ay hindi ko pala tunay na mga magulang.

"Ibig sabihin......i-isa din akong f-fairy???"mahinang tanong ko pero sapat na upang mapa kinggan nya.

Natigilan naman sya na ipinagtaka ko na naman.Ang gulo nyang kausap.Haysst.

"H-hindi,Elle........"sabi nya.Paanong nangyaring hindi ako isang fairy kung ang mismong mga magulang ko ay fairy..........papaanong nang yari iyon.".........ikaw mismo ang kailangang maka-alam kung ano ka ba talaga."sabi nya saka nag mamadali nang tumayo.

Hindi kinakaya ng utak ko ang mga sinabi nya.Ang gulo.Hindi ko maintindihan.

"Sya nga pala....."nagulat ako sa biglang pag balik ni Ate Lyka sa living room.".......ayusin mo na lahat ng mga gamit mo dahil bukas ng umaga ay aalis na tayo."sabi nya saka tuluyan ng umalis.

So,hindi na talaga mag babago ang isip nya.....lilipat nga kami.....sana lang ay madali akong maka adjust sa lugar na pupuntahan namin kung hindi ay agad agad talaga akong mag yayaya ka Ate Lyka pabalik dito.

Kahit na hindi pa din nag si sink in ng maayos sa utak ko lahat ng sinabi Ate Lyka ay pinilit ko na lang na kalimutan muna ito.

Siguro ay kailangan ko muna ng kahit na kunting pahinga para maging maayos ang pag iisip ko.

Naglakad na ako paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok ay nakita ko naman si Ate Lyka na kalalabas lang ng kwarto nya......pababa na sya ng hagdan pero napansin nya siguro ako kaya tumingin sya sa akin.

Nginitian nya lang ako at nagpatuloy na sa pag lalakad..............napabuntong hininga na naman ako saka tuluyan ng pumasok sa kwarto.

Hinubad ko na ang uniform ko at nag diretso sa banyo upang maligo.........siguro ay inabot na ako ng kalahating oras doon dahil sa pagka lutang ko.Wtf!!!

Nagsout lang ako ng black na pajama at white over sized t-shirt saka pinatuyo na ang buhok ko.

Pagkatapos ay basta basta ko na lang binagsak ang sarili sa kama at doon ko lang naramdaman ang sobrang pag kapagod kaya hindi ko na namalayan na nakatulogna pala ako.

*Sophia Lyka POV*

Matapos ang napag usapan namin ni Elle ay agad na akong umalis dahil kapag nag tagal pa ako ay sunod sunod na tanong ang ibigay nya sa akin.

At kapag nangyari yun ay hindi ko din alam kung anong isasagot ko dahil wala din akong alam...........basta ang alam ko lang ay kailangan kong alagaan si Elle dahil utos nya sa akin iyon.

Kumuha lang ako ng hoody jacket at saka lumabas ng kwarto ko.........napansin ko naman si Elle na nakatayo lang sa harap ng kwarto nya kaya nginitian ko lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko din alam kung saan ako pupunta.........ang gusto ko lang naman ay magpahangin.

Habang naglalakad lakad ako hindi pa kalayuan sa bahay namin ay biglang may sumabay sa akin sa pag lalakad.......hindi na ako nagulat.....lagi naman.

"Ano ang kailangan mo?"panimula ko..........mahaba haba na din kasi ang nalalakad namin pero hindi ko pa din sya nadinig na mag salita.

"So,you made up your mind?"He asked.Inaasahan ko na ang tanong nya kaya hindi na ako nagulat.

"Yeah......."sagot ko hindi naman sya nagsalita pero batid kong nag hihintay sya ng sunod kong sasabihin."Aalis na din kami bukas ng umaga dahil naayos ko na naman ang mga papeles nya nung isang linggo pa lang."

"Why??"yun lang ang naisagot nya.

Nakaka bwesit talaga tong kausap......pag mag tatanong ka,mag tatanong din sya....... kapag sasagot ka naman,tanong din ang isasagot nya.

Hindi na lang ako nag reklamo at sinagot na lang ang tanong nya.

"You are the one who convince me in this,so why are you asking me,why?"mahinahon pero may diing sabi ko.

"Tsss.............why did you change your mind?"ohhh kitams......tanong na naman.

"Her life is in danger."nakita ko naman na parang nagulat sya pero nawala din agad iyon at naging poker face na ulit.......as always."I thought alam mo na?"

Hindi sya nag salita imbis ay bigla na lang syang nag laho.Bastos talaga kahit kailan........kausap pa eh.







DARK FAIRYWhere stories live. Discover now