VIII

0 0 0
                                    

Chapter 8 -Uncomfortable Duo

"I will have nought to do with a man who can blow hot and cold with the same breath. I want to be the condensation on the glass. I want to be that phenomenon that takes place between hot and cold."
-Aesop

Glaze's Point of View

Hindi ko maiwasang makaramdam na parang may nakatingin saakin ngunit hindi iyon isang positibong tingin. Matagal ko na itong hindi pinapansin ngunit matalim ang mga titig nito na para bang babalatan ako ng buhay.

"Ano bang tinitingin tingin mo?" Medyo naiinis kong wika sa Prinsipe ng Flame Kingdom. Umirap ito at nag-iwas lang ng tingin kaya't  nagbuntong hininga ako.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang malaking medical tent. Magkatabi lang kami ng kama kaya't medyo may tensyon sa pagitan namin. Wala ding tao ng magising ako at tanging tubig lang sa lamesa katabi ng kama ang meron.

"Ah! Gising na pala kayo!" Nagulat kaming dalawa dahil bigla nalang sumulpot si ang kambal ng Vice President. Mukhang tapos na sila sa misyon nila kaya't nandito siya ngayon.

Ngunit hindi ko maiwasang alalahanin ang babaeng kasama nito sa misyon. Malaporselanang kutis, unang tingin mo palang makikita mong para itong isang maharlika. Ngunit ng tinignan ko ang seryoso nitong mukha, nagiba ang ekspresesyon ko sakanya. Sino kaya ang babaeng yon?

"Oho! Mukhang naging matindi ang laban niyo dahil isang araw kayong tulog."

"What?!" Sabay naming sabi at nilingon ang nakangiting lalaki. Magkamukha talaga sila ng kambal niya pero makikita mo ang pagkakaiba nila sa ugali palang.

Napatingin din ako kay Reuthur nang sabay kaming sumigaw. Makikita ang pagkairita sa mukha nito habang nakatingin din saakin. Hindi namang maiwasang kumunot ng noo dahil parang may galit yata ito saakin. I just clicked my tongue and look away.

"Mukhang hindi pa yata sapat ang laban natin dahil sa asta mo! Tandaan mong Prinsipe din ako ng isang kaharian kaya't huwag kang magyabang!" Sigaw nito saakin.

I can't stand his arrogance.

"So what? I'm more talented than you." Mahina ngunit matalim kong sagot sakanya ng hindi tumitingin dito. Kinuha ko ang basong may tubig sa tabi ng kama ko at uminom.

"Aba't napakayabang mo talaga eh noh!" Tatayo na sana ito mula sa kama niya para sugudin ako mangbigla nalang may humila sa likod niya.

"As expected from King Flame's son, you're hot tempered as he is." Sabi nito habang hawak-hawak ang likod ng kwelyo ni Reuthur. Narinig ko pa ang sigaw at reklamo ng kapwa ko Prinsipe ngunit hindi man lang niya ito pinansin.

"Bwisit talagang kambal yon! Ba't iniasa saakin ang dalawang toh. May isang reklamador at soreloser, tapos isang walking iceblock." Bulong nito ngunit parang pinaparinggan niya kami pero hindi ko nalang siya pinakinggan.

"What soreloser! Hey you! You're talking to the Heir of a whole kin---" Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya'y naunahan na siya ng lalaking may hawak sa likod ng kwelyo nito.

"Wala akong pake kung isa kang anak ng mga naiambag sa labas. O kahit isa ka pang royalidad." Napatigil nalang si Reuthur at maging ako ng seryoso niya itong tinitigan. Pansin ko ding pareho sila ng sinabi ng kambal niya noong unang araw palang namin dito sa Academy.

"Mas malakas padin ako sayo bata." Nanginig kaming dalawa dahil sa lamig ng boses niya. Kahit yelo ang kapangyarihan ko'y iba ang pakiramdam ng marinig ko ang tonong iyon.

Tumahimik din si Reuthur at nagbaba ng tingin habang nakayukom ang kamao nito. Bumalik ang ekspresesyon niya sa dati at para bang hindi siya nagsalita ng kakaiba ngayon. Nakita kong binitawan na niya si Reuthur.

"All right! Maayos naman kayo. Kailangan niyo nang itayo ang tent na tutulugan niyo." Nakangiti nitong sabi saamin. Tumango naman kaming dalawa at tumayo.

Wala man lang akong naramdamang sakit sa katawan ng tumayo ako sa kama. Sa matindi naming laban mukhang magagaling ang mga Healers dito. Pareho kaming lumabas sa tent at sumunod kay Sir Akihiro.

Paglabas namin ay sumalubong agad saamin ang mga iba't ibang tent. Karamihan dito'y mas maliit kumpara sa Medical Tent kung nasaan kami nakahiga kanina.

Makikita mo din sa kabilang dako ang mga tulad kong kakapasok lang sa X Academy na may sarili nang naipatayong tent. Karamihan sa kanila'y nakaupo na sa mga mesang gawa sa kahoy katabi lang ng tutulugan nila.

Teka? Kung nakapagpatayo na silang lahat at hindi pa saamin..

"Ah. Nakalimutan ko palang sabihin na sa iisang tent kayo matutulog." Kaswal nitong sabi na para bang hindi niya kami nakitang nag-aaway kanina. Halatang walang pake at mas lalo pang ngumiti saaming dalawa.

"Ano! Aba't sinadya mo siguro toh!" Unang nagsalita at nagreklamo si Reuthur sakanya at mukhang nakalimutan na mas malakas siya kaysa dito. Tinuro-turo pa niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya pinansin.

"Mukhang may di pagkakaunawaan yata sa sinabi mo, Sir Syrian." Pati ako'y nagreklamo na dahil hindi ko matiis na makasama ang isang mayabang sa loob ng iisang tent.

Lumingon ito saamin ng may mapaglarong ngisi na para bang inaasahan ito. Umiling iling ito habang pinagkrus ang mga braso habang pinagmamasdan kami.

"Nope. This is decided by my brother himself. And their is a reason for that. Both of you had almost equal powers and none of the boys except you two had the same amount of magic." Seryoso nitong sabi habang tinataas ang nonexistent nitong salamin at parang ginagaya ang kambal nito.

Hindi na muli kaming nagsalita dahil tama naman ang sinabi nito, pareho kaming Maharlika at Prinsipe kaya't halos magkapareho lang ang mana naming dalawa.

"Tsaka Royalties kayo, I don't want someone to feel inferior because of you two. Oh! Doon pala yung pwesto niyo." Tinuro niya ang nag-iisang tent na hindi pa naitatayo sa gitna kaya't mabilis namin itong nakita.

"Get along with each other." Sabi nito at bigla nalang naglaho sa harapan namin. Ako lang ba o parang nang-iinsulto ang lalaking yun. Mukhang hindi lang ako ang nakapansin dahil nakita kong matalim ang tingin ni Reuthur sa naglahong lalaki kanina.

Lumingon naman ito sa direksyon ko at binigyan niya ulit ako ng masamang tingin bago unang pumunta sa tutulugan naming dalawa. Nagbuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanya para tumulong sa pagtatayo.

Pareho kaming nasa harapan ng isang malaking tela at mga nagkalat na maninipis na metal sa paligid nito. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung paano siya bubuuin. Napatingin naman ako sa kasama ko at mukhang pareho kaming walang alam sa ganito.

"Tsk! Bwisit!" Inis na wika niya at sinipa ng mahina ang tela. Napasabunot nalang ito ng ulo at naghanap ng tao sa paligid.

"Hoy ikaw!" Sigaw nito sa isang lalaki na kasalukuyang kinakausap ang kasama nito. Iritang napalingon naman ang binata pero nagbago ng mabilis ang ekspresyon niya ng makita kaming dalawa.

"A-ano po iyon, mga kamahalan." Nanginginig nitong pagbati habang nakayuko. Bigla namang lumayo kasama niya para hindi masama sa gulong ginagawa ni Reuthur.

At tulad ng inaasahan, inutusan niya ang lalaki na itayo ang tent namin. Nagbuntong hininga ang lalaki na para bang nabunutan ng tinik at mukhang masaya pa na inutusan siya nito. Gusto ko sanang pigilan ang kabastusang ginawa ng kasama ko ngunit hindi ko alam kung paanong itayo ang tent namin.

Pinanood ko nalang ang binata sa pagtatayo nito upang may matutunan ako sakanya. Pareho kaming magkaupo ni Reuthur sa iisang picnic table ngunit nagkalayo kami sa isa't isa.

What an exhausting day…



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ParaseleneWhere stories live. Discover now