Melancholic Reality

122 19 7
                                    

MELANCHOLIC REALITY

Pumasok ako ng lutang ng araw ding iyon. Hindi ako mahinto sa pagluha, kinakabahan ako na baka hindi ko na magawa pang mag Lucid dream at hindi na siya makita pang muli. Sobrang tagal naming magkasama sa panaginip, ngunit kaunting oras lang iyon sa realidad. I was just dreaming, and then I woke up.

"Mukha kang sabog ngayon ah."

"Uy, kumusta yung thesis? Sorry, ako nalang magpatuloy ngayon."

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng iba, lutang na lutang ako. Gusto kong umuwi at gawin ang lucid dream para makita siyang muli. Ngunit alam kong busy siyang tao, nagkataon lamang ang pagkikita namin ng mga oras na iyon.

Nagdaan ang ilang gabi at hindi ko na muling nagawa ang Lucid Dream. Nananaginip ako, ngunit wala siya sa panaginip ko. At hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko, hindi malinaw ang kaisipan ko ng mga nagdaang araw.

I'll find you.

"I'll find you." Nabuhayan ako ng loob ng maalala ang sinabi niya.

'Gusion Paxley' what if ako ang maghanap sa kanya?

Hinanap ko siya sa Facebook at sa iba kong social media accounts, totoo nga siya. Ang nakita ko sa lucid dream at ang taong nahanap ko ngayon ay parehong pareho. Siya nga ang anak ng Gobernador, hindi siya nagsinungaling sa akin.

But how will I approach him? Hindi niya ako kilala at mukhang hindi niya ako naalala. Sikat siya sa Facebook, ang masakit lang ay madalas siyang may kasamang babae.

Pinalipas ko ang araw na iyon at pumasok na naman akong lutang. How I wish to see him again. Gustong gusto ko talaga siyang makita, kahit sa panaginip lang ulit. Sa kanya lamang ako naging ganoon ka komportable, hindi na ako magkakamaling kalimutan siya.

"Alam mo ang creepy mo ngayon Guinevere."

Hindi ko na pinansin ang mga komento ng mga kaklase ko, bagsak akong umupo sa aking silya at yumuko.

"Goodmorning class, may bago kayong kaklase, come in."

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Gayunpaman ay hindi ko nilingon ang taong pumasok at tumayo sa harapan, ayokong umasa. Ilang beses nang nagka transferee sa University, ngunit ni anino niya'y wala akong nakita.

"Hello everyone."

Sa tinig na iyon ay mabilis akong napalingon sa harapan, hindi ako pwedeng magkamali.

Nakatingin siya sa akin. Namilog ang mga mata ko ng ngumiti siya sa akin.

Gus.

"I'm Gusion Paxley."

Omygosh. Hindi ako nananaginip diba? Baka nasa Lucid Dream na naman ako? Naghanap ako ng relo, may relo nga sa aming classroom ibig sabihin nasa realidad ako. Hindi ako nananaginip.

"Sampalin mo nga ako." Sabi ko sa katabi ko.

"Gaga ka ba? Ano bang nangyayari sayo?" Litong saad ng seatmate ko. "Wag mokong idamay kung nababaliw ka na." dagdag pa nito.

Muli akong lumingon sa harapan at nagtama ang paningin namin saka ay muli siyang ngumiti. Umalingawngaw sa aking tainga ang huli niyang sinabi sa akin.

"I'm going to find you..."

"No need to prove,  I'm real, I really am real, at last I found you dreamer."

--
THE END

Lucid Dream | 𝓖𝓾𝓖𝓾✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon