Dali dali akong naligo at nagbihis.
Pagkababa ko sinalubong agad ako ng amoy ng niluluto ni papa.
"Oh anak halika at kumain ka muna"
"Ay wag na po late na po ako eh"
Natataranta kong sagot.
"Sige bye po" Kumaripas na ako ng takbo papunta sa kotse ko.
"Ah.. eh.. Sige mag ingat ka! Umuwi kagad ha!"
"Opo, paalam nyo nalang po ako ke mama!"
***
Pagkadating na pagka dating sa school kumaripas na agad ako ng takbo.
Teka!
Napahinto ako.
Hindi ko pa pala alam kung san yung room ko.
Ay!Yuri naman!Minsan tatanga tanga ka rin eh!
Napa pukpok nalang ako sa ulo ko.
Asan ba dito pwedeng makita kung san room ko? Kainis.
Inikot ko yung paningin ko.
Ah!ayun! Dun malapit sa may gate.
***
Pagkadating ko sa tapat ng room ko nagbuntunghininga muna ako.
"Kaya mo to yuri"
Bulong ko sa sarili ko.
Nanginginig kong binuksan ang pinto.
O.O
Te-teka! Bakit walang tao dito?
Ha?
BINABASA MO ANG
It all started with a dance
Teen FictionWhat if you met a guy... at nagustuhan mo sya... Pero di mo pa nakikita... Kaya mo bang gawin lahat para lang makita at makilala sya?