PROLOGUE

4.3K 80 58
                                        

“Buntis ako,” balita ko rito.

Hinanda ko ang aking sarili. Nakangiti na hinintay ko ang reaksiyon ng aking nobyo.

“Anong sinabi mo?” nanlalaki ang mga mata nito at mabilis pa sa alas kuwatro na bumangon ito.

Ngumiti ako sa aking nobyo.

“Buntis ako Dolion,” napalitan ng kaba ang aking nararamdaman ng hindi ko makita ang saya sa mukha nito.

“Are you joking?” napakunot ang aking noo sa tanong nito.

“Hindi ako nagbibiro Dolion at ang pagbubuntis ay hindi magandang gawing biro,” umiling ito sa akin.

“Bakit ka nabuntis Seina?” uminit ang aking magkabilang pisngi.

Akmang yayakapin ko ito dahil sa hiya na aking nararamdaman. Umiwas at umiling ito sa akin.

“Bakit ka buntis Seina?”

“Nagtalik tayo Dolion. Ganoon namang paraan kaya nabubuntis ang babae. Bakit mukha kang galit?”

“Hindi ka ba gumamit ng pills?”

“Wala akong pera na pambili Dolion at hindi mo ako sinabihan na bumili o uminom ng pills.”

“Ang bobo mo Seina. Ang bobo bobo mo! Wala ka man lang common sense?!” sigaw nito sa akin.

Bumangon ito at hinanap ang mga damit na ngayon ay nagkakalat ay kaagad niyang pinulot. Wala pang dalawang minuto ay nasuot na nito ang kanyang damit.

“Huwag ka namang magsalita ng ganyan Dolion. Ako mismo nagulat ng magsuka ako isang umaga Dolion. Akala ko hindi ako mabubuntis Dolion. Ikaw ang may alam tungkol sa pagtatalik Dolion, bakit parang kasalanan ko?”

“Ang bobo mo! Paano na 'yan engage na ako Seina. Ikakasal na ako, sa babaeng mahal na mahal ko?” gumuho ang mundo ko sa narinig ko sa taong pinakamamahal ko.

“Nagbibiro ka di'ba? Sabi mo mahal mo ako?” tumawa ito na tila na mawawala na sa kanyang sarili.

“Gague! Na pagmamahal 'yan. Ibubuka mo ba ang dalawa mong legs at magpapasok ka ba kung hindi ko sinabi na mahal kita? Sinabi ko lahat ng mga iyon para pumayag ka sa mga gusto kong gawin sa katawan mo?! Di'ba hindi? Sabihin mo na mali ako?” sigaw nito sa akin kulang na lang lumabas ang mga ugat sa leeg nito.

“Akala ko ba mahal mo ako?” napasabunot ito sa kanyang buhok.

Ang mga luha sa aking mata ay patuloy pa rin na  umaagos ang luha sa aking magkabilang pisngi. Sinubukan ko itong hinawakan ng tabigin nito ang aking kamay. Nanghihina na napaupo ako sa sahig.

“Bobo! Ang bobo mo! ikakasal na ako at paano kita mamahalin. Alam kong mabait kang tao. Ayaw mo naman siguro na makasira ng relasyon?”

“Oo ayokong makasira...pero Dolion paano kami ng baby? Wala akong perang panggastos sa baby Dolion alam mo naman na isang kahig at isang tuka kami kung makakain,” kinuha nito ang wallet.

Nanlalaki ang aking mga mata nang tumama sa aking mukha ang pera.

“Bibigyan kita ng pera. Huwag na huwag mong ipa-ako sa akin ang bata Seina.”

“Dolion! Dolion!” Sigaw ako ng sigaw.

Sinubukan ko itong habolin ngunit huli na ang lahat ng mabilis na pinasibad ni Dolion ang sasakyan. Ilang minuto ay bumangon na ako at naglakad patungo sa sakayan para makauwi na sa amin.

Hindi ko naman na kailangan ng pera sa aking pagbubuntis. Ang kailangan ko ang presensiya nito bilang ama. Matiwasay na naka-uwi ako ng bahay. Alam kong namamaga pa rin ang aking mata galing sa pag-iyak.

Kaya bago ako pumasok ng bahay nag-igib muna ako ng tubig para paghugas ng aking mukha. Ilang beses na muna ako humugot ng malalim na hininga bago ako naglakad papasok sa bahay.

Nanlaki ang mga mata ko nang may tumama sa aking mukha. Napatingin ako sa aking harapan. Si nanay nanlalaki ang mga ilong na nakatingin sa akin.

“Buntis ka!? Buntis ka ba Seina?” natakot ako ng makita ko na papalapit na ang aking ina sa aking direksyon.

Lumapit ito saka ako sinampal. Hindi lang isang beses nakatanggap ako ng sampal galing sa aking ina.

“Bakit ka nagpabuntis huh? Paminsan-minsan na lang tayo makakain ng maayos nagdagdag ka pa! Sabihin mo sa akin sinong walang hiya ang nakabuntis sa'yo?" sa tanang buhay ko ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay ng sarili kong ina.

”Nanay... patawarin ni'yo po ako.“ Umiling ito.

Ang magkabilang balikat ng aking ina ay nangiginig.

“Sinong ama ng bata? Halika! Pupuntahan natin ang ama ng dinadala mo.”

“Ayaw po akong panagutan nay...” napayuko ako ng aking ulo.

“Anong ayaw kang panagutan? Huwag mong sabihin gagaya ka rin sa akin? Ano? Sumagot ka?”

“Engange na raw po siya nanay,” nakatanggap ulit ako ng sampal sa aking ina.

“Pumatol ka sa ikakasal na anak?! Ang bobo mo sinabi ko na sa'yo na huwag na huwag kang magkakamali na gumaya sa akin...pero bakit ngayon...bakit parang sumunod ka sa yapak ko?”

“Patawad inay...ngayon ko lang din nalaman na may sinisinta na ang aking nobyo.”

“Nasaan ba ang bahay ng nakabuntis sa'yo? Kahit pang suntento na lang sa bata ang ibigay niya. Wala tayong pera para sa mga bitamina na kailangan mo.”

“Umalis po siya kanina sa bahay nila nanay.”

“Ayaw man lang ba niyang kunin ang anak niya? O kaya panagutan ka?”

“Ayaw niya pong angkinin ang bata nay.”

“Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka? Hindi pa naman sila kasal kaya bakit ayaw niyang panindigan ang bata Seina?”

“N-anay, mahal niya raw po ang fiancee niya.”

“Puntahan natin bukas iyang lalaking nakabuntis sa'yo? Ano bang trabaho ng nakabuntis sa'yo Seina?”

“Engineer po nanay.”

“Huwag ka ng mag-inarte at huwag mo ng pairalin iyang puso mo. Manghingi ka ng suntento sa bata total may mailalabas naman na pera ang ama ng bata,” tumango ako rito.

Hindi na ulit ako inimik ni nanay. Umalis ako ng bahay ng sumapit ang alas singko ng umaga. Malayo ang bahay ni Dolion pero kahit malayo ay naglakad ako para lang makarating sa bahay nito.

“Tao po! Tao po.” Walang sumagot.

Tinignan ko ang nasa loob at hindi ko nakita ang sasakyan ni Dolion. Hindi ba ito umuwi kagabi? Naghintay ako sa labas ng bahay ni Dolion. Kahit na alam ko na wala ito ay nagbabasakali ako na may sumagot.

“Kanina pa kita napapansin dito hija. Ang tao ba rito ang hinahanap mo?”

“Opo, manang.”

“Umuwi kaninang madaling araw ang may-ari ng bahay hija. Umalis na yata dahil nakita ko na may pinasok itong dalawang malaking maleta sa sasakyan,” gumuho ang aking mundo sa narinig sa ali.

“Sige po, salamat," sabi ko at umalis na.

________________________________
A/N: I will update this story kapag natapos ko na ang A Secret Affair (Gaisano Series #1).

DecievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon