Chapter 5- Holy Maiden I

"All of us has a stain in our soul. But there are always people who are expert in hiding it, they usually called 'saint'."

Levis Point of View

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi parin nagsalita si Pres nang ikwinento ko sakanya ang kakaibang nangyari sa misyon ko. Seryoso lang itong nakatingin sa taas habang nakasandal ang ulo nito sa upuan.

"The Home of Holiness, huh?" Napalingon ako sakanya. Tinakpan nito ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay habang ang kanang kamay naman nito'y unti unting inabot ang tsaa sa mesa. Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa laki ng ngisi nito.

"We'll go and try to peak then." Nakahinga ako ng maluwag dahil bumalik na ang mukha nito sa dati. Inubos muna niya ang tsaa bago tumayo at naglakad patungo sa baba. Agad ko naman siyang sinundan.

Sumalubong agad saamin ang naglulutong Samantha Joice Elvis. Mukhang hindi niya kami napansin at seryoso siyang naghihiwa ng gulay. Wala siguro siyang magawa sa sala at napagtripan ang kusina namin.

"Sam." Tawag pansin ni Zen sakanya kaya't napalingon ito. "May titignan lang kami ni Aki. Pakibantayan nalang ang Academia habang wala kami."

Nagliwanag ang mukha nito ng marinig niya ang mga salitang binitawan ng Leader namin. Halos mahiwa nga niya ang daliri niya dahil sa saya at gulat. Siguradong iyon ang iniisip niya dahil mawawala nanaman ako dito.

"Makakaasa ka, Zen! Kaming dalawa ni Lucas ang magbabantay para sayo! Kung ano man yan Pres dapat huwag mong bilisan, ayos lang kami ni---" Nagpatuloy lang sa pagdadada ang aming Sekretarya at mukhang nalimutan na kung ano ang ginagawa nito sa kusina.

Hindi nanamin ito pinansin. Kinuha naman ni Pres ang cloak na nakasabit sa gilid ng pinto. Isinuot niya muna ito bago binuksan ang pinto at nagtungo sa labas. Mukhang nakalimutan nanaman niya, hays.

Ngumisi nalang ako ng palihim at sinundan siya sa labas. Bumungad agad saamin ang mainit na labanan ng mga bagong estudyante. Napatigil silang lahat ganoon din ang mga dalawang nasa plataporma at napatingin sa gawi namin o mas sabihin kong sa kanya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at mukhang hindi napansin ang mga titig sa kanya. Napakunot naman ng noo ang kakambal ko dahil natigil ang labanan kanina kaya't lumingon siya kung saan nakatutok ang paningin ng lahat

Oo na, alam ko namang maganda siya pero pansinin niyo din naman ako oh!

Nagbuntong hininga nalang ang kakambal ko habang hinintay na makalapit kami sa kanya. Tumikhim muna siya nang nasa harapan na niya ang leader namin.

"Hiro--" Natigil ang seryosong sasabihin niya ng pinutol ito ng kakambal ko.

"You forget to wear the hood again, Pres." Malumanay ang boses na lumabas sa kaniya pero alam ko sa kaloob looban nito'y natatawa na siya.

Tangina ka talaga Levis! Mapapahamak ako sayo nito

I chuckle when I read his thoughts. We can read each others minds when we are near with each other. 

Nakita ko ang biglaang pagkagulat ni Zen at dali daling sinuot ang hood nito sa cloak niya. Sinasabi ko sainyo, may nakalimutan talaga siya. Napalingon ito saakin at sinamaan ako ng tingin dahilan para umiwas ako at lumingon sa mga bubwit na nakatitig lang saamin. Binelatan ko naman sila kaya't nagbalik silang lahat sa ulirat.

Tulad ng sinabi niya sa babaeng hukluban kanina, lalabas kami ng Academia para alamin ang nangyayari sa likod ng 'Bahay ng mga Santo'. Tumango naman ang kakambal ko bilang pagsang-ayon kaya't walang anu anong tumakbo at lumundag nalang si Zen sa limampung metrong bakal na harang.

"Pres! Hintay!" Agad ko din siyang sinabayan at nagpakitang dilas. Akala ba niya siya lang ang pwedeng magmayabang sa mga bubwit na yon.

Agad akong nagpalabas ng magic circle sa harapan ng bakal. Lumabas naman ang isang malaking bulak at walang pag-aalin langan ko itong tinalon. At dahil sa lambot ng bulak walang problemang nakadaan ako sa kabilang parte ng harang.

Ngumiti ako dahil nakikita ko na ang mga gulat ang mangha nila sa ginawa ko kanina. Mayabang na kung mayabang, may ipinagmamayabang naman.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kami nakalabas kahit may barrier na nakapaligid sa Academia. Ang mga guro at kaming mga myembro ng Sinisters ay pinagkalooban ng kwintas ng Headmistress para ideflect ang epekto ng barrier.

Nasa labas na kami at makikita mong patag at may mga kaunting puno ang tanging nakapaligid sa Academia. Mayayabong at matatayog ang mga puno noon pero nagbago ito at pinalitan ng mga patay na tao noong digmaan, yun ang sabi ng Headmistress saamin.

Naglakad lang ang kasama ko sa kung saan lumitaw ang mga rookies. Espisipiko siyang nagtungo sa isa sa mga puno kaya't sinundan ko naman siya. Agad niya akong sinenyasan dahilan para magpalabas ako ng magic circle sa baba ng puno.

Bigla itong nagliwanag at unti-unting bumuka ang kahoy sa gitna nito. Doon mo na makikita ang teleportation stone ng Academia. Sa tingin siguro ng karamihan ay nasa loob ang bato pero hindi man lang nila naisip na maaaring nasa labas ito.

Kung ikaw ang magteteleport sa ibang kaharian, syempre'y mapapansin mo na malapit lang ang teleportation stone ng kaharian na pununtahan mo. Tanging mga importanteng tao lamang ang nakakaalam nito.

Walang pagdadalawang isip niyang hinawakan ang stone at bigla nalang itong nawala sa tabi ko. Tangina mo Zenaidah! Pati ba naman ako kinalimutan mo o sinasadya mo yon?

Tulad ng ginawa niya hinawakan ko din ang bato sa loob ng puno at inisip ang pupuntahan naming lugar. Nakaramdam muna ako ng kaunting hilo bago bumungad saakin ang sari saring mga lumulutang na isla. Welcome to Floating Isle or should I say Homeland of the Holiness.

Tinagurian ang ang Floating Isle na Tahanan ng Alagad ng Araw dahil ito lang ang lugar na nasa taas at malapit sa Araw. Our land, Illios is the greek word for Sun.

Nasa tabi ko lang siya at nakatutok ang paningin sa pinakamataas na isla dito kung saan ipinatayo ang Banal na Samabahan ng Illios. Popular din ito para sa mga mahihirap dahil sa kawalan nila ng pag-asa kaya't pumupunta sila dito. Posibleng humingi o magpasalamat sa kung anong pinaniniwalaan nila.

What bullshit! Don't get me wrong but I already lost the hope since the war happened.

Agad na kaming nagtungo sa isang gusaling nagtitinda o nagpaparenta ng mga pegasus. Mga kabayong may pakpak na kayang pantayan ang bilis isang griffin. Tumunog agad ang bell sa taas ng pinto pagbukas ni Zen. Binati naman kami ng tao na nasa reception.

"Dalawang pegasus, Renta" sabay hagis sa dalawang pirasong pilak sa counter. Makakalimutin talaga toh at pati salitang galang ay nalimutan niya.

Kinuha naman nung lalaking nasa counter ang dalawang pilak tsaka ibinulsa. Tumayo muna siya at inihatid kami kung nasaan ang mga kabayo.

Namangha ako sa tikas at laki ng mga pegasus. Ngunit isang kulay kayumanggi ang nakaagaw saakin ng pansin. Malakas ang bawat pagaspas ng kanyang mga pakpak. Pansin kong may pagkarebelde din ang kabayo.

Agad ko siyang pinuntahan at nilapitan. Umabante agad ito ng makakita siya ng tao sa harapan niya ngunit unti unti siyang lumapit hanggang sa mahawakan ko ang leeg nito. Hinaplos ko muna siya hanggang sa maging komportable na siya saakin.

Inilusot ko ang paa ko, tumalon at umupo sa saddle. Tumalon din ang pegasus at halatang nasiyahan sa ginawa ko. Pinakawalan naman ng lalaki ang harang sa pegasus kaya't agad itong lumabas.

Pinakalma ko muna siya dahil siguro hindi siya masyadong pinipili ng mga bumibisita dito sa Floating Isle.

ParaseleneWhere stories live. Discover now