Reach for the star.
©Singkeetlicious
This is work of fiction.
Don’t distribute without the author’s consent.
Prologue
Teaser
Kilala si Amarrah Zue Fernandes sa pagiging cold-hearted sa mga taong nasasakupan niya. Isa siyang sikat na teen-star na talagang tinatakilik dahil na rin sa kanyang mala-anghel na boses at mahusay na pagsayaw. Given na ang kanyang mala-dyosang ganda at alindog, iniisip ng iba ay isa siyang ‘epitome of beauty’ at ‘Ms. Perfect’.
Ngunit sa lahat ng biyayang kanyang natatanggap ay hindi pa rin masaya ang isang Amarrah Zue Fernandes sa buhay niya. Mas gusto niya ng simple at payapang buhay, nais niya ay pagmamahal at hindi kasikatan. Hindi niya pinangarap na maging isang artista o isang sikat na singer/dancer, nais niya lamang maging isang Designer. Kung hindi lamang utos ng kanyang magulang ay hindi niya ito nanaisin na pasukin.
Ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang Kleus Timothy Francisco sa buhay ng dalaga. Ang lalaking kasalungat ng ugali niya, makulit at madaldal ngunit dahil sa kagwapuhan ay madali siyang sumikat at nagkaroon ng mga fans club.. Parehas sila ni Zue ng pinapasukang University ngunit magkaibang course, unang pagkikita palang nila, kahit hindi gaanong kaganda ay sobrang naintimidate siya sa dalaga.
Makukuha niya kaya ang isang uber-sungit na Amarrah Zue Fernandes?
Can he take the risk?
Will he’s willing to reach for the star?