Careless

135 12 9
                                    

CARELESS

KINAGABIHAN ay hindi akon mapakali sa aking gagawin. Siguro’y hihingi nalang ako ng paumanhin kay Granger at sasabihing prank lang ang lahat, magpopost rin ako sa facebook na hindi totoo ang mga sinabi ko para muling malinisan ang nagulo kong pangalan ni Granger.

Tatlong oras ko nang kaharap ang cellphone ko ngunit wala paring nangyari. Hanggang sa maisipan kong i-chat ang aking bestfriend para humingi ng pwede kong gawin.


‘Oy, anong gagawin ko ngayon?’
✔️


Isang minuto lamang ay typing na siya ngunit limang minuto na ang nakalipas ay typing parin si Lesley. Ako ba’y pinagloloko ni Messenger?


‘Peymus ka tubol? Kanina ka pa typing ah, maya-maya multo na 'yan. Ay sabagay, ghoster ka pala.’
✔️


I chuckled and sent it to her.

Sa wakas ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kanya,

‘tumae ka tas kainin mo.’

✔️

Napabangon naman ako sa aking kama dahil sa inis. Wala talagang kwenta tong kausap. Ganito kami sa chat kahit na sobrang close namin sa personal, ganon naman ang magkaibigan diba? Parang mga tanga.



‘Wala kang kwentang kausap.’
✔️



‘Hindi kita kilala, sino ka ba?’
✔️



‘Ako to si Natoy na mahal na mahal ka.’
✔️


‘Ha?’
✔️

‘Hatdog.’
✔️




‘hamburger.’
✔️


‘halaman.’
✔️




‘Hanger.’
✔️



‘hatdog  ni Granger malaki.’
✔️


‘Ay hala na send.’
✔️




‘gaga ka, wala ka talagang kahihiyan!’ ‘tantanan mo na ako, gawan mo ng paraan ang kalokohan mo. Magsorry ka.’





‘K.’
✔️
I replied.


Bumagsak akong muli sa aking kama at itinapon ang aking cellphone na hawak.

Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ‘to? Bakit ko pa ba kasi iyon nasabi? Hindi naman ganon ang plano ko, para tuloy akong bulateng binudburan ng asin dito dahil sa likot ko at hindi ako mapakali. Paranoid na ako, what if harangan ako ng tropa ni Granger bukas, ipabugbog, isalvage?

“Oh no.” I reacted on the scenes that are flashing on my mind. “Hindi iyon pwede, hindi ako pwedeng mamatay.” Napabangon akong muli, “Hindi ako pwedeng mamatay.”

Napalingon ako sa aking pintuan at napahinto nang makita ang kuya kong nanlalaki ang mga mata habang pinagmamasdan ako.

“MA…” tawag nito. Nangunot ang noo ko dahil sa kakaiba nitong inaasta. “MA, si Guiny nabubuang na naman.” Saad nito na ikinainis ko.

Dahil sa inis ay binato ko siya ng unan, “lumayas ka dito sa kwarto ko! Layas!” sigaw ko. Parang aso namang tumalon ang kapatid ko at umalis, natakot amp.

Hanggang sa mapag-isipan kong humingi na lamang ng paumanhin kay Granger. I opened my messenger, natambakan ako ng mensahe mula sa mga kaklase kong chismosa na nagtatanong kung ano daw ang ibig sabihin ng ginawa ko sa gate kanina. Ang bilis nga namang kumalat ng chismis, pati mga teachers may alam na rin. Nakita ko ang screenshot sa isang GC.

“Leche.”

I composed a message to Granger,



Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry talaga, hindi agad pumasok sa utak kong iyon ang nasabi ko.
✔️

Sorry, sasabihin ko nalang sa lahat na wala iyong katotohanan. Ano kasi, gumagawa ako ng prank… tapos iyon ang kinalabasan, sorry..
✔️



Hindi na natapos ang paghingi ko ng paumanhin kay Granger, nangako rin akong hindi na ako uulit pa at hindi ko na siya guguluhin kahit kailan. Hindi ko nasabi sa kanya ang aking nararamdaman, itinago ko na lang. Tinadtad ko lang siya ng sorry at ng aking mga rason.

Matutulog na sana ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pala na off ang data. Kinabahan ako ng makitang si Granger ang nasa chatheads. Nagreply na siya, ampotek!


'I thought you would never message me.'
✔️


WHAT THE HELL! Pakiramdam ko'y namula ako sa naghalong nararamdaman. Naroroon ang kaba, ang kilig, PASHNEA!



‘Bakit mo naman sinabi iyon? Hindi tuloy ako tinatantanan ng pinsan ko ngayon...’
✔️





Nakagat ko ang aking labi, lubos akong nakonsensya. Sana nga talaga ay hindi ko nalang iyon ginawa, sana pala’y pinili ko lang manahimik.





‘sorry.’
✔️




‘The girl who clung into my arms earlier, she’s my cousin… ikinikwento ka niya sa pamilya ko ngayon… ang nangyari kanina…’
✔️




“OMYGOSH!”I literally shouted. Talagang dumagundong ang puso ko sa kaba, hindi ko inaasahan iyon. Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya niya sa akin?

MYGOD! I’m doomed.





‘Sorry talaga…’
✔️






Para akong baliw na bumalik sa pagkakahiga. Nagsimula na ring bumuhos ang luha sa aking mata. Ngunit isa pang mensahe galing sa kanya ang nagpatibok ng mabilis sa aking puso.






‘Hala ka. Hindi talaga humihinto ang pinsan ko, dahil diyan panindigan mo ‘to. Girlfriend na kita, hinahanap ka sa akin nila Mama… pati na rin si Papa. Gusto kang makilala… ng buo kong pamilya.’
✔️



I stopped.






TOTOO BA ANG LAHAT NG ITO?






--
THE END
Yes po, author niyo pabitin.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Careless | 𝓖𝓻𝓪𝓷𝓖𝓾𝓲𝓷✔️ 🎉
Careless | 𝓖𝓻𝓪𝓷𝓖𝓾𝓲𝓷✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon