*Winter Elle POV*
Nagising ako dahil sa nadidinig kong tuloy tuloy na kalabog sa pinto ng kwarto ko.
Ano ba?!Ang aga aga naman eh!
"Elle,maghanda ka na,mamayang alas otso ay aalis na tayo!"dinig kong sigaw ni Ate Lyka,hindi ko sya sinagot.
Kinapa ko ang cellphone ko sa side table bago iminulat ang mata ko.
Bigla akong napatayo.......the heck!!!
Bakit ngayon lang kasi sya nambulabog?!
Mag aalas syete na pero hindi pa ako nakakapag gayak ng mga gamit ko......ni ang pag intindi sa sarili ko ay hindi ko pa nagagawa.Fuck!
Kung sabagay.............sanay na naman akong hindi nag aayos ng sarili ko kaya okay lang.
Tuluyan na akong tumayo at nag punta sa banyo nag hilamos lang muna ako.
Kumuha lang ako ng isang hindi kalakihang sports bag at naglagay ng ilang mga damit......siguro ay puro over sized t-shirt lang yun at mga fitted na rip jeans.....ganun lang naman halos ang mga damit ko dahil ganun lang ang mga gusto kong suotin.
Kinuha ko din ang backpack ko at inilagay dun ang ibang gamit........hindi na ako nagdala ng madami dahil ayaw ko din namang mag buhat.
Pag katapos ayusin ang gamit ko saka ako pumunta sa banyo at naligo na........hindi na ako nag tagal dun dahil pag nag tagal pa ako ay siguradong sisirmunan na naman ako ni Ate Lyka.
Paglabas ay kinuha ko na ang naka prepare kong damit sa ibabaw ng kama ko at isinout yun.
Black over sized t-shirt,black fitted jeans at black rubber shoes lang ang sout ko.....as ussual.
Tiningnan ko ang relong kasosout ko lang sa kaliwang pulsuhan ko.
Malapit ng mag alas otso..........sakto lamang dahil tapos na din ako.
Isinout ko na sa likod ko ang backpack ko at isinabit ko sa sports bag ang black hoody jacket na dala ko saka ito inilagay sa kaliwang balikat ko.
Nakita kong papatayo na si Ate Lyka at akmang aakyat na ng hagdan ng mapansin na nag lalakad na ako pababa.
"Andyan ka na pala,halika na kumain ka na alam kong hindi ka kumain kagabi."sabi nya.
"Hindi na."sagot ko at nag tuloy sa pag lalakad papunta sa sala.
"Pero--------"
*kruuuu**kruuuu*
Natigil ang sasabihin sana nya nang malakas na tumunog ang tiyan ko.
The heckkk!!!Seriously?!
Nakita ko naman siya na ngumit.....nang aasar.
"Fine!!"padabog kong nilagay sa sofa ang dalawang bag na dala ko at nauna nang pumunta sa kusina.
Kumuha lang ako ng isang tinapay at nag timpla ng kape.
Hindi naman talaga ako mahilig kumain ng umagahan eh......kung kakain man ako ay siguradong pinilit lamang ako ni Ate Lyka.
Yun lang naman ang kinain ko kaya mabilis akong natapos samantalang si Ate Lyka naman ay tapos bago pa man ako makalabas ng kwarto ko kanina.
Bumalik ako saglit sa kwarto ko at nag sipilyo ulit.
Pag baba ko ay si Ate Lyka na lang ang nakita ko kahit ang mga dadalhin naming gamit ay wala na.
Napakunot tuloy ang noo ko.