Chapter 2: The unexpected outcome

9 1 0
                                    

Chapter two

2. The unexpected outcome

Dali Erin! Itago mo ako. Makikita ako nung bakla kong manager, sabihin mo maysakit ako!”

pilit kong siniksik ang sarili ko sa likudan ni Erin. Nakita namin si Jones dito sa loob ng mall, ang bago kong manager. Sinabi ko kasi na hindi ako makakaattend ng photoshoot ngayon dahil nga magmamall kami ni Erin, pero sabi niya hindi daw pwede. Kainis!

“Gaga! Nasa mall kaya tayo. Maniniwala kaya yun sa’yo? Kung mag palit ka na lang ng anyo, ano?”

Umirap naman ang loka. Oo nga ano, ba’t di ko naisip yun. Kung sakali, mabubuko ako ni Jones pag yun ang e-dinahilan ko?

Teka nga.. magpalit ng anyo kamo?

“Tama! Ang galing mo talaga Erin! Ba’t diko naisip yun?” she gave me a confused look.

“Loka, hindi naman maganda kong magdi-disguise nanaman ako. Nung last time pinagkaguluhan kaya tayo kasi hindi effective, so magpapalit nalang ako ng anyo.” I smile triumptly.

“Paanong hindi tayo mabubuko? Ampanget mo kaya mag disguise! Walang nangyari.”

She rolled her eyes at parang nagsasabing ‘duh’.

“Whatever.”

Nakita ko sa peripheral vision ko na mukhang nakita na ako ni Jones! He’s heading towards my way! Tangina naman huhu.

Kailangan kong umisip ng one-minute Idea. Ayokong magphotoshoot ngayon! Nakakainis ang Ideyang magsusuot ka ng iba’t ibang damit at lalagyan ng maraming kolorete ang mukha mo tapos pose dito, pose dyan ang gagawin mo!

“Erin. Listen, mukhang nakita na ako ng antagonist. Kailangan kong makatakas dito, gaya ng dati alam mo na ang gagawin mo. Magkita na lang tayo sa parking lot mkay? Ingat sissy!”

Mukhang naintindihan naman ako ni Erin. Nakita na rin niya si Jones kahit nakatilikod siya.

“Copy. Basta mag-ingat ka ha? Treat me after this, kbye. Shoo na!”

After that, iniwan ko na si Erin doon. Alam niya na ang e-dadahilan sa bakla kong manager.

Pumunta muna ako sa salon ng kaibigan kong bakla. Isa siyang sikat na hairstylist, sakanya lagi ako nagpapa-ayos ng buhok. Magpapadie ako ng buhok ko, uhm ano kayang maganda. Burgundy o blue? Bahala na, dalawang kulay na lang.

Pumasok na ako sa salon niya. As always, ang daming costumer.

“Mama mia! Marsella Agoncillo, lalo kang bumubeauty. Kaiingit ang feslak mo sis.”

Nakipagbeso-beso naman ako. Isa din siya sa mga kaibigan ko, meron pang dalawa kaso nasa ibang country. Natatawa ako at ‘Marsella Agoncillo’ pa din ang tawag niya sa’kin.

“Hoy Stephenie! Na-miss din kitang bruhilda ka. O ano? Pagandahin mo na’ako.”

Tumawa na lang kaming parehas. Nagkaroon pa ng kunting chit-chat pagkatapos kinulayan at ginupitan ang mahaba kong buhok.

After so many hours…

Natapos na rin ang makeover. I looked at myself in the mirror. Nabawasan ng kunti yung buhok ko, pero mahaba pa din. Dalawang kulay ang nangyari, light blue ang nasa downer part ng hair ko at dark blue naman sa upper part. Medyo bumagay sa maputi kong kulay. Amazing! Ang ganda ng blue. Promise.

I pay my fees pero may discount syempre mwehehehe.

I wear my rayban glasses para hindi naman halatang isa akong artista. Nagtungo muna ako sa isang sikat na coffeshop. Hindi naman ako pala-inom ng kape, actually masarap kasi yung leche-flan at Ice cream nila dito.

I ordered Chocolate-mocha frappe at isang sweet caramel leche-flan.

I peacefully ate my food. Omygod, kung pwede lang tumira dito gagawin ko. Pero syempre joke lang.

Agad ko naman napansin ang pagbukas ng pintuan ng coffeeshop. Shet! Ba’t andito yan?!

Pasimple akong tumayo at tumalikod papuntang restroom. Napansin kong napatingin siya sa’kin kaya agad ko namang hinawi ang mahaba kong buhok sa mukha ko para hindi niya ako mamukhaan. Para tuloy akong tanga dito. Tumungo ako at naglakad. Buti na lang at nagpakulay na ako ng buhok kaya hindi niya ako makilala.

Panira talaga ng araw yang baklang yan! Tama kayo, si Jones yun. Ba’t andito yan?!

Nang makita ko ang restroom, agad akong pumasok at hingal na hingal. Buti na lang walang tao.


“AAAAAAAAHHHHHH! TANGINA ANONG GINAGAWA MO DITO?! BOY’S CR TO MISS! TAKTE.”

Napatalon naman ako. Jusko! Sino ba ‘tong bigla-biglang sumisigaw?!

At ano daw?

Teka…Boy’s cr daw to?

BOY’S CR TO?!

WAAAAH! TAKTE! NAKAKAHIYA!

**

“A-ah. A-ano kasi, wala kang paki! Wala namang nawala sa’yo. Makasigaw ka.”

Umirap ako sa’kanya. Takte hindi ko na lang pinahalata na kinakabahan ako!

“Putangina miss. Boy’s cr to! Bawal ka dito. Ang sabihin mo gusto mo lang mambuso!”

Aba’t! Ang kapal ng mukha neto e. Oo na gwapo na siya! Mukhang pamilyar pero hindi ko siya kilala. Paki ko sa’kanya.

“Putangina mo din mister. Ikaw sisilipan ko? Wala ka namang maipagmamalaki, ang kapal ng mukha mo.”

Ano ba siya para ma-act ng ganyan? Putangina, minura pa ako. Babae kaya ako, BABAE!

Mukha namang umasim ang mukha niya. Ang harsh ko ba? Wala e, nauna siya.

Napansin kong may taong papunta dito.

TAKTE!

Papunta si Jones ditto! Kailangan kong mag-isip ng gagawin ko. Mapapahiya ako, nandito pa naman ako sa cr ng mga lalaki, plus kasama ko pa ‘tong demonyong to. SAAN KAYA PWEDENG MAGTAGO?

Luminga-linga ako para maghanap ng mapagtataguan. Pero, wala akong mahanap! Pamura isa. Putangina.

Nagsimula na akong mapanic at napansin naman ni kuyang demonyo ang pagtingin tingin ko sa labas ng pinto. Mukhang tapos naman na siyang magbawas.

“Miss? Okay ka lang?”

Tanong naman niya. Sorry Lord, natetempt ako. Wala na akong choice. Bahala na batman.

“H-hey, A-anong g-ginagawa mo?”

“Sorry talaga mister, kahit ampanget ng ugali mo kailangan talaga kita ngayon. May kailangan lang talaga akong takasan.”

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. At marahan ko siyang hinalikan. Nung una naramdaman kong nabigla siya, pero agad naman siyang nakabawi at inalagay niya kanyang mga kamay sa bewang ko.

Bumukas naman ang pinto at alam kong si Jones yun. Kahit naman bakla yun, sa Cr ng boys pa rin yung nagbabawas. Takte talaga.

Naramdaman kong napahinto siya at napatingin sa’min. Takte! Pinikit ko ang mga mata ko. Isininandal ako ni Kuyang-hindi-ko-kilala sa pader at mas lalong idiniinan ang mga halik niya. FYI hindi siya ang first kiss ko, nung mga bata pa kasi ako may isang batang lalaki ang nagnakaw ng first kiss ko and the rest is history.

Narinig ko naman siyang nagsalita na parang:

Ano ba itong mga kabataan ngayon, kalerke.

After a minute, narinig ko naman ang pagsarado ng pinto.

Agad akong kumawala sa lalaking kaharap ko ngayon.

“Sorry talaga mister! Bawi na lang ako sa’yo next time. See you soon, ciao!”

At kumaripas na ako ng takbo Ewan ko ba, ambilis ng tibok ng puso ko. Siguro sa kakatakbo ko. Lagot ako neto, baka naghihintay na si Erin sa’kin.

Wag na sana kitang Makita. Nakakahiya kaya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reach for the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon